Part 3 I'm not so strong anymore

31 0 0
                                    

Umuwi ako ng bahay dala dala ang tinake-out kong pagkain. I'm feeling stressed for what happened dun sa restaurant. I feel pity for myself. Feeling ko wala akong kwenta. Feeling ko I'm such a looser. A mess. A pig? Basta! Nanliliit ako sa sarili ko. I need to breathe out.

"Mom?" Nakailang tawag ako but walang sumasagot. Pinuntahan ko yung kwarto nya but no one's there. Tinungo ko ang kusina to get some water at pagbukas ko ng ref may nakalagay na sulat sa ibabaw ng cake.
"Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko" dejoke lang HAHAHAHA

"Sweetie Zak, I'm in a rush going to New York may aasikasuhin lang ako sa business natin. Anyways, 2 weeks lang naman ako mawawala. Everything you need anjan na sa ref HAHAHA I love you baby. Take care.- mom"

Hayyy. 2 weeks? Antagal nun ah. Pero independent naman ako so keri ko to. Aja!

-------------------
School~

First subject

Kainis! Late nako! Bat kase antagal kong natulog kagabi! Lagot ako neto kay Maam Sabog! Huhuhu baka sumabog na naman yun sa galit. Ayaw pa man nyang late.
Lakad takbo ginawa ko. Hingal na hingal ako mga bes.

Pagpasok ko sa room namin sya ring pagpasok ni Maam Sabog. Patay! Hindi kami mag kasya sa pinto! Kung bat naman kase sumingit.

"Ay teka po Maam, sige po kayo po muna hehe" at pumasok na nga si Maam. Tawanan yung mga kaklase namin.

"Okay. Miss Cruzi, sumayaw kana dito sa gitna"- Maam Sabog

"Huh? Ano po Maam?" Sabog ba tong si Maam?

"I said sumayaw kana! Diba late ka so begin!"

Hala lagot! Oo nga pala pag late sasayaw sa gitna. Juskooo bat ko pa ba kase pinaunang pinapasok si Maam. Juskolord tulong. Ipadala nyo po ang inyong mga anghel parang awa nyo na.

"Sayaw na! Sasayaw na yan!" Kantyaw pa ng mga hinayupak kong classmates.

"I cant. Please Maam. I cant do it."

"Sayaw na! Kung di ka sasayaw isusumbong ka namin sa parents ni Luke about dun sa sikreto mo! Sayaw o sumbong?- sabi ni Althea yung campus queen namin.

Naiiyak nako. Nahihiya. I dont know what to do. Pero ayoko namang malaman nila tito yung sikreto kong pagkakagusto sa anak nila. Family friends kase namin yung family ni Luke. Nakakahiya naman.

"Ohhh---kayyy"

Biglang nagplay yung tugtug. (Fantastic Baby) ewan ko kung sino nagpatugtog

Sumayaw ako kung ano yung nalalaman kong actions nun. Hingal na hingal ako. Tawanan naman yung mga classmates ko. And without expectation, nasira yung hook ng palda ko. Nagtawanan na naman yung mga classmates ko. Napatingin ako sa isang lalaki sa sulok. I saw him with an angry look. Parang galit na galit. Ewan ko.

"Stop that! Zaki lets go!" At bigla nya na lamang akong hinatak palabas ng room namin. I cant help but cry. Naaawa ako sa sarili ko. Bat ba nila ginagawa saken to? Ano bang kasalanan ko sa kanila? Bakit ayaw nila saken? Nang dahil ba sa mataba ako? Si Luke nakita ko sya kanina tawa ng tawa at kinukuhanan pa akong video while laughing so hard. Damn this life!

At nagulat ako ng may kamay na pumunas sa luha ko. Napatingin ako sa kanya.

"Why did you do that Zaki? Why did you embarrassed yourself in front of those fucking people! Dahil ba kay Luke kaya ka nagpapaka martyr? Damn!" Anlakas ng boses nya. May napapatingin tuloy sa gawi namin.

"Look Lee, di mo kase ako naiintindihan (While tears falling again) kelangan ko silang pakisamahan para tanggapin nila ako. I'm so sick of running away, of pretending that I'm okay kahit na lagi nila akong pinapahiya, pinagtatawanan, tinatawag na baboy 😭 I need them to accept me" shet na luha naman to oh ayaw paawat.

"No. You're wrong Zak. You don't need them to fuckinly accept you! Hindi mo kelangang gawin yun just to fit with them. You have yourself. You have your family. Your friends. You have........... me."

Ano daw? Teka Zak, tama ba yung narinig mo? Ay ewan di ko magets si Lee.

Fat ZakiWhere stories live. Discover now