CHAPTER 3 : WEDNESDAY

310 2 0
                                    

CHAPTER 3 : WEDNESDAY

(Harry's POV)

Second day na ng University Fair. Mukhang mas dadagsain ang araw na ito dahil pwedeng pumunta sa fair ang mga outsiders.

Medyo maaga ako ngayon sa school kahit wala na akong schedule para mag-serve sa cafe. Kung bakit? Kailangan ko na kasing maghanda kasama si Alyanna para sa Campus King and Queen competition sa Friday.

Pagdaan ko sa cafe ay nakita ko si Maribel na nakaupo sa upuan ng mga customer. May kausap siyang lalaking early bird customer.

Kakabukas lang ng cafe at medyo konti pa lang ang mga bumibiling customers.

Kakaiba naman ang customer na kausap ni Maribel dahil siya ay nakasuot ng jacket at naka-cap. Hindi siya taga-rito sa school so it means, siya ay isang outsider.

Sa mukha ni Maribel, masaya siyang makausap ang customer na iyon dahil kilig na kilig siya dun. Masaya rin ang customer nang makita niyang masaya si Maribel. Sobrang close nga sila sa isa't isa na parang magkasintahan na sila.

"Wow! Ang sarap naman ng choco latte na ito. Bagay ito sa mga cupcakes na gawa mo, Maribel." - Customer

"Salamat! Actually, si Samantha ang gumawa ng choco latte na iyan." - Maribel

"Ah... Ganun ba? Ang galing naman niya! Gusto kong magpagawa sa kanya nito sa susunod." - Customer

"Sure! Siguradong kikiligin siya kapag nalaman niyang nagustuhan mo ito." - Maribel

"Ang saya naman dito sa celebration ng inyong University Foundation Week! Sana, naging estudyante ako rito para magkasama na tayo." - Customer

"Uy... Naiinggit siya..." - Maribel

Dahil dun... I feel the jealousy... I feel the pain in my heart... Nasasaktan ako sa mga nakikita ko...

Bakit? Bakit ang babaeng gusto ko, iba ang lalaking gusto niya?

Hindi ko nga inalam kung ano ang itsura ng kausap ni Maribel. Ni hindi ko na ginambala ang kanilang pag-uusap.

"Harry! Sino ba ang pinapanood mo?"

Dumating si Janice sa likod ko at hiwakan niya ang balikat ko. Pero sa tono ng boses niya ay seryoso ang mood niya.

Nang makita niya ang nakikita ko, nagkwento siya sa akin.

"Si Maribel, ganyan talaga ang kasiyahan niya kapag nagmamahal. Akala nga namin, hindi na naming makikita ang ganitong klase ng kasiyahan niya nung mawala si Daniel. Nasaktan siya ng husto nang mamatay si Daniel o Star Hero."

"Kilala mo ba ang lalaking iyon?"

Hindi sinagot ni Janice ang tanong kong iyon. Tinuloy na lang niya ang kwento niya.

"Nagkakilala sila a month ago sa homecoming party ni Maribel. Doon nanumbalik ang kasiyahan niya, ang kasiyahang tulad ng nadama niya kay Daniel. Sa totoo nga, malaki ang tiwala ng mga magulang ni Maribel sa lalaking iyon tulad ng tiwala nila kay Daniel."

Sa mga sinabi ni Janice, may na-realize ako kay Maribel. May ibang nagmamahal sa babaeng gusto ko.

"Masaya nga ako dahil pagkatapos mawala ni Daniel sa buhay ni Maribel, nakahanap na rin siya ng isang nagmamahal."

Nagsimula nang lumuha ang aking mga mata. Mukhang wala na akong magagawa kung may ibang gusto si Maribel. Sino ba naman ako para diktahan ang damdamin niya?

"Bilang isa sa mga kaibigan ni Maribel, sinusuportahan ko kung ano man ang gugustuhin niya sa buhay na ikakasaya niya. Sana Harry, ganun ka rin kay Maribel. Alam kong may gusto ka kay Maribel. Pero alam mo, may babaeng mas deserving pa sa pagmamahal mo kaysa kay Maribel."

My University Foundation Week Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon