HYACINTH
"Ang dami palang tao dito." Narinig kong bulong ni Kirstaine. "Alam ko." Hinahanap ko ngayon si Jannina. Sa sobrang dami ng tao, hindi mo siya mahahagilap.
"Alam mo mami q, mag-order na lang muna tayo. Baka maubusan tayo ng masasarap na pagkain." Alam kong motto naming dalawa ang food is life pero hahanapin ko muna si Jannina.
"Mauna ka na, hanapin ko lang si Jannina." Pumunta na siya sa pila at ako naman ay nagpatuloy na hinahanap si Jannina.
"Yassi!" At nakita ko na din siya! Winawagayway niya yung hand niya tsaka tumayo para mas makita ko siya.
"Jace!" Lumapit ako sa kanya at sinalubong niya ako ng yakap. Jace loves hugs and cuddles.
"Nasaan si Kirstaine?" Tanong niya sa akin habang umuupo ako sa upuan sa tapat niya. "Food is life." Nagets naman niya kaagad.
"Nga pala, nasaan na yung boyfriend mo? Ipapakilala mo siya sa akin , hindi ba?" Asar ko sa kanya. Ay, aba! Kinilig pa yung gaga. Muntanga naman.
"Nasa CR. Babalik yun maya-maya." Napatango na lang ako. "Ano ba pangalan ng boyfriend mo?"
"Siya si一" Naputol yung sasabihin ni Jace dahil may tumawag sa pangalan niya. Isang pamilyar na boses kung saan hindi ko matandaan kung saan ko narinig.
"Krypton!" Tawag niya doon sa lalaki. Teka, Krypton?
"Namiss mo ako kaagad? I just went to the restroom 3 minutes ago." She chuckled and he gave her a small peck on the forehead.
I don't know what happened to me but I felt a pang of jealousy inside if me. What the heck is happening to myself?!
"Oh! Yassi, this Krypton, my boyfriend. Krypton, this is Yassi. You know each other ba?"
Ako na lang yung sumagot para hindi awkward. "Yeah, we're classmates. Hindi ko alam na lovers pala kayo!" I tried to kid.
I felt uncomfortable while seeing them being sweet kaya nagpaalam na ako. "Hey Jace, ano, tawagin ko muna si Kirstaine. Mukhang napatagal sa pagbili ng pagkain eh."
"Aw, sure! Dito na kayo makikain, sure akong wala pa kayong kasama eh."
Ano ba meron kay Krypton at tuwing nandiyan siya ay umiiba yung pakiramdam ko?
BINABASA MO ANG
BEGIN | JUNGRI
Short Story⠀❝please make me love you.❞ 〔 JUNGKOOK x YERIM 〕 ︰COMPLETED + NARRATION / EPISTOLARY ︰BANGTANVELVET SERIES ︰ELEMENTXCOLOR SERIES ⠀DATE STARTED︰O5.3O.17 ⠀DATE ENDED︰O7.O7.17 ⠀HIGHEST RANK︰O7.O8.17 - 21 IN SS