Rhythm 7

5 1 0
                                    


Ang bilis magdaan ng panahon, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Di ko inexpect kung pano ko napagpatuloy ang life ko na boring as it seems for others but I knew the reason why, because I have my family. I have them. Kahit sila lola lang, I'm matured enough para di na maging demanding na magbalikan sila mommy at daddy para masabi kong may family talaga ako kasi alam ko there's still reasons why to be happy.

Sa iba't ibang bagay natin nahahanap ang kasiyahan, pwede sa pamilya, pwede sa minamahal mo, pwede sa kaibigan mo, pwede sa lahat ng tao, pwede sa Panginoon, pwede sa ginagawa mo, pwede sa pangarap mo, pwede sa talento mo, at marami pang iba. Napakarami pa kaya di tayo mauubusan ng dahilan para maging masaya. Nasa sarili mo yan.

Dahil two months nalang at magiging college student na ako, nagliliwaliw ako kung saan saan at baka sakaling mapagtanto ko na ang gusto ko talagang kunin na course. Oo hanggang ngayon di ko pa din alam kung anong kukunin kong course, ewan ko ba kung bakit. Dati alam ko na ang gusto ko talaga tapos biglang naimpluwensyahan ako at biglang nag iba hanggang sa nag iba ng nag iba. Ang gulo nga e, pero talagang iniisip ko talaga kung saan ako magiging masaya at magiging proud ako sa sarili ko pati sila lola. Hays kung bakit kasi di ko talaga mahanap at makita yung bagay na gusto ko, siguro may dahilan at dadating ang panahon na malalaman ko na.

Habang naglalakad ako ngayon sa park, I'm listening to music using my earphones habang tinatanaw ang nasa paligid ko. I really love music, para lang din syang poems kasi nadadama mo yung emotions at kahit di ka makarelate masasabi mo na maganda yung kahulugan na binibigay at parang pinaparanas na din sayo yung emotions na nasa loob.

While I'm enjoying music, di ko narinig na may sumigaw sa likod ko na lalaking nakabike at nagsasabi na tumabi ako kasi mababangga ako, huli na ang lahat dahil nabangga nya na ako at hinihintay ko nalang na matumba ako sa lupa but before I could feel the pain, may naramdaman akong mahigpit na hawak sa isang braso ko at malamig na palad sa likod ko pero mas nararamdaman ko yung mainit na dampi ng isang labi sa labi ko.

Nanlalaki ang mata ko, gusto kong itulak itong lalaki na 'to pero tila nakahinto ang oras at di ko alam kung ano ang nararamdaman ko na to. Parang may gumagalaw sa tyan ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanghihina mga tuhod ko. Pero hindi to maaari, mabuti nalang gising pa ang isip ko kaya dali dali kong tinanggal earphones ko dahil na rin sa nasaktong kanta na tumugtog at inayos pagkakatayo ko at damit sabay tulak kay kuya na di ko kilala at tinakpan ang bibig ko. This is so surprising and unexpected! And to think that this is my first kiss! What did just happened?

"Sorry miss, I didn't meant to. It was accident, I was just trying to save you from falling but it turns out unexpectedly." Sa boses at mata nya palang, alam kong di nya talaga sinasadya.

Tinignan ko maigi mukha ni kuya kasi di ko napagtuunan ng pansin sa sobrang gulat ko. One thing is for sure, familiar sya. Those eyes, nose and lips, I can tell that it's him! The man on the rain! It's him. It's another surprise for me. Anong meron ngayon? Seriously.

"Miss, are you okay? I'm really sorry. It's not intentional. I'm very sorry." Di pa din talaga ako makapagsalita. But I don't want him to feel sorry kasi alam ko na walang may gusto sa nangyari at ang intention nya lang naman talaga is tulungan ako so I gather all the strength in me to say sorry and thank you.

"It's okay, its no one's fault. Neither of us didn't want it to happen, and thank you for helping me and I'm sorry too." I said it with sincerity. Then I decided to leave, di ko na kayang magtagal pa mygosh but hinawakan nya ulit braso ko.

"Wait, nakita na kita ng dalawang beses yet we don't know each other's name." sabi nya and ramdam kong eager syang magpakilala at makilala ako. It's not bad naman to know each other's name.

"I'm Jeweliana Zoe." I said it with a smile. Like I said it's not a bad thing kahit di ako sanay na may ibang tao na lumalapit sakin. Uncomfortable talaga.

"I'm Zacharius Archer." he smiled too, and damn I could die with just one smile of him. Jewel wake up, di ito oras para magkaganyan ka. Di ko mapigilan nararamdaman ko kasi babae pa rin ako after all but this is not so me. Pagkatapos nyang sabihin yung pangalan nya, he decided to let go of my arm pero nung ginawa nya yun, I have this feeling that is very new to me and I can't explain it.

Nasa gitna ng kalituhan

Pangyayari'y 'di ko inaasahan

Pero tila'y tinadhana ng Kalangitan

'Di ko alam ang tunay na nararamdaman

Oras ay tila huminto't natigilan

Puso ko'y tumitibok na parang ako'y nakipaghbulan

Mga anghel sa kalangita'y nag- aawitan

Nagwawalang paro- paro sa aking kalamnan

Sa mga salita ako ay nauubusan

Banyaga sa akin ang lahat ng kaganapan

Damdamin ko'y 'di ko maunawaan

Bakit tila puso ko'y may bahid ng kasiyahan?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Skylight's RhythmWhere stories live. Discover now