15

391 35 20
                                    

HYACINTH

"Thank God you came, Hyacinth! Sorry to disturb your free time, pwede pasalamat ako dahil pinahiram mo sa akin ang free time mo!" Medyo labag nga sa kalooban ko na gawin ito pero hayaan na, baka may grade. Hehe!

"Okay lang, ma'am." Pinaakyat niya na ako sa stage para sa practice. Ipeperform kasi nila itong play na ito sa ibang school, pero hindi kami kasama sa pagpunta nila sa school na yun.

"Hyacinth dear, si Krypton ang magiging partner mo for today, alam mo?" Tumango ako. "Opo, sinabi na sa akin ni Kirstaine."

"Okay, very good! Ngayon, lumapit ka na kay Krypton and get into position. Alam mo naman kung ano yung sasayawin nila, hindi ba?"Tumango ako.

Ginawa ko na kung ano yung sinabi sa akin ni ma'am. Lumapit na ako kay Krypton tsaka nilagay yung braso ko sa balikat niya. Slow dance kasi yung part na ito.

"And start!" Pagkatapos yun sabihin ni ma'am ay nagplay kaagad ang slow music. Hindi ko alam kung ano meron sa akin at pumayag ako, hindi pala ako marunong mag-slow dance!

Medyo may alam ako pero hindi ko alam kung tama. Chill Hyacinth, kunwari may alam ka dito. Huwag mo ipahalata kay Krypton na awkward ka sumayaw.

Naka-straight face lang si Krypton ngayon. Ano kaya ang iniisip nito? Ang unpredictable eh.

"Uhm, mukhang hindi mo alam ang ganitong sayaw ah?" Ganito ba ang way niya ng pagstart ng topic? Hala ka!

"Ha? Hindi nga. Haha." Okay, awkward. "Turuan kita." Sinasabi niya sa akin yung steps kung paano, hindi naman sa amin nakafocus si ma'am kasi temporary lang naman kami.

"Gets mo ba?" Tumango ako. Buti naman at tinuruan niya ako kung paano. Hirap na hirap na ako eh. "Oo, salamat."

"Sige nga, try natin sayawin yun. Tandaan mo, relax, enjoy and feel the music." Tumango ako though medyo hindi ako nagtitiwala sa sarili ko na kaya ko na ito.

I took a deep breathe and moved my feet. Ngumingiti sa akin si Krypton tapos tumatango. "Look into you partner's eyes while dancing. It's rude that you aren't looking at them."

Wrong move, I shouldn't have stared at his eyes, I feel like I'm trapped in his stares and I can't look away.

I have this feeling wherein I want this moment to stop and I'll just enjoy it, but I have this feeling that I shouldn't think of that.

I heard the music stop, it means tapos na. "Okay, everybody! Take a break. Hyacinth, Krypton, thank you for the time." Narinig ko na sabi ni ma'am pero bakit ganun? I still can't look away.

Napalunok ako kasi hindi ko na kaya. Masyadong nakaka-mesmerize yung mga titig niya.

"Krypton!" Napaalis siya ng titig sa akin tsaka lumingon sa kung sinong tumawag sa kanya. Tinignan ko din kung sino yung tumawag sa kanya. Si Jace.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Krypton at nakita kong unti-unti siyang ngumingiti. I can feel his hands slowly drifting away from my waist.

Pinuntahan niya si Jace na nasa baba ng stage at sinalubong niya ng yakap. Nakita ko na tumawa si Jace sa ginawa niya.

Bumaba na din ako ng stage. What was I thinking? Dapat hindi ako nagpadala kay Krypton.

Yeah, I know it was wrong but why does it also feel so right?

BEGIN | JUNGRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon