Liza's Boyfriend

2.7K 29 7
                                    


Liza's POV

Maaga akong nagising dahil may klase na ako ngayon and mamayang gabi may dinner date pa kami ni Fred..

"Liza? I need extra money today" sabi ng kapatid ko habang nagb-breakfast kami.

Wala man lang Ate edi wala ding 'Po' tsk! Di man lang maglambing eno?

"Hmm why?" takang tanong ko naman rito bago uminom ng juice.

"Bibilhan ko ng gift si Julie ko" seryosong sabi niya habang naghihiwa ng pancake.

"Anong meron?" takang tanong ko ulit.

"This day is our 1st weeksary" ngiting ngiti niya namang sagot.

My gosh! Pati pala weeksary alam niya!

Ayoko namang mabad mood ng ganito kaaga ang kapatid ko kaya binigyan ko nalang siya ng pera.

"Thank you Liza" sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.

Ngumiti naman ako rito at hinalikan siya sa pisngi.

"You're always welcome Livia. You know I wa––"

"Stop talking to me na ate. My Julie is waiting for me na. Love you Bye!" sabi nito bago nagtatakbo papunta sa isang family car namin.

What the! Ansama niya naman sakin! >_<

Nakasimangot naman akong nagtungo sa isang family car namin. Kung 18 na sana ako edi ako na ang nagda-drive sa sarili ko.

"Hi babe goodmorning" bungad sakin ni Fred at hinalikan ako sa pisngi nang kapapasok ko pa lang ng room.

Nagsitilian at hiyawan naman yung mga blockmates namin.

"Goodmorning too babe. I love you" nakangiting sabi ko rito bago umupo sa tabi ng upuan niya.

"And I love you too" sagot naman nito at hinawakan yung kamay ko.

Nagsitigil naman sa hiyawan at tilian ang mga blockmates namin ng pumasok si Julia Katrinna Montreal. Yes blockmates kami.

Maraming papuri na naman ang natanggap ng Queen Bee namin sa mga blockmates namin.

Nilingon ko ito dahil sa likod siya nakaupo at sa unahan naman ako. Nagtama ang mga mata namin pero inirapan niya naman ako.

Inaano ba siya? –_–

Tumingin ako sa boyfriend kong ngiting ngiting nakatingin sa mga kamay naming magka intertwined.

Nakapagtataka kung bakit di man lang siya interested kay Julia..

"Babe?" tawag ko sa atensyon nito.

"Yep Babe?" nakangiting tanong nito.

Ang pogi talagaaa!

"Bakit hindi ka man lang interested kay Julia?" tanong ko rito habang nilalaro yung magkaholdinghands naming kamay.

Ngumiti ito ng pagkatamis tamis.

"Madali lang kase ikaw lang yung gustong gusto ko. Remember? Since we were both 6 years old diba sinabi kong crush na kita that time? Kaya nga ako nagporsigeng maging tayo kase gustong gusto kita simula pa dati at ikaw lang yung mahal na mahal na mahal ko" paliwanag nito at hinagkan ako sa noo.

Dahil sa sobrang tuwa at kilig ko ay kinalas ko ang kamay kong hawak niya at parehong hinawakan ang magkabila niyang pisngi bago ko siya hinalikan sa labi.

Matagal na nakalapat ang labi ko sa labi niya at napansin kong natahimik ang buong klase. Humiwalay ako at nakita kong gulat na gulat ang gwapong mukha ng boyfriend ko pero nginitian ko lang siya.

Cute CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon