Rhythm 4

7 1 0
                                    

Matapos yung araw na sinabihan ako ni Ma'am Evangelista na nasa mata ang katotohanan. Simula nun di na ako makapagsinungaling. Grabe naman kasi talaga yung sinabi ni Ma'am. Marami ka talagang matututunan sa school, hindi lang lessons sa mga subjects pero lessons galing sa mga taong nakakasalamuha mo.

Ngayon na ang last day namin sa junior high school, nakakatawang isipin na lahat ng classmates ko panay ang iyakan, mamimiss daw nila ang isa't isa lalo na yung mga magkakaibigan pero ako tahimik lang habang tinitignan sila na may lungkot sa mukha habang hirap na hirap na magpaalam sa isa't isa.

Dati sa tingin ko, ang pagpapaalam ay isa sa mga napakahirap gawin pero nabago yun simula ng mapait na naranasan ko. Lahat ng pinaniniwalaan ko dati, nagsimulang maging kabaligtaran. Sinasampal lang ako na magising sa realidad. Grabe no? Sa isang teenager na katulad ko, ang dami ng naranasan at hugot sa buhay. Sa tuwing maaalala ko yung mga naranasan ko, masakit pa rin hanggang ngayon. Di na nga siguro mawawala yung sakit e.

"Jeweliana, pwede ka bang sumama?" Nagulat ako nang biglang tanungin ako ng president namin sa room na si Aubrey. Di pa rin ako nasasanay na may kumakausap sakin. Di talaga ako komportable.

"Ha? Saan?" Nakakahiya namang hindi sumagot lalo na nag effort pa syang lumapit sakin at di rin naman maganda kung di sasagutin yung tanong na maayos tinanong.

"Hmm, balak kasi naming na officer, magkaroon tayo ng party as a section pagkatapos ng graduation. So, pwede ka ba sumama? Para lahat tayo may last memories sa jhs." Ah kaya pala pero kung kakausapin nga nila ako katulad ng ngayon di ako komportable, pano pa kaya pag nasa party ako. Ayoko namang sabihin nila na kj ako buong party baka di pa sila mag enjoy pag nakita nila ako na nasa gilid lang at tahimik na nakaupo.

"Pasensya na, Aubrey. Pero may balak kasi kami ng lola ko pagkatapos ng graduation." Nagdahilan nalang ako para di nya mahalata na ayaw kong sumama.

"Ay ganun ba? Sige, ok lang." Sinabi nya na nakangiti na pinapahiwatig na naiintindihan nya.

"Salamat." Sinabi ko nalang, ayoko ng mapahaba pa yung usapan namin. Di talaga ako komportable. Ano bang nangyayari sakin? Hays. Kahit mukhang mabait naman yung mga naging classmate ko, ang hirap lang talaga magtiwala. Tsaka looks can be deceiving.

And as always, I ended up writing poems to say what's in my head.

Ano nga ba ang nangyari?

Bakit naging ganito ang aking sarili?

Alam at ramdam kong mali

Tiwala'y di napapalitan at nabibili

Ngunit aking sarili'y di ko masisi

Sa mga ala-alang aking pag aari

Damdami't emosyong di maaari

Kalimutan ang lahat ng ito'y aking pinipili

Skylight's RhythmWhere stories live. Discover now