The Takeouts

64 3 0
                                    

JACK'S POV

"Wait mo naman ako sweetie pie. Sorry na." Iniwan ako. Maldita talaga yung babaeng yun.

"Ugh. Wala namang ibibilis yang lakad mo?" Ayan. Huminto na sya pero binungangaan ako. Pero atleast huminto sya. May bait din pala to sa katawan. 

"Eto na. Wag na magalit oh. Lalo kang gumaganda eh. Bahala ka. Baka mainlove ako lalo sayo." Pang-aasar ko. Napipikon na eh. 

"You'll shut up or I'll leave you?" Naka-tiger look na. Nagmeet na yung eyebrows nya. Waaaaah :O 

"TATAHIMIK NA PO." Tapos kunwari zinipper ko na yung lips ko.

"Sinisigawan mo ako?" Yan na naman yung tiger look nya.

"Sino sumisigaw? Wala uhh." Hahahaha. Sarap mang-asar.

"Okay. Whatever. Lets go!" Then she grabbed my hand. Waittttt.  *Electric current* Whats that? Ay wala. Baka guni-guni ko lang. Mainit kasi.

*CANTEEN*

"Uy tabi! Si Lady J yan na." Parang tanga naman sila. May Grand Entrance lang kami noh? Galing.

"ALL OF YOU! GET OUT OF THIS PLACE. NOW!" Sabi ni Jes in an authoritative tone. 

Wala pang 5 mins eh wala ng tao sa canteen. Nagdisappear. Wow! :O

"Bakit mo sila pinaalis?" Grabe sya huh. Boss lang?

"Because I want to. Kung gusto mo lumabas ka na din." Inirapan ako. Waaaaaaaah. 

"Wag kang HB sweetie pie. Tara kain na tayo." Lambing ko sa kanya.

"Buy what you want. I-charge mo sa akin." She told me without looking.

"Anong akala mo sakin? WALANG PERA? Kaya kong bilhin lahat ng pagkain na nandito." Pagmamayabang ko sa kanya. Minamaliit ba nya ako? 

"Then go. Ipa-takeout mo nalang." Woah naniwala nga. Pero wala na eh. Wala na akong magagawa. Napasubo na ako.

"Okay. Miss, bilhin ko lahat yan. Take out po." Sabi ko dun sa may counter.

"Sige Sir. Wait lang po." Inayos na nila.

*After 15 mins*

"Sir. Tapos na po." Ayan na. More than 100 plastic bags. Wth.

"Hoy! Antayin mo ako dyan. May kakausapin lang ako." Sabi ni Jes. Bigla naman syang umalis. 

"Make it fast." Sabe ko. 

Binayaran ko na yun. 20000 pesos. In just a day? Huwaaaaah.

"Roger. Bring all of that inside my other car. Yung black. Kasya lahat yan dun." Pagbalik nya, may kasama na syang lalaki. Mukhang driver eh. Waaaaaaait. Akin yun ah? Bakit nya iuuwi? Nasayang 20k ko dun. Panchixx ko din yun noh.

"Sweetie pie. San mo yun dadalhin?" Nakakapagtaka lang.

"Follow me." Pumunta  na kami sa parking lot. Pumasok sya sa limousine na black.

"Tutunganga ka nalang ba dyan? Get inside." Woah. Where does she think we're going?

"Where are we going?" I asked her as I sit beside her.

Mas maganda pa limousine ko dito eh. Ordinary lang to. Cheap -_-

"You'll see. Roger in my place. Sabihan mo yung principal na ipasunod dito yung car ko na pinaglagyan mo ng foods. Urgh. This day made me so tired." San ba yung place nya? Sumandal na si Jes. Napagod nga ata sya.

*30 mins after*

"Kuya driver, malayo pa po ba?" Naiinip na ako.

"Kung ako sainyo Sir, matulog muna po kayo. Medyo malayo pa po eh." Sabi ni Kuya... Roger ba yun? Bahala na. Inaantok na din ako eh.

 -----------------------------------------------------------

HELLO READERS! VOTE NAMAN PO AT COMMENT. THANKS♥

This Backspace Got Me SeriouslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon