CHAPTER 6 : SATURDAY (FINAL CHAPTER)
(Janice POV)
Last day na ng University Foundation Week sa school. And today na gaganapin ang isang talk show kung saan may interview ang Journalism Club kay Maribel. At bilang suporta kay Maribel, ang buong klase ay present sa naturang talk show bilang mga audience.
"Ok! This it guys! Malalagay sa hot seat itong si Maribel."
Grabe naman ang mood ni Aljun nung sinabi niya iyon. Parang nananakot pa siya sa amin.
"Guys! Narinig ko na may aaminin si Maribel sa interview sa kanya. Ano kaya iyon?"
Iyon ang sabi ni Harry sa amin. Teka lang! May aaminin si Maribel?! Hindi kaya aaminin na niyang may boyfriend na siya? Nagsalita na si Samantha kay Harry tungkol dun.
"Harry! Ang totoo kasi, yung lalaking nakita mo nung Wednesday, siya ang boyfriend ni Maribel. May boyfriend na si Maribel at ngayong araw ang first monthsary nila."
Mabuti naman at hindi masyadong malakas ang boses ni Samantha nung sinabi niya iyon kay Harry. Baka kasi may makarinig na ibang mga estudyante, eh. Medyo nagulat si Harry sa kanyang narinig. Pero mukhang hindi na siya na-hurt dun. Sa mukha niya ay tanggap na niya ang katotohanan tungkol sa lovelife ni Maribel.
"Harry! Mukhang naka-move on ka na dyan kay Maribel!"
Sinabi ni Alyanna iyon kay Harry. Napangiti na lang si Harry sa akin kaya sinagot ko rin siya ng ngiti. Ilang sandali pa ay...
"Magsisimula na ang talk show!"
Niyaya ko na sila para bigyang atensyon ang pagsisimula ng talk show.
=====
(Umakyat na ng stage ang host ng talk show na si Sandy. Masigla naman niya sinalubong ang mga audience.)
Sandy: Good morning students! I'm Sandy Lorenzo and welcome to the Journalism Club's 'School Talk!'. This talk show is made as a part of our University Foundation Week Celebration. And for this moment, we will meet our first guest. She had been an exchange student in a prestigious university in Singapore for three months. She is also one of the most intelligent student in her college, the College of Business Administration. And she is also an instant school celebrity. Let us give her a round of applause as we welcome, Ms. Maribel Salcedo!
(Umakyat na ng stage si Maribel. Masaya siyang sinalubong ni Sandy.)
Sandy: Hello Maribel!
Maribel: Hello Sandy! Hello students!
(Nagbeso-beso muna ang dalawa bago sila nakaupo sa naka-setup na dalawang sofa sa stage.)
Sandy: Ok! Simulan na natin ito! Kamusta ka na ngayon?
Maribel: Maayos naman ako ngayon!
Sandy: Masaya ba ang naging experience mo bilang exchange student sa Singapore?
Maribel: Syempre naman! Marami ako nakilalang mga kaklase kong Singaporeans at iba pang Asian foreigners. Marami akong natutunan sa kanila about sa mga bagay-bagay.
Sandy: Mukha nang nag-enjoy ka sa pananatili mo sa Singapore. Well as we all know, you are an avid fan of the late young superstar Daniel Dantes. And sadly in public, he confessed his love to you before he died in your arms. Today, ano na ang pakiramdam mo after that tragic incident?
Maribel: (Napa-exhale sandali) Honestly, masakit para sa akin yung sinapit ni Daniel. Pero ito nga, kailangan ko pong tanggapin iyon dahil nangyari na.
(Medyo napaluha si Maribel habang sinagot niya ang tanong ni Sandy.)
Sandy: That's okay, Maribel! He had been your idol for eight years and your close friend for a few months. Sa nalaman namin, ikaw ang unang nakaalam sa identity niya bilang si Star Hero. And you even kept it as a secret to all. Do you wish na hindi mo na lang siya nakilala?
BINABASA MO ANG
My University Foundation Week Romance (COMPLETED)
Fiksi RemajaUniversity Foundation Week na sa school nina Maribel! At may isang love story ang mabubuo sa linggong iyon. Paano kaya nangyari iyon? Abangan ang kwento ng love story ng mga kaklaseng sina Janice at Harry!!! ^_^