"The word 'I love you' speaks a thousand meanings"
Liza's POV
Hindi talaga ako makapaniwala sa trip ng dalawang batang ito >_<
"No Livia. We can't do that" sabi ko at bahagyang tumawa ng mapakla.
"But Ate Lizaa please!" pagmamakaawa ng kapatid ko.
Napatingin naman ako kay Julia na hindi maipinta ang mukha sa mga pangyayari.
"Oh no..I'm sorry pero yeah we can't do that kase naman sa dami ng pwedeng laruin tapos ito pa" iritang sabi ni Julia at napairap pa ng wala sa oras.
"Pero po––"
"I said No!" malakas na sabi ni Julia kaya nagulat kaming lahat.
Naiiyak na yung dalawa sa pagsigaw niya.
"Why do I have to do all of this bullshit?!" inis na bulong ni Julia pero katabi ko lang siya kaya rinig na rinig ko.
Inis na lumabas ito ng playroom kaya agad ko itong sinundan at hinawakan ko uli ang braso niya para pigilan siya. Napatingin naman ito sakin ng nakataas ang kilay.
Oh no...
"Again? I'll think that you have a crush on me dahil sa mga ginagawa mo" poker face na sabi nito kaya agad naman akong napabitaw sa braso niya.
"What do you think of me? A lesbo? My gosh Julia! It's all about for the happiness of our siblings kaya ko ginagawa to. Just support them julia. Wag mo namang iparamdam sa kanilang iba sila. Yes we knew na bata pa sila at mali ito pero hindi natin hawak yung pagkatao nung dalawa" makahulugang sabi ko.
Napayuko ito.
Narealized siguro niya na siya pala yung unang humuhusga sa dalawa...
"I'm sorry" nakatungong sabi nito.
Napangiti naman ako sa kacute'an niy–– Hays hindi noh! baka mali lang yung nabasa niyo..
Hindi ko alam kung bakit hinawakan ko ang baba nito para magpantay ang tingin namin. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nito.
"It's okay Julia. I know that we're not totally okay with this situation but just go with the flow lang" sabi ko rito at ngumiti.
Tumango ito at sinuklian rin ako ng ngiti. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya pabalik sa playroom. At nadatnan naman namin na magkayakap yung dalawa habang mahinang umiiyak.
Nagagawa ng kaartehan ni Julia Tsk!
"Guys? Don't be a cry baby na.. We're both agreed na sa game niyo" nakangiting sabi ko.
Di makapaniwalang tumingin naman sila sa amin at nagtatatalon sa tuwa.
"Yey! You held her hand na!" kinikilig na sabi ni Livia.
Napatingin naman kami sa isa't isa ni Julia at sa kamay naming magkahawak. Alam kong aalisin niya iyon kaya mas hinigpitan ko yung pagkakahawak. Tumingin ako agad sa dalawang naghahagikgikan sa harap namin. Hindi ko yata kayang salubungin yung tingin ni Julia dahil alam kong nakatingin ito sa sakin.
"Okay guys ano nang gagawin natin?" nakangiting tanong ko.
Gosh! Nag eenjoy akong hawakan yung kamay ni Julia. Masyadong soft..
"Acting!" sabay nilang sabi at nagpalakpakan pa at naghagikgikan.
"Okay" parang napilitan pang komento ni Julia sa tabi ko.
Julia please just go with the flow..
"Mga ate I read the double date thing in the internet po last night and yun po gawin natin" masiglang sabi ni Julie at nag apir pa sila ni Livia.
Internet na naman –_– Isalvage ko nga yung gumawa niyan.
Swerte niya at patay na siya charot.."Then?" tanong ni Julia pero rinig ko ang pagka uncomfortable niya sa boses niya.
Is it about of our holdinghands?
"Dito po kayo uupo. Tabi po kayo tapos holdinghands na din po" sabi ni Livia habang pinapaupo kami sa isang table dito sa playroom.
Wala kaming imikan ni Julia habang magkatabing nakaupo at magkaholdninghands. Tahimik lang naming pinagmamasdan yung dalawang kunyareng nagsusubuan pa ng mga laruang pagkain ni Julie.
Maya maya'y napansin kami ng dalawa kaya agad silang tumayo at nilapitan kami ng magkahawak kamay.
Jusmee nakakaumay na talaga –_–
"Sayaw po tayo" aya ni Livia habang nagple-play si Julie ng slow instrumental song.
Napatingin naman ako kay Julia or Kat nalang kase medyo nakakalito yung Julie at Julia eh haha.
Tumango lang si Kat at hinila ako patayo. Nakita ko namang nilapitan ni Livia si Julie at kinuha ang dalawang kamay nito para ilagay sa balikat niya bago niya niyakap ang bewang ni Julie at dahan dahan na silang nagsimulang sumabay sa indayog ng musika.
At dahil nga baka bungangaan kami ngdalawa ay agad ko na ring kinuha ang dalawang kamay ni Kat at ginaya ang ginawa ni Livia.
Hindi ko magets yung sarili ko kung bakit ko baito ginagawa. Dapat di ba pareho kami ni Julia Katrinnang inaasta sa mga gusto ng kapatid namin pero kase ang gaan ng pakiramdam ko and I feel comfortable everytime I'm with Julia.
O sadya lang na mahal na mahal ko lang ang kapatid ko.
Medyo napapikit ako ng mata ng maramdaman ko ang mainit na hininga ni Julia sa kanang dibdib ko. Mas matangkad kase ako sa kaniya.
Palihim naman akong nagdadasal na sana hindi niya mapansin ang panginginig ng kamay ko na nakayakap ngayon sa bewang niya. Nabalik lang ako sa wisyo ng biglang magsalita ang kapatid ko kaya bahagyang napabaling kami ni Julia sa gilid namin kung saan sumasayaw sila Livia.
"Ate I said I love you to Julie. Sabihinmo rin kay ate Julia" nakangiting sabi sakin ni Livia.
Magsasalita pa sana ako ng magsimula muli ang dalawang sumayaw.
Napatingin naman ako kay Julia nanakatingin rin pala sakin pero bigla ring nagbaba ng tingin. Medyo hinapit ko siya para hindi namin makit ang mukha ng isa't isa. Ramdam ko muli ang mainit niyang hininga pero this time sa kaliwang dibdib ko naman.
Siguro mga limang minuto na kaming patuloy pa rin sa pagsayaw pero hindi pa rin mahanap ng dila ko ang salitang I love you. Para akong naduduwag na natotorpe na ewan! Parang yun lang di ko pa masabi. Gosh!Ang hirap.
Mas nagiging comfortable ako sa position naming nakayakap siya sa batok ko habang nakayap naman ako sa bewang niya habang dahan dahang sumasabay sa musika. Parang gusto ko ganito nalang kami lagi ni Julia.
"I love you" bulong ko dahil malapit lang ang bibig ko sa tenga niya.
Natigilan naman si Julia sa sinabi ko at nang marealize ko ang ginawa ko ay para akong iniwan ng kaluluwa ko sa hiya pero hindi ko alam kung bakit kumalabog nalang bigla yung puso ko at nagwala yung kung ano sa tiyan ko ng sinabi ko ang tatlong salitang iyon na hindi ko naman ganoon naramdam kay Fred.
----------
Short UD muna mga kemerut Haha pasok ko na kase mamayang 12:30. Hinabol lang kase mahal ko kayowszx😂
Sorry sa grammatical and typo errors.
Lovelots readers😘