Start of Rhythm

17 2 2
                                    

Bata pa lang ako, alam ko na ang pag- ibig o pagmamahal ay hindi sasapat kung ang isa ay gusto ng bumitaw at ang isa handa ng magparaya. Hindi sasapat ang mga dahilan at ang paraan sa mga bagay na nalipasan at napabayaan na. Walang magagawa ang salitang sana at kahilingan sa dalawang taong pagod at nasasaktan na. Kailangan nalang tanggapin ang katotohanan kaysa maniwala at manalig sa kasinungalingan.

"Pwede ba kung ayaw mo na, umalis ka nalang?"

"Oo, aalis nalang ako! Di mo na kailangang sabihin!"

"Buti naman, sawa na ko! Araw araw nalang tayong ganito."

"Mas lalong sawang sawa na ako, mabuti pa maghiwalay na tayo."

"Yan buti inamin mo na, sige! Maghiwalay na nga tayo para pareho pareho na tayong manahimik!"

Sanay na ko sa mga eksenang may nagsisigawan, nag iiyakan, nagsisigawan. Daig ko pa ang nasa isang pelikula o teleserye. Bakit kaya ganon? Bakit maghihiwalay din sa huli? Anong nangyari sa mga pangakong mamahalin ka habang buhay o di kaya naman ay di maghihiwalay kung anong pagsubok man harapin? Ang sakit para sakin, ang sakit sakit. Siguro nakalimutan ako ng magulang ko habang hinaharap nila yung problema nila na mauuwi sa hiwalayan. Nakalimutan nila na may dahilan pang natitira para magkaayos at di maghiwalay. May natitira pa! At ako yun. Siguro di ako importante,siguro di ako sapat para maging dahilan, siguro wala lang ako, at siguro wala na talaga.

Lahat ng nararanasan ko, di ko sinasabi kung kanino man. Sinasarili ko dahil alam kong wala namang makikinig, sino bang magtyatyagang makinig sa buhay kong puno ng drama. Kaya binubuhos ko nalang lahat sa aking tula. Simula ng nasaksihan ko ang paghihiwalay ng magulang ko, nagsimula aong dumepende sa tula. Di rin naman papakinggan nila mama nararamdaman ko o nasa isip ko. Lalo na nakikita ko yung pagsisisi sa mga mata nila tuwing nakikita ako, siguro isa lang ako sa matitirang ala ala nila pag naghiwalay na talaga sila.

Napagod na ang tadhana

Napalitan na ang tamis ng pait

Nanuot na ang lungkot sa saya

Siguro'y kailangan ng luwagan ang kapit

Siguro'y kailangan ng magparaya

Di alam kung bakit ganito ang sinapit

Maiiwan nalang ang masasayang ala- ala

Puso'y nagpupumilit

Ninanais na maging malaya

At kahit na masakit

Puso'y kailangan ng magpahinga

Skylight's RhythmWhere stories live. Discover now