Di na siguro matatakasan ang education sa life, hays. Laging maaga gigising. Laging may assignments, activities at pamatay na mga projects! Laging may nakakainis na groupmates o kaya naman classmates. Laging may bully. Laging may terror at strict na teacher. Pero wala lahat yan kung may kaibigan o barkada ka, kaso wala ako non. Siguro iisipin nyo na napaka- loner ko pero hindi.
'Di lang talaga ako komportable na may tao sa tabi ko, natatakot ako. Di kasi lahat ng tao mapagkakatiwalaan lalo na sa panahon ngayon. Napakaswerte mo nalang kung ang barkada mo ay di ganon. Di lahat ng tao mananatili sa tabi mo, may panahong iiwan ka din at yun ang kinakatakot ko, yun ang dahilan kung bakit wala akong kaibigan.
'Di naman ako nalulungkot at di rin naman ako nagkikimkim ng mga problema, o kaya kung ano nasa isip ko dahil simula nong araw na alam kong nag iisa nalang ako, binuhos ko lahat ng nararamdaman ko sa tula. Doon ko sinasabi lahat, doon ko tinatago at kinukulong ang mga emosyon na nararamdaman ko. Ang weird no? Pero I think mas nagiging productive pa ko atleast nagagamit ko yung talino na binigay sakin ni God. At naniniwala ako na di lahat ng nararamdaman kailangang sabihin, kailangang itago mo minsan kasi masasaktan ka lang dahil hindi lahat ng tao kayang tanggapin at unawain ang nararamdaman mo.
Bakit ang tagal naman dumating ni Manong driver para sunduin ako, ang dilim na dito sa labas. Bakit kasi ginabi pa ko, nakakainis kasi mga kagrupo ko, mag ccr lang daw sila o kaya naman bibili pagkain para pampagana yun pala isa isa na silang tumatakas, ako tuloy gumawa ng lahat. Di naman ako makakapagreklamo kasi wala akong kaibigan ni isa sa kanila. Paano ako uuwi nito? Nagsisimula palang ako matakot at mainis, unti unti kong nararamdaman patak ng ulan. May mas mamalas pa ba sakin ngayon? Wala pa man din akong dala na payong.
Babalik nalang muna ako sa school, mag- stay at sisilong muna ako don atleast safe pa ko kasi may kasama ako, nakakatakot pag ikaw lang mag isa ngayong delikado na ang mundo at gabi pa. Bakit kasi naisipan ko pa na lumabas ng school. Tumakbo na ko parang mabilis akong makabalik sa school ng may mabangga ako sa poste, wait poste? Napaupo ako sa sobrang lakas ng pagbangga ko, ngayon ang dumi na ng uniform ko at basang basa na ako sa ulan. Malas ko naman talaga ngayong araw!
Sinundan ng mata ko pataas ang pinagbanggaan ko, una kong nakita ay paa? So, tao pala ang pinagbanggaan ko at obvious naman na lalaki ito dahil sa suot nyang sapatos, bigla akong tumingin sa mukha ni kuya para manghingi ng sorry pero lalabas palang yung salita sa bibig ko, napatulala ako sa mukha ni kuya. Shems, artista ba sya? Gosh, ang gwapo! Pero something is wrong dahil may nakikita ako sa mga mata nya at parang di nya ko nakikita, tulala si kuya at basang basa na sya sa ulan. Maalala ko umuulan nga pala at ang tagal kong nakatayo sa harapan nya at basang basa na ko sa ulan, nakakahiya.
"Naku, sorry kuya!" dali dali kong sinabi at baka magkasakit pa ko. Di naman nya ko sinagot at nanatili pa rin syang tulala. Tumakbo na ko paalis pero parang naiwan ko yung isip ko kung nasan nakatayo si kuya, dahil habang naghihintay ako sa tapat ng school kasama si manong guard, sya lang ang iniisip ko. Nakakakonsensya yung pang iiwan ko sa kanya pero ayaw ko naman makielam sa buhay nya, kasi kung ako nasa sitwasyon nya ayaw ko din na may makielam sakin. Minsan kailangan matuto na wag makielam sa buhay o problema ng iba dahil may kanya kanya tayong problema at may salitang tinatawag na "privacy" at "respect".
Nakauwi na rin ako sa wakas. At syempre isa lang ang pinagkukwentuhan ko ng nangyari sakin buong araw.
Taong taglay ay kadamutan
Kay ilap ibahagi ang kaalaman
Pinipiling ito'y takasan
Biyaya ng Panginoon ay nasaan?
At sa dulo'y may maiiwanan
Lahat sa kanya'y nakapasan
YOU ARE READING
Skylight's Rhythm
Teen Fiction"Hindi lahat ng nararamdaman kailangang itago, minsan kailangan rin ipakita at iparamdam."