CHAPTER 4 : THURSDAY
(Harry's POV)
Yung nangyari kahapon...
Nag-iba ang ihip ng hangin pagkatapos kong makipag-usap kay Janice. Bakit kaya ganun? Ang dali ko namang tinanggap na hindi na magiging kami ni Maribel.
Napaka-awkward talaga ng mga nangyayari sa akin. Ano bang meron itong si Janice at ang lakas ng tama ko sa kanya?
"Harry! Are you fine?"
Hindi ko na napansing katabi ko ngayon si Alyanna. Napansin ata niya ang mood ko ngayon.
General rehersal na namin ngayong araw at bukas na ang final competition para sa Campus King and Queen.
Pero handa na ba talaga ako? Sa dami ng gumugulo ngayon sa isip ko, hindi ko na alam kung magpopokus ba ako sa competition.
"Harry! May problema ka ba? Bakit hindi ka makasagot?"
I almost forgot! Nagtatanong pala si Alyanna sa akin.
"Sorry, Alyanna! Hindi lang kasi ako makaisip ng maayos."
"Bakit? Dahil ba ito kay Maribel?"
"No! It's because of someone else."
Tama! Si Janice nga ang dahilan. Hindi kaya...
"Mukhang may gusto ka sa ibang babae... Si Janice ba ito?"
Ganun ba ako ka-obvious? Paano naman nalaman ni Alyanna na may nararamdaman ako kay Janice? Tahasan ko na siyang sinagot.
"Oo! May pagtingin ako sa kanya! Hindi ko nga alam kung bakit, eh."
Nagawang ngumiti ni Alyanna sa akin. Nang-aasar ba siya?
"Hay... Harry! Ika nga sa isang kanta, love moves in mysterious ways. Masaya ako dahil na-realize mo na rin ang kalagayan ng lovelife ni Maribel ngayon. Maribel is not the right girl for you. You deserve someone else... Like Janice! Please give her a chance para makilala mo siyang mabuti."
Sa payo ni Alyanna, wala namang masama kung gagawin ko iyon. Lalo na't kaklase ko rin si Janice kaya kailangan ko pa siyang makilala.
"Thanks Alyanna!"
"You're welcome, Harry!"
Well... Ganito lang talaga ang buhay! Kailangang ituloy ito kahit tila sawi. May kapalit namang mas maganda ang magiging takbo nito sa mga darating na panahon.
Sandali pa ay tinawag na kami ng aming coordinator para masimulan ang aming rehersals. Mahigpit ang kumpetisyon para makuha ang mga titulong pinaglalaban.
BINABASA MO ANG
My University Foundation Week Romance (COMPLETED)
Teen FictionUniversity Foundation Week na sa school nina Maribel! At may isang love story ang mabubuo sa linggong iyon. Paano kaya nangyari iyon? Abangan ang kwento ng love story ng mga kaklaseng sina Janice at Harry!!! ^_^