20

341 30 2
                                    

HYACINTH

"Rad." Umupo ako sa tapat ni Conrad kaagad. Grabe, kailangan ko pa paamuhin si Kirstaine. Hindi mapakali nung sinabi kong sinabi ni Conrad na huwag siyang sumama eh.

"Grabe, Yassi. Ang sungit ah. Hindi mo ba ako namiss?"

"Dahil sa kalokohan mo, kailangan ko tuloy paamuhin si Kirstaine kanina." Tumawa naman yung gageu.

"Enough of Kirstaine. Kamusta naman ang buhay mo sa bago niyong school?" Alam ko naman na kaya niya ako gustong kausapin kasi nagaalala siya sa akin.

"Okay lang, masaya naman. Parang yung dati lang namin na school."

"Okay, mabuti naman kung ganun. Maiba nga tayo, kamusta naman ang puso mo? Umiibig na ba ha?" Gago talaga itong si Rad.

"Baka! Sapakin kita eh."

"Ano bang masama sa sinabi ko?" Natatawa niyang sabi. "Wala, kagago ka."

"Bad ka." Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Sinabi sa akin ni Kirstaine na nagkatitigan kayo ni Krypton ah?" Lumaki naman yung mata ko bigla dahil sa sinabi niya.

"Mapapatay ko talaga yung si Kirstaine. Ang daldal eh." Bulong ko. "Ano naman? Titig lang yun, as if namang may meaning yun diba?"

Ayaw ko kasi mag-expect. Pero as always, kinakain ko lang yung sinasabi ko. Deep inside may gusto akong makuha kay Krypton, pero alam ko sa sarili ko na bawal. Mahal niya ang pinsan ko, alam kong imposibleng mahalin din niya ako.

Ano ba itong mga sinasabi ko? Nakakagago na ah. Oo, nagugustuhan ko na si Krypton, pero hanggat maari pa ay binabawalan ko na yung sarili ko.

"Not unless.. Kung may meaning ba yun sa iyo?" Kinakabahan ako sa mga sinasabi ng kapatid ko. Parang may gustong malaman na hindi ko maintindihan.

Tinawa ko na lang lara hindi ako mahulog sa binabalak niya. "Loko, wala nga kasi!"

Tumango-tango na lang siya. "Mabuti naman." Ano daw? Kung ano ano pinagbubulong eh, hindi ko naririnig.

"Ano kamo?" Umiling siya. "Sabi ko gutom na ako!"

BEGIN | JUNGRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon