JESTER'S POV
*Dismissal time*
"Jack, punta tayo sa bahay. Review tayo. Malapit na yung test diba?" Yaya ko sa kanya. Papunta na kami ngayon sa parking lot. Dun kami sa kotse nya. Remember, diba hatid sundo nya ako?
"Ah sige. Movie marathon na din tayo." Suggest nya.
"Oh sure. Btw, wala ka bang napapansin? Parang wala ng aksidenteng nangyayari noh? Ang weird lang. Nung nakaraan, halos oras-oras eh nadidisgrasya ka kasi may mga nagbabalak ipahamak ako pero ikaw yung nayayari pero dapat talaga sakin yun." Nakakapagtaka lang,. Ngayon week kasi walang ganun na pangyayari. Thank God naman.
"Hahahaha. Baka nagsawa na sila." Natatawang sabi ni Jack.
"Sana nga. Napapagod na din kasi ako sa kakahanap ng mastermind nun. At natatakot din ako para satin kasi baka may balak na naman sila. Pero sana talaga tumigil na sila." Sabi ko sa kanya. Pumasok na kami sa kotse nya.
*Along the way*
"Boss, tara baba muna tayo. Bili tayo nun oh!" Huminto kami at may tinuro si Jack. Orange na something sya.
"Ano yun?" Hindi ko alam kung ano ba yung tinutukoy nya.
"Paano mo malalaman kung hindi natin lalapitan? Tara na." Bumaba na kami at pumunta dun sa tinuro nya.
"Ate, magkani po lahat ng tokneneng nyo?" Tanong ni Jack sa tindera. Tokneneng? What kind of name is that? Ewwww.
"200 pesos yan hijo." Sabi ng matandang tindera.
"Pakibalot po tapos yung sawsawan ay mixed na suka at matamis. Salamat po." Weh? Wala sa mukha ni Jack na nakain ng ganto.
Nabayaran na nya at umalis na kami. Kaso biglang may dumaan. Namention ko ba na maputik dito sa binilihan namin? At dahil nga nauuna akong maglakad kasi nga maputik eh ako lang yung natalsikan.
"What the fuck?" Nagdire-diretso lang yung kotse. Hindi man lang tumigil -_-
"Jaaaaaaack." Paiyak na ako. Nakakainis kasi. Ayoko pa naman sa putik. Ang dumi kasi :(
"Putik lang yan. Hindi yan iniiyakan. Tsaka hindi naman nabawasan yung ganda mo boss. Mukha pa nga syang design ng uniform eh. Mukha mo yung nagdala sa putik kaya nagmukhang design. Hahahahaha. Ang ganda mo kasi." Bakit parang uminit pisngi ko? May sakit ba ako? Bakit ba napapadalas ata yung pag-init ng pisngi ko? Magpapatingin na ako sa doctor. Baka iba na to. Waaaaaah.
"Jack naman eh. Gusto kong magpalit." Hindi ko na sinusungitan si Jack. Kasi nga diba nagkakaroon na ako ng crush sa kanya. Tsaka masyadong mabait si Jack para sungitan ko.
"Okay bibili tayo. May madadaanan tayong tindahan. Basta wag ka lang malungkot boss." Sabi nya. Diba? Sino ba ang hindi magkakaroon ng crush dito? Matalino, mabait at gwapo pa. Ang galing pa sa basketball, boardgames at rubics. San ka pa? Kay Jack na.
"Thank you Jack." Nag-smile ako.
"Wala yun boss. Ikaw pa. Malakas ka sakin eh. Tsaka para sa smile mo, lahat gagawin ko." Pwede bang kiligin? Hihihihi :">
*Dry Market*
"Jack. Anong gagawin natin dito?" Huminto kasi kami sa isang dry market.
"Edi bibili ng damit mo." Sabi nya tapos bumaba na. Naiwan ako. Shocked pa rin. Weh? Dito talaga nya ako bibilhan?
"Boss, baba na." Hinila nya yung kamay ko. Waaah. Yung pinaka-ayaw kong elecric current nag-occur.
![](https://img.wattpad.com/cover/13542121-288-k435264.jpg)