CHAPTER 2 : TUESDAY

413 2 0
                                    

CHAPTER 2 : TUESDAY

(Janice's POV)

"Wow! Ang ganda mo ngayon, Maribel. Ang cute mong tignan sa suot mong maid outfit."

Namangha ako nung makita ko si Maribel na suot ang ginawang maid outfit.

"Thanks pala, Janice! May talent ka palang manahi ng ganitong outfit. Ang ganda nga nito, eh."

"Ah... Tinulungan ako ni Nanay para diyan. Medyo mahirap kasing gawin ang mga maid outfits na iyan."

Hehehe... Nakakahiya namang aminin ito. Pero nasiyahan naman si Maribel pati na rin si Samantha sa mga nagawang maid outfit nila.

"Naku, si Janice naman! Ok lang iyan. Mabuti nga at nagawa niyo ni Tita itong mga susuotin natin para sa ating Cupcake Cafe. Salamat sa inyo."

Nakakataba naman ng puso ang mga sinabi ni Samantha.

"You're welcome! Salamat dahil nagustuhan niyo!"

Ngayon ang umpisa ng University Fair. Ang inihanda ng klase namin ay isang Cupcake Cafe. Mga cupcakes and coffes ang binebenta at siniserve namin dun. May mga waiters at maids na magseserve ng mga na-order nila.

May shedule ang klase kung sinu-sino at anong oras magseserve sa Cupcake Cafe. At sa unang shift ay kasama sina Maribel, Samantha at Harry sa mga magseserve.

"Teka lang! Asan na ba ang mokong na si Harry?"

Tinanong ko ang mga kaklase kong nagse-setup ng pwesto ng Cupcake Cafe namin.

"Medyo mahuhuli siya! Napagod kasi sila ni Alyanna kagabi sa rehersals para sa Campus King and Queen competition."

Buti na lang at sumagot itong si Aljun na kasama sa nag-aayos ng cafe.

Nagpatikim naman si Maribel sa buong klase ng kanyang mga na-bake na cupcakes. Ang cute nga ng mga cupcakes niya.

"May tatlong klase ng cupcakes akong nagawa. May love cupcake, star cupcake at happy cupcake."

Ang love cupcake ay isang chocolate cupcake na may heart design. Ang star cupcake naman ay isang milk cupcake na may star design. Lastly, ang happy cupcake ay isang cheese cupcake na may smiley design.

Nun tinikman namin ang mga cupcakes, sobrang nasarapan kami dun. Parang may inspirasyon itong si Maribel sa paggawa ng cupcakes.

Hehehe... Oo nga pala, si Daniel ang inspirasyon niya.

"Ang sarap naman nitong cupcakes na ginawa mo, Maribel. Ikaw ba talaga ang gumawa ng lahat ng cupcakes na ibebenta natin?"

Medyo nahiya si Maribel sa tanong kong iyon. Almost five hundred cupcakes kaya iyon.

"Ahhmm... Actually... May tumulong sa akin sa pag-bake ng mga cupcakes na iyan..."

Naghula-hulaan nga kami kung sino ang tumulong kay Maribel.

"Si Tita Maita ba?" - Samantha

"Hindi si Mama..."

"Ah! Baka naman si Tito Ben?" - Aljun

"Hindi rin si Papa..."

Dahil wala sa nabanggit nina Samantha at Aljun ang tumulong kay Maribel, mukhang alam na namin kung sino iyon.

"Huwag mong sabihing..."

Sabay kami nina Samantha at Aljun sa pagsabi nun. Pero bago naming ituloy ang sasabihin namin ay agad napa-oo itong si Maribel. Mukhang nakuha naman niya ang gusto naming sabihin. Napakamot na lang kaming tatlo dahil sa mga nangyari.

My University Foundation Week Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon