"Miss? Ok ka lang ba?" Hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa mga luha ko na patuloy pa rin sa pagtulo kahit alam kong nakakahiya na may nakakita pa na ibang tao. Siguro ang tagal ko ng kinulong itong mga luha na ito. Ngayon nalang ulit sila nabigyan ng pagkakataon na kumawala. May bagay pa rin na mananatiling ganun pa rin. Katulad ngayon, masakit pa rin para sakin. Masakit pa rin sobra. Akala ko di na dadating yung panahon na iiyak na naman ako. Akala ko ok na ko. Akala ko tanggap ko na. Akala ko lang pala ang lahat. Pinapaniwala ko lang pala sarili ko sa kasinungalingan.
"Miss? Hala, sorry. Baka uncomfortable ka, sige sa ibang table nalang ako. Sorry." Kinuha ko na lahat ng lakas ng loob na meron ako pati gamit ko para umalis na sa restaurant na 'to.
"No, sige. Tapos na rin naman ako kumain." Sinabi ko at tumayo na para umalis pero biglang nagsalita yung guy na makikishare ng table sana.
"Pero halata namang di ka pa tapos, parang wala ngang nabawas sa inorder mo na pagkain. If you don't want me to share the table with you, it's fine I'll go find another table. You don't have to leave just because you're uncomfortable." Sabi nya na naramdaman ko yung sincerity pero no, nakakahiya din pag- iyak ko. Ok lang naman na maki-share sya ng table nagkataon lang na naalala ko pa yung mapait na ala- ala na yun.
"No, ok lang. Busog naman na ko, no need to worry. Tsaka I have to leave, thanks." Sinabi ko nalang at agad na umalis sa restaurant at pumunta kay lola. Buti naman, I still have a reason to smile. I sent a message to lola na papunta na ako pero wala akong natanggap na reply.
Pagdating ko sa bahay nila lola, parang ang tahimik. Well, tahimik naman lagi dito pero something is weird. Parang walang tao, nasanay ako na sa tuwing pupunta ako ditto laging nandyan si Manong Larrie na matagal ng hardinero nila lola tsaka si Manang Fides namatagal na rin na katulong nila lola, pero pamilya ang trato ko sa kanila. Pag wala kasi si lola dati para asikasuhin yung family business namin sila nag aalaga at nagbabantay sakin.
Sayang naman kung wala si lola, nagpromise sya na magcecelebrate kami. Baka may inasikaso si lola, hay. Total naman nandito na rin naman ako, kakain muna ako. Di ko nga pala nakain yung pagkain na inorder ko kanina sa resto. Pagkabukas ko ng pintuan ay sya rin sabay na pagtulo ng luha ko. Pero this time, alam ko na luha 'to dahil sa sobrang saya.
"Congratulations, Jewel! We're so proud of you!" In life, sadness always come to make you cry and frown but happiness will also come to save and keep you smiling. Di sa lahat ng oras at panahon kailangan laging malungkot o problemado tayo. Nasa sarili mo kung pano ka magiging tunay na masaya o di kaya naman may ibang tao na dadating sa buhay mo para makita mo yung tunay na kasiyahan. Sa lahat ng nangyayari sa buhay natin, huwag nating kalimutan na maging masaya kasi minsan yun nalang matitirang paraan para magpatuloy pa sa journey ng life mo.
"Waaah, thank you so much! I didn't expect this!" di ko na nakayanan, tumakbo na ko palapit sa kanila para yakapin sila. Akala ko nakalimutan na nila yung pangako nila, akala ko nakalimutan na nila ako. I'm so happy. Really happy. Kahit di ko pa talaga nahahanap yung kasiyahan na mahahanap ko sa sarili ko lang, di ko na kailangang hanapin yung kasiyahan sa pamilya ko kasi ramdam na ramdam ko, kahit si lola lang tsaka yung mga taong tinuturing ko na pamilya, masasabi kong masaya talaga ako at kontento.
Patak ng bawat problema
Hanap ay bagong simula
Damdami'y nag- aalab
'Wari ay kabig ng dibdib
Sarili'y sagot sa baha
Bahang dulot ng problema
Buwa't araw ay nag- anib
Pagkakatao'y isunggab
'Wag mawalan ng tiwala
Bukas ay bagong pag- asa
Pag- asa'y laging isilab
Lahat sa iyo'y bibilib
YOU ARE READING
Skylight's Rhythm
Teen Fiction"Hindi lahat ng nararamdaman kailangang itago, minsan kailangan rin ipakita at iparamdam."