THIRD PERSON's POV
Two years ago.....
Sobrang saya ngayon ni Mikko dahil ngayon ang first anniversary nila ng kasintahan niyang si Sophia, walang pagsidlan ang saya niya.
Nakaplano na lahat ng gagawin niya mamaya sa date nila.
Mga pagkain.
Ang lugar na pupuntahan nila.
At
Ang ireregalo niya na kwintas na sobrang napakahalaga sa ama.
Ganon kamahal ni Mikko si Sophia.
Sa kabilang banda naman, si Sophia ay sobrang balisa at kinakabahan dahil alam niyang may mangyayaring masama sa kasintahan niya.
Sa lalim ng iniisip niya ay di niya namalayan na may pumasok sa kwarto niya.
"My Princess, handa kana ba sa regalo mo mamaya sa kanya?" Ang tatay niya, si Bobby.
Si bobby ang kalaban ng ama ni Mikko sa mga Business transaction sa buong bansa. Hindi niya matanggap na hanggang pangalawa lang siya kaya naisip niya na maging pain ang anak nito.
"Dad, kinakabahan ako. Wag na kaya nating gawin. Ayaw kong pagtaksilan si Mikko" Mahinahong sabi ni Sophia
"ANO? GANON GANON NALANG SOPHIA, ANG DAMING KONG GINAWANG SAKRIPISYO SAYO TAPOS SASABIHIN MO NA AYAW MONG PAGTAKSILAN SIYA. PARA SABIHIN KO SAYO SIMULA UNA PALANG PINAGTAKSILAN MO NA SIYA" Nanggagalaiting sabi ng ama niya
"Pero Dad------"
**** PAAAAKK! ****
Di natuloy ang sasabihin ni Sophia dahil isang napakalutong na sampal ang natanggap niya mula sa kanyang ama.
'Di na napigilan ni Sophia ang pagiyak.
"Tumayo kana dyan at tawagan mo na siya, di na ko makapaghintay na patayin ang anak ng matalik kong katunggali!" Sabi ni Bobby
*sniff* *sniff*
"P-pero dad ayaw ko talaga. Mahal ko na siya!" Sabi ni Sophia habang umiiyak
"WALA NG PERO PERO! ANG SINABI KO SINABI KO, ANG GAGAWIN MO LANG AY SUMUNOD! NAIINTINDAHAN MO BA YON?!" Sabi ni Bobby na umalingawngaw sa apat na dimensyon ng silid ni Sofia
"O-opo" Takot na sagot ni Sophia
"Mag-ayos kana. Tatawagan nalang kita mamaya kung handa na kami sa pagpatay." Sabi ni Bobby at lumabas na ng kwarto ng anak.
Nang nakita niyang umalis na ang ama ay di niya napigilang maiyak dahil sa mangyayari mamaya sa mahal niya.
"Patawad Mikko kung gagawin ko sayo to. Di talaga mapigilan ang aking ama sa gagawin niya sayo. Sana mapatawad mo ko. Ang laki laki ng kasalanan ko sayo. Mahal na mahal kita Mikko." Nasabi ni Sophia at tuluyan ng nag-unahan ang mga luha niya sa kanyang mga mata.
Inayos na niya ang sarili niya at bumababa na sa bahay nila.
Nakita ni Sophia ang ama niya na nakaupo sa sala nila na napakalawak ng ngiti habang nakatingin sa kanya.
Sa isip ni Bobby, 'Tignan lang natin kung kayang mong makita na bangkay na ang anak mo. *evil grin* HAHAHA. Hindi muna kita papatayin Blue dahil uunahin ko muna ang iyong prinsipe.'
Hindi na ito pinansin ni Sophia at tuluyan ng lumabas ng bahay na dala ang takot at pangamba sa mangyayari mamaya.
Hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Napakasakit ng nararamdaman niya ngayon!
--------------
Mr. Author Note:Hanggang dyan muna :) Maganda ba? O pangit? ITUTULOY KO PA BA? Comment and vote! Paki- kalat naman yung story ko na to? Salamat :*
--------------
BINABASA MO ANG
THE PRINCE OF MAFIA IS MISSING!
Fiksi RemajaPLAGIARISM IS A CRIME! DONT PLAGIARIZE THIS STORY OR YOU WILL SEE HELL! JUST KIDDING :) NO PART OF THIS STORY MAYBE REPRODUCED OR TRANSMITTED IN ANY KIND OR BY ANY MEANS. JUST TELL OR ASK THE AUTHOR IF YOU WANT TO PHOTOCOPY OR USED THIS STORY. JUST...