CAMERON'S POV
Nakita ko ulit si Jes. Bumalik na naman yung pagkagusto ko sa kanya. Ang ganda nya talaga. Waaaaaaaah. Bakit kasi nahuli nya pa kami ni Saveena? Kaasar naman. Makaka-homebase na sana ako eh sa kanya eh. Sayang yung THREE-SOME namin. Hays. Btw, si Saveena ay girlfriend ko pa rin. Magfo-four years na kami. At pinipilit pa rin nya akong makuha si Jes. Syempre ako gusto ko din. Kaya nga ako nandito eh. Inalam ko kung saan sya nag-aaral. Mabuti at teacher pala dun yung Tita Mary ko. Yung kapatid ni Papa. Binigyan ako ni Saveena ng one week para makuha si Jes. Nag-isip naman ako ng paraan para makuha sya. Syempre matalino ako kaya may naisip ako.
MAPEH teacher ang Tita ko. Tinext ko sya kung anong topic nila ngayon. Sumagot naman sya na POEM daw. Sabi ko na may contest sa school about sa poem at kailangan daw ng katulong. Naniwala si Tita kasi nga naman matalino ako. Suki ako sa contest. Sinabi ko sa kanya na kailangan ko ng student para parehas kami ng idea kasi nga student din ako.
Sabi ni Tita na pumunta daw ako bukas sa school nya. Edi Go lang ako. Baka may chics pa dun diba? HAHAHAHAHA.
SUMMER'S POV
Umakyat na si Jes. Maldita talaga yung babaeng yun. Ano daw ako? KSP? Kanin Sa Papel? Baliw talaga yung babaeng yun.
Nasaktan ako sa sinabi nya kanina huh. Hindi dun sa KSP. Yung dun sa ampon thingy. Wala kasi syang alam. Kung alam nya lang sana ang tunay na pangyayari diba?
"Les. Yung peak ko pala. Gago mo. Hindi mo na sinauli sa akin. May music class bukas. Pinapagitara ako ng baklang teacher ko. Ibabagsak daw nya ako pag di ako naggitara." Sabi ko kay Les na NAGDODOTA pa din hanggang ngayon.
"Hala, ewan kona. Hanapin mo dun sa kwarto." Sabi nya ng di pa din lumilingon.
"Hays. Inamo!" Binato ko nga ng unan. Tapos umakyat na ako. Nadaanan ko yung kwarto ni Jes.
Hinahanap ko yung peak. Adik talaga yung kaibigan ko. Ayaw akong tulungan maghanap. Sya kaya nakawala.
At habang naghahanap ako eh nahagip ng tingin ko yung picture frame na nasa sidetable. picture nila ng utol nyang si Jes. Close talaga silang dalawa. Hays. Buti pa sila.
Tinitigan ko yung picture. Maganda si Jes. Pero hindi ko sya type.
ANG SARAP NYA KASING I-BACKSPACE EH. ANG DAMING MALI SA KANYA. MALI SA UGALI NYA. NAKAKAURAT KAYA -_____- Uhmmmmm. Tama. Dahil ang sarap nyang i-backspace eh BACKSPACE ang bago kong itatawag sa kanya.
BACKSPACE. Bagay na bagay. HAHAHAHAHAHAHA
Inangat ko yung frame at nakita ko dun yung peak. Kinuha ko na. At lumabas na ng kwarto.
Pagkalabas ko....
*Boogsh*
May kumalabog. At galing yung kalabog sa loob ng kwarto ni Jes.
#1 Walking Disaster
JESTER'S POV
Tapos na akong gumawa ng poem. Baka kakain na. Hays. Nagugutom na din ako.
Lalabas na sana ako nang...
*Boogsh*
Ayun nadapa lang naman ako sa charger ng cp ko. Ouch. Ang sakit huh?
Lumabas na ako at nakita ko si Sum.
"HAHAHAHAHAHA. Walking disaster ka talaga kahit kelan, backspace." Tumatawa nyang sabi.
"Backspace?" Confused kong tanong.
"Oo. BACKSPACE kasi ang daming mali sayo. Ang daming dapat i-BACKSPACE SAYO. HAHAHAHA" Woah. Grabe? Mali? OA naman. Hindi talaga to nauubusan ng pang-asar sakin -_-
