Rhythm 5

9 2 0
                                    

Nagtagumpay na naman akong makapagtapos. Apat na taon din yung paghihirap, pagpupuyat, pagsasacrifice, lahat lahat na sa high school. Ramdam ko yung saya sa sarili ko. So I'm going to treat myself!

First, bibili muna ako ng book sa bookstore. Dati di naman ako mahilig magbasa ng books pero I just found myself na nagbabasa ng mga books and I must admit, na- obsess ako. It's funny lang kasi na biglaan yung pagkahilig ko magbasa ng books. Tsaka grabe din naman kasi magpa- inlove yung mga fictional characters na lalaki! Thanks sa books dahil pinalawak nya pa imagination ko. After deciding na bilhin yung book na me before you, binayaran ko na agad then magstay at kakain muna ako sa isang restaurant then after eating, pupuntahan ko si lola para magcelebrate kami. Sya nalang din kasi yung dahilan kung bakit mas pinili ko pang magpatuloy.

Ang hirap makaupo agad kasi maraming kumakain and mostly ang kumakain ay pamilya. Pamilya. Naupo nalang ako sa pangdalawahang tao na table. Parang di ko maeenjoy yung inorder kong pagkain. Nananadya yata yung mga pamilya na rinig na rinig yung mga tawa nila na halatang masayang masaya sila. Kung di kaya sumuko mga magulang ko sa pamilya namin, magiging masaya pa rin kaya kami? May kasama kaya ako ngayon kumain at para magcelebrate sa graduation ko. Siguro ito ang kapalaran ko at siguro ito yung binigay sakin ni Lord na life. Pero bakit ganun? Di pa rin ako nagsasawang humiling na sana buo pa rin kami, ang sakit sakit pa rin sakin.

Grade 6 ako at bukas na graduation namin, sobrang saya ko kasi magiging proud na naman sila mommy sakin kasi valedictorian ako. Pagdating ng driver namin sa school para sunduin ako, sumakay agad ako sa sasakyan at pagkadating sa bahay, diretso agad akong pumasok sa bahay namin. Paakyat palang ako, naririnig ko na may nagsisigawan at umiiyak galling sa kwarto nila mommy.

Ano kayang nangyayari? Sayang, di ko agad masasabi yung pagiging valedictorian ko. Pero dumiretso pa rin ako sa tapat ng kwarto nila, nakaawang yung pinto kaya nakikita ko ang nangyayari sa loob ng kwarto nila mommy. Nakita kong umiiyak si mommy habang nakaupo sa kama nila habang si daddy kinukuha nya yung mga damit nya sa cabinet. Aalis si daddy? Baka may business trip na naman sya at siguro kaya umiiyak si mommy kasi nalulungkot sya na aalis na naman si daddy. Pero mukhang nagkamali ako dahil biglang nagsalita si mommy.

"Sige umalis ka na! Magsama kayo ng kabit mo" Galit na pagkakasigaw ni mommy. Kabit? May ibang babae si daddy? Di maproseso ng isip ko yung narinig ko.

"Oo! Di pa ba halata? Aalis na ko, walang kwenta na magtagal pa sa bahay na 'to!" Totoong may kabit si daddy? Pero paano nya nagawa yun? Masaya kami at nakikita ko sa mga mata nya na mahal na mahal nya si mommy. Di pa rin ako makapaniwala.

"Bilisan mo at umalis kana! Di ko na kayang makita ka pa." Hirap pa na masambit ni mommy yun dahil humihikbi sya. Alam kong sobrang masakit para sa kanya.

"Oo na, pati ako di ko na kayang makita ka. Di ko na rin kayang magpanggap na masaya pa rin tayo." Pagkasabi ni daddy yun, sinara nya na yung maleta nya at nakita ko na palapit na sya sa pinto kaya dali dali akong tumakbo at pumasok sa kwarto ko.

Di ko na mapigilan yung mga luha ko, ang sakit. Bakit nagkaganito? Anong nangyari? Masaya kami, ramdam ko. Parang di ko kayang tanggapin lahat ng narinig ko. Di totoo lahat yun. Baka nag- away lang sila mommy. Baka. Siguro. Sana. Ang sakit, sakit. Dito na ba masisira pamilya namin? Dito na magtatapos? Dito nalang ba?

"Here's our school year valedictorian to give us goodbye and congratulatory speech." Umakyat ako sa stage at hinarap ang mga students na kasabay kong magtatapos. Nakita kong ang daming magulang. Hinanap ng mata ko sila mommy, hinihiling na sana masamang panaginip lang yung nangyari kahapon. Na masaya pa rin kami at nandito sila para palakpakan ako at icongratulate. Pero hindi. Si lola lang nakita ko, sya lang. Siguro kung sino nasa posisyon ko na pagiging valedictorian, sobra tuwa nila kesa sakin. Walang saysay yung tagumpay kung wala sila. Sila inspirasyon ko sa lahat. Bakit dumating pa yung araw na ganito? Yung araw na ramdam kong wala na akong pamilya. Wala na. Di ko alam kung bakit nawala? Bakit di ko naramdaman na mawawala na? Sana napigilan ko. Sana naayos pa. Sana.

Tutulo na sana yung luha ko nang biglang

"Miss, pwedeng maki- share ng table?" Natulala nalang ako at hinayaang tumulo luha ko.


Katotohan'y tinakpan aking mga mata

Hindi na alam kung ano ang tama

Puso'y malaya na pala

Pag-ibig ay napabayaan na

Di inakala na unti unting mawawala

Mapait na ala- ala nalang ang matitira

Damdami'y di inasahang mag- iiba

At sa huli'y mauuwi pa rin ang lahat sa "sana"

Kasabay ng pagtulo ng mga luha

Skylight's RhythmWhere stories live. Discover now