THIRD PERSON'S POV
Gulat na gulat at gulong-gulo pa rin si Mikko sa kanyang narinig.
Kitang-kita mo sa kanyang mukha ang pagkagulat at pagkawala sa sarili.
Paulit-ulit pa rin niya na naririnig ang sinabi ni Bobby.
I'm Sophia's father.
I'm Sophia's father.
I'm Sophia's father.
I'm Sophia's father.
'Shit! Bat di ko alam 'yun? Fuck. Kaya pala parang wala si Sophia sa sarili dahil ba dito? Damn!' Sabi ni Mikko sa kanyang sarili.
"Suprise?" Bobby said while wearing his devilish smile.
"That's my daugther's gift for you. Like it?" Bobby said again
Mikko was so speechless and he didn't know what he will going to do.
Hindi pinansin ni Mikko ang sinabi ni Bobby bagkus ay humarap ito kay Sophia na umiiyak.
"Bakit babe? Bakit mo ginawa sakin to? Pinagkatiwalaan kita! Minahal kita ng isang taon tapos ito. Ito yung kapalit ng pagmamahal ko sayo ng isang taon? T*ng in* naman! All this time niloloko mo lang pala ako and worst hindi ko alam kung minahal mo ba talaga ako!" Nanggagalaiting sabi ni Mikko na pinipigilan lang na umiyak.
"M-minahal kita Mikko! M-minahal kita!" Umiiyak na sabi ni Sophia.
"Minahal? Ito ba yung sinasabi mo na minahal mo ko? Yung lokohin at pagtaksilan ako?" Sabi ni Mikko at hindi na niya napigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha.
"Mali ka ng iniisip Mikko! Hindi kita niloko, sumunod lang ako sa utos ng Daddy ko kahit labag man sa akin." Sabi ni Sophia na iyak pa rin ng iyak.
"Hindi niloko? Ito ba yung sinasabi mo na hindi moko niloko? Niloko moko! Pinaniwala moko na mahal mo talaga ako! At ako naman tong si tanga hindi ko napansin kasi yung alam ko lang ay mahal na mahal natin ang isa't-isa. Hindi ako makapaniwala na lolokohin mo lang ako. Isa lang pala itong pagpapanggap!" Sabi ni Mikko
"Sorry." Sabi ni Sophia habang pinupunasan ang kanyang mga luha
"Sorry? Sorry lang yung masasabi mo sa lahat ng ginawa mo sakin. Yung sakit na dinulot mo sakin ngayon? Tapos sorry lang? Sophia naman! Akala mo ganon-ganon lang mawawala yung sakit sa ginawa mong panloloko at pagtataksil sakin? Sorry? What a word! Pinapatunayan mo lang na hindi mo talaga ako minahal. Hindi na kita kilala, Sophia. Manloloko ka! Taksil!" Nanggigigil na sabi ni Mikko
"S-sorry Mikko. H-hindi kita niloko. A-ako ang naloko, nagpasunod ako sa Daddy ko. Hindi ko alam na hahantong dito. Pero maniwala ka sakin minahal kita!" Sabi ni Sophia habang patuloy parin na umaagos ang mga luha. Hinahawakan ni Sophia si Mikko ngunit inaalis lang niya ito.
"Hindi. Hindi moko minahal niloko moko! Lahat ng mga pinakita mo sakin ay kasinungalingan lang!" Patuloy parin ang paghawak ni Sophia sa kamay ni Mikko pero patuloy lang niya itong inaalis.
Biglang lumuhod si Sophia sa harap ni Mikko.
"Magpapaawa kapa sakin ngayon? Di mo na ko madadaan sa mga ganyan mo Sophia!"
"Please Mikko, maniwala ka sakin! Minahal kita at di kita niloko! Please." Umiiyak parin na sabi ni Sophia
Magsasalita pa sana si Mikko ng biglang may pumalakpak.
"WHAT A DRAMATIC SCENE! NASA MOVIE BA 'KO? TAMA NA YANG PAGDADRAMA NIYONG DALAWA! NAKAKAIRITA KAYO! SOPHIA TUMAYO KA DYAN! WAG KA NANG MAGPAAWA DYAN! TAMA SIYA NILOKO MO SIYA KAYA WALA KA NG MAGAGAWA. PUMUNTA KA NA SA KOTSE! AKO NG BAHALA DITO!" May diin na sabi ni Bobby
Tumayo na si Sophia sa kanyang pagkakaluhod sa harapan ni Mikko at lumakad na siya papalayo dito. Hindi niya rin maiwasan na tumingin dito ulit sa huling pagkakataon.
Hindi parin mawari sa isipan ni Mikko na magagawa sa kanya ni Sophia ang pagtaksilan at lokohin siya.
'Di naman ako nagkulang sa pagmamaha ka sa kanya. Pero bakit? Bakit niya ko ginanito? Pinagmukha niya kong tanga' Sabi ni Mikko sa kanyang sarili
"Nagustuhan mo ba ang aking regalo sayo, Mikko? Ang ganda diba?" Nakangising sabi ni Mikko
"Walang hiya ka, Bobby! Pati ako dinamay mo sa away niyo ni Daddy!" Nanggigil na sabi ni Mikko
"Hindi ako makaganti sa kanya kaya sa anak nalang niya ako gaganti. O diba, ngayon makakaganti nako sa matalik kong kaaway." Halata sa mukha at pananalita ni Bobby ang pang-aasar sa binata.
"G*go ka Bobby!" Susugurin sana siya ni Mikko ng suntok ngunit napigilan siya ng mga tauhan ni Bobby.
Bagkus si Bobby ang sumuntok kay Mikko. Hindi magawang lumaban ni Mikko dahil sa nakahawak sa kanya na tauhan ni Bobby at dahil na rin sa nasasaktan siya sa ginawa ni Sophia.
Matapos na pagsusuntukin ni Bobby si Mikko ay umalis na siya ngunit bago siya umalis ay may sinabi siya.
"Kayo ng bahala diyan! Patayin niyo na rin yan pagkatapos. At sunugin niyo na rin ang resthouse na to kasama siya!"
------------------------------
A/n:Mukhang wala naman yatang nagbabasa neto ay. Pangit ba o okay lang? Next chapter na yung madugo-dugong scene. Hahaha. Please vote and comment. Salamat. 😀
BINABASA MO ANG
THE PRINCE OF MAFIA IS MISSING!
Roman pour AdolescentsPLAGIARISM IS A CRIME! DONT PLAGIARIZE THIS STORY OR YOU WILL SEE HELL! JUST KIDDING :) NO PART OF THIS STORY MAYBE REPRODUCED OR TRANSMITTED IN ANY KIND OR BY ANY MEANS. JUST TELL OR ASK THE AUTHOR IF YOU WANT TO PHOTOCOPY OR USED THIS STORY. JUST...