CHAPTER 1 : MONDAY
(Janice's POV)
"Hey! May regalo si Maribel!"
Dumating sa classroom namin si Harry. Si Harry ang bago naming classmate na pumasok ngayong semester.
Siya pala ang may dala ng regalo ni Maribel. Medyo malaki nga iyon. Kaso wala pa si Maribel kaya ako na lang ang kumuha ng regalo mula kay Harry.
"Harry, akin na muna iyan. Mamaya pa kasi papasok si Maribel. Ako na lang ang magbibigay sa kanya."
Agad namang binigay ni Harry sa akin ang regalo ni Maribel. Umupo na si Harry sa kanyang desk. Mukhang emo siya ngayon kaya tahimik.
Alam ko namang galing kay Daniel ang naturang regalo. Ang sweet naman talaga ni Daniel sa girlfriend niya!
Si Harry kasi ang namumukod-tanging classmate na hindi nakakaalam sa relationship nina Maribel at Daniel.
Hindi kasi siya pumunta sa surprise homecoming party ni Maribel a month ago. May pinuntahan siyang family event nung araw na iyon.
Then, nagsabi si Samantha sa buong klase na walang sinuman ang dapat makakaalam na may boyfriend si Maribel at walang sinuman ang dapat makakaalam na si Daniel ang boyfriend ni Maribel. Hindi pa kasi alam ng publiko na buhay si Daniel hanggang sa ngayon.
Kahit classmate namin si Harry ay hindi namin napagsabihan tungkol dito. Alam ng buong klase na may crush siya kay Maribel. And we don't want to hurt his feelings when he knows the truth.
Sus! Buhay nga naman...
After fifteen minutes, dumating na rin sina Samantha at Aljun.
"Good morning, Janice! What's that thing?"
Napansin ni Samantha yung regalo ni Daniel para kay Maribel.
"Ah! Regalo para kay Maribel ito! Ang laki nga, eh."
Nagbulungan kaming tatlo. Nakita nilang nandito rin si Harry sa loob ng classroom.
"So... Kay Daniel galing ito! Naks! Malapit na ang monthsary nila..." - Samantha
"Ang aga naman ng monthsary gift niya kay Maribel. Nakakapagtaka naman!" - Aljun
"Nagtaka ka pa, Aljun! Ginagawa mo rin naman ito kay Alyanna, eh." - Samantha
"Ibahin mo ako, Samantha. Kapag nagregalo ako kay Alyanna, sa mismong araw ng monthsary ko binibigay. Isa pa, superstar si Daniel kaya expect mo na ang ganitong senario." - Aljun
Natatawa na lang ako sa pagtatalo nilang dalawa.
After ten minutes ay dumating na ang mag-bestfriend...
"Hi Guys!" - Alyanna
"Hello!" - Maribel
Agad na akong lumapit kay Maribel dala ang regalo ni Daniel.
"Maribel! Regalo para sa'yo."
Inabot ko sa kanya ang regalo. Tuwang-tuwa si Maribel sa natanggap niya. Agad na niya itong binuksan at...
"Ang cute naman nito! Isang malaking teddy bear!"
Hindi ko nga ma-explain ang ngiti sa labi ni Maribel. Para nga siyang bata nang laru-laruin niya iyon.
Bigla niyang napansin ang isang maliit na papel sa ribbon ng teddy bear. Nang makuha niya iyon ay tahimik niyang binasa iyon.
=====
To Maribel,
Advance Happy Monthsary!
This my gift for you. Be prepared for something special this coming Saturday.
BINABASA MO ANG
My University Foundation Week Romance (COMPLETED)
Teen FictionUniversity Foundation Week na sa school nina Maribel! At may isang love story ang mabubuo sa linggong iyon. Paano kaya nangyari iyon? Abangan ang kwento ng love story ng mga kaklaseng sina Janice at Harry!!! ^_^