Ang tagal magdaan ng araw para sakin kasi ang totoo tatlong araw na lumipas simula nong araw na umuulan. At ngayon na rin pasahan ng project na ginagawa "namin" or should I say project na ginawa ko. Strict pa man din subject teacher namin sa Science, bilin nya samin na mga leaders kada group na kapag di tumulong yung members namin, sabihin daw para makuha nya ang deserve nyang grade na pamatay na palakol. Kailangan na daw kasi naming magseryoso sa buhay at maging responsible lalo na ngayong graduating na kami sa junior high school.
Tinatawag na ni Ma'am Evangelista yung ibang group at hanga din ako sa tapang ng ibang leaders at talagang sinasabi nila yung mga classmate namin na di tumulong. Hanggang sa tinawag na group namin.
"Group 8 leader, Gomez Jeweliana Zoe, stand up." Ewan ko pero kabang kaba ako, siguro di ko lang talaga kaya aminin na ako lang talaga gumawa ng project. Tumayo na ako pero parang nanlalambot mga tuhod ko.
"Sino ang hindi tumulong?" Mata pa lang ni Ma'am parang gusto ko ng malusaw. Tinignan ko mga groupmates ko pero ni isa sa kanila walang tumitingin sa mata ko, umiiwas sila ng tingin.
"Lahat po nagparticipate, Ma'am." Tinignan ako ni Ma'am Evangelista sa mga mata ko ng ilang segundo at pinaupo na ako. Nakapagsinungaling pa ako ng wala sa oras, natatakot lang ako na biglang gumulo ang tahimik kong buhay. Napayuko nalang ako, di ko kaya yung ganitong feeling. Para kasing niloko ko na rin sarili ko. Naghahati yung isip ko na panindigan ko nalang pagsisinungaling ko pero gusto kong umamin na ako talaga gumawa ng lahat, na ang daya naman kung papasa sila dahil sa akin ng walang kaeffort- effort.
Mabilis natapos yung Science time namin at lunch na, inaayos ko ang gamit ko para makabili na ng pagkain ko ng biglang tinawag ako ni Ma'am Evangelista.
"Jeweliana, come and follow me." Di sya nakatingin sakin dahil inaayos nya din gamit nya, pagkatapos nya ayusin gamit nya. Palabas na sya ng room at di nya pa rin ako tinitignan. Sumunod nalang ako sa kanya habang iniisip ko kung bakit kaya pinapasunod nya ako sa kanya at saan kami pupunta. Nahinto pag iisip ko ng marealize ko na nasa office nya kami sa faculty lounge. Umupo sya sa upuan nya pagkatapos nyang ilapag mga gamit nya sa lamesa na nasa pagitan naming. Ginalaw nya yung kamay nya na parang sinasabi na maupo ako sa upuan sa tapat nya so I did.
"Hmm, bakit po Ma'am?" Tinanong ko na sya kasi kung di pa ko magsasalita parang mamamatay ako sa sobrang katahimikan lalo na sa mata ni Ma'am na di ko mahulaan kung ano ibig sabihin ng nakikita ko.
"Di mo ba talaga alam?" Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Ma'am, hala baka alam nya na nagsinungaling ako kanina?
"Ahm, di ko po talaga alam" Nag iwas ako ng tingin. Nakakakonsensya naman 'to.
"Ok, you may leave and have your lunch." Bumuntong hininga sya pagkatapos nyang sabihin yun. Feeling ko pinapaamin nya lang ako sa pagsisinungaling ko kanina.
"Sige po." Tumayo na ako at dumiretso sa pinto. Di ko na kayang magtagal dito. Di ko matanggap na nakapagsinungaling pa ako at dinagdagan ko pa ngayon. Bago ko pa mahawakan ang door knob biglang nagsalita si ma'am.
"'Di lahat ng lumalabas na salita sa bibig kailangang paniwalaan, kung gusto mong manigurado kung totoo ba yung sinasabi ng isang tao, sa mga mata mo makikita agad ang sagot." Sinambit ni Ma'am gamit ang seryosong tono. Napalunok ako, so alam na pala nya na nagsisinungaling ako. Siguro nga nakikita sa mga mata ang totoo. Maari man lokohin ng salita ang tenga pero hindi ang mata.
Sa mundong puno ng kasinungalingan
Tila di na mahanap ang katotohanan
Sino pa nga ba ang nais paniwalaan?
Mga salitang walang kasiguraduhan
Nauuwi lang sa napakaraming dahilan
Mabuti nalang may natitira pang paraan
Tumingin sa mga matang totoo't may katapatan
YOU ARE READING
Skylight's Rhythm
Teen Fiction"Hindi lahat ng nararamdaman kailangang itago, minsan kailangan rin ipakita at iparamdam."