CHAPTER 5 : FRIDAY

308 1 0
                                    

CHAPTER 5 : FRIDAY

(Samantha's POV)

"Samantha! Aaminin ko na sa lahat ang estado ng lovelife ko. Sasabihin ko na sa lahat na may relasyon kami ni Daniel. Sasabihin ko ang mga iyon bukas sa interview sa akin."

Whos! Seryoso ba si Maribel dito? Ano ba naman ang pumasok sa isip niya?

Okay lang naman sanang aminin na may boyfriend na siya. Kaso... Ang conflict dun, si Daniel Dantes ang boyfriend niya. Ang alam ng lahat, patay na si Daniel Dantes dahil sa pakikipaglaban niya bilang si Star Hero. Kaya kung tutuusin, mahirap paniwalaan ang mga sasabihin ni Maribel tungkol sa relasyon niya kay Daniel.

"Alam ba ni Daniel ito?"

"Wala! Wala siyang alam sa gagawin ko."

Nababaliw na talaga itong si Maribel? Paano na kung malaman ni Daniel itong gagawin ni Maribel? Ayoko pa namang makita na magkaproblema sina Maribel at Daniel sa isa't isa.

"Maribel! Bakit mo gagawin iyon?"

"Ayoko na kasing ma-misinterpret ng mga taong nakakakita sa akin ang mga awkward kong kinikilos. Ayoko ring paasahin ang mga kalalakihang umaasa na mapapasagot ko sila kapag nanligaw sila sa akin. Ayokong dumating sa puntong makapanakit ako ng damdamin ng iba nang dahil sa pagsisinungaling. Ayokong nang maglihim at magkunwari pa sa lahat!"

Kaso sa mukha ni Maribel ngayon, desidido na siya sa gagawin niya. Gusto ko sanang tumutol sa gustong mangyari ni Maribel. Kaso... May point naman siya kahit papaano.

"Sa totoo lang, hindi ako payag sa gagawin mo. Ngunit kung konsensya na ang nagdikta sa iyo, magpakatotoo ka na sa sarili! Nandito lang ako para sumuporta sa iyo. Kaibigan naman kita, eh..."

Napaiyak pa nga ako nung sinabi ko iyon. Agad naman akong niyakap ni Maribel para patahanan ako.

"Don't worry! Magiging maayos na rin ang lahat para sa atin."

That's my Maribel! Napakatatag naman niya. She already learned her lesson in life.

"Maribel! Okay lang ba kung ako na lang muna ang makakaalam nitong plano mo? Pag-iingat lang naman itong gusto ko, eh."

"Kung iyon ang sa tingin mo ay makakabubuti, sige! Wala na muna akong ibang pagsasabihan nitong gagawin ko."

"Thanks Maribel!"

Ang drama talaga ng senaryong ito. Pero nakaka-touch talaga ang ginawa namin ni Maribel ngayon sa loob ng aming classroom.

-----

(Janice's POV)

Hapon na sa aming malaking school auditorium kung saan gaganapin ang taunang Campus King and Queen pagent. Naroon ako ngayon kasama si Aljun na may dalang DSLR Camera. Si Aljun kasi ang isa sa mga student photographers ng naturang pagent.

Excited na ako sa magaganap sa pagent. Lalung-lalo na kasali sina Alyanna at Harry sa pagent bilang pambato ng college namin.

Speaking of Harry, nagulat talaga ako sa ginawa niya kahapon. Halos hindi ko inasahan na gagawin niya sa akin na pakiligin ako ng ganito. Hindi kaya... Hindi kaya may gusto na rin siya sa akin?

Thirty minutes pa bago magsimula ang pagent. Handa na ang karamihan sa mga kaklase ko na mag-cheer kina Alyanna at Harry. Kaso hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin sina Maribel at Samantha. Asan na kaya ang mga iyon?

Pagkalipas ng ten minutes ay dumating na rin ang dalawang ito. Mukhang galing sila sa matinding iyakan dahil medyo maluha-luha itong mga mata ni Samantha.

My University Foundation Week Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon