What?!

2K 28 0
                                    

(Fastforward nalang natin para hindi boring)

Liza pronounced as Laiza..

Julia's POV

It's already 7 pm na pero nandito pa ring yung Liza'ng yun.

Kasalukuyan kaming nakatunganga lang rito sa sala habang naghaharutan yung dalawa. Maya't maya tumigil yung dalawa at nagbulong bulungan habang humahagikgik at tumitingin ng nakakaloko samin ni Liza.

Ano na naman kayang kalokohan yang iniisip nila.

Bigla silang humarap samin at lumapit ng magkaholdinghands –_–

"Ate Julia and Ate Liza we want to play po" nakangiting sabi ng kapatid ko.

Wala akong ganang umimik kaya si Liza nalang yung sumagot rito.

"And what Julie?" nakangiting tanong nito.

Tss! Ngiti pa Liza. Nagpapakabait eh wala naman sa tamang oras humalik eh nasa room sila kanina Tsk! Sakit sa mata! Bakit nga pala ako nagagalit? Eh nakangiti lang yung tao. Hays ewan!

"And we wanted to play with the both of you po" magalang na sagot naman ni Julie.

San ba nagmana ng kabaitan itong si Julie? –_–

"Okay baby girl" sagot naman ni Liza ng nakangiti.

"No" bagot na sabi ko.

Napatingin naman silang tatlo sakin. Si Livia at Julie di makapaniwala pero si Liza nakakunot ang noo.

"Why?" iritableng tanong ko at umirap pa.

"Ate please! It's our first weeksary. Kahit ito nalang yung gift mo samin" pilit ng kapatid ko.

Hay naku...

"Please Ate Julia" makaawa rin ni Livia.

Kahit naman ang c-cute nila di pa rin ako papayag. Kapagod kaya yung pratice ng cheerleading kanina.

Di ko sila pinansin at tumayo ako para umakyat na sa room ko pero may humawak ng braso ko kaya napatigil ako. Tumingin ako sa pumigil sakin at sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Para naman akong dinaluyan ng milyon milyong boltahe ng kuryente sa buong katawan ko at nagsimula na ring umiba yung pakiramdam ko.

"Please give them what they want. Kaya mo bang tiising malungkot yung dalawa" pakiusap ni Liza kaya automatikong napatingin naman ako sa dalawa.

Magkaharap sila at nakita kong umiiyak yung kapatid ko at pinupunansan naman ni Livia ang mga luha nito.

Guilt flows all over my body.

Tumingin ako sa mga mata ni Liza. Nakikiusap talaga ang mga ito. Napakaexpressive ng mata niya.

Inshort. Napaka transparent niya..

Bumalik ako sa kinauupuan ko.

"I'm sorry guys okay? Especially to you my baby sis. Come here give me a hug" sabi ko rito with a wide arms.

Lumapit ito at niyakap ako.

"I'm sorry okay? Payag na si Ate" nakangiting sabi ko rito.

Nagtatalon naman sa tuwa yung dalawang bata at ngumiti naman sakin si Liza na ikinakabog naman ng puso ko.

Aba! Gosh ano yun?...

"Ate Liza hold her hand po" sabi ni Livia sa ate niya kaya napatingin ito sakin. Ako naman itong napakunot ang noo.

Ano na naman bang trip ng dalawang to? –_–

Kasalukuyan pala kaming nandito sa playroom and passed 8 in the evening na rin.

"Why Livia?" takang tanong naman rito ni Liza.

"Because you will both prentend po as our friends and then you both need to be couples po" paliwanag ni Julie samin.

"WHAT!?" parehong hiyaw namin ni Liza at napatingin pa kami sa isa't isa habang humagikgik naman yung dalawang bata.

-------

Sorry po sa grammatical and typo errors..




Cute CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon