12

13 0 0
                                    

4th day

Luke's P.O.V

"Oh ayan yung ebidensya!" Natatawa kong sabi. Nilapag ko yung mga pictures namin ni Zaki na magkasama at ang saya saya nya sa bawat kuha.

"Whooooaaaaa! Pare iba ka talaga!"

Pinabasa ko din sa kanila yung ginawang tula ni Zaki at yung text na nag I love you sya saken. Easy money. Biglang dumating si Althea at Lee.

"Luke may practice daw kayo" malambing na sabi ni Althea. Halatang halatang may gusto sa akin to. Pero mas okay na to kesa kay Zaki no. Katawan nun psh.

"Luke man, oh ito na yung 50 thousand, congrats" tatawa-tawa pang inabot saken ni Kian isa sa barkada namin.

"Para saan yan?" Singit ni Althea

"E kase nagpustahan kami sa barkada na kapag napa-fall nya si Zaki within 1week may 50 thousand sya"

"Pero seryoso dude wala ka bang nararamdaman kay Zaki?" Tanong ng isang barkada namin

"Hell no. Over my hot body. Ako magkakagusto dun? Asa sya HAHAHA nakakadiri yung katawan nya tsaka walang magseseryoso dun no. Pangpustahan lang ang mga tulad nya."

"Gago ka talaga! Papatayin kita!" Sugod ni Lee at agad naman silang inawat ng barkada.

"Bakit ba sobrang apektado ka ha? May gusto ka ba dun sa baboy na yun? Kadiri ka Leander pipili ka na nga lang ng babae dun pa sa obese na yun!"

"Wala kang karapatang laitin sya! Simula ngayon ako na ang poprotekta kay Zaki. Papatayin kita pag nilapitan mo sya!"

"Sige pero tanggal ka na din sa barkada! Maghanap ka ng bagong barkada mo at magsama nadin kayo nung obese mong babae!"

"Wala akong pake! Fuck you!"

Classroom~

Dala dala ko yung pack lunch para kay Luke. I made him breakfast on my own. At nasabi ko na din kay Mommy na kami na ni Luke. She was so happy about that. Ininvite nya pa si Luke na mag lunch sa bahay this weekend. Sasabihin ko nalang sa kanya mamaya. Bat ba kase ang tagal nya? Wait text ko nalang sya.

"Luke san ka na? I have something for you" at may kasama pang heart emoji hihihi

Dumating na yung prof namin pero walang Luke na dumating at wala ding reply. Baka di papasok kase may sakit. Tawagan ko nalang mamaya.

"Class dismissed"

"Ano ba yan. San ba kase sya? Teka tawagan ko nalang" napatingin ako sa upuan ni Lee wala din pala sya at pati si Althea wala din! San kaya sila nagpunta? Posible kayang kasama nila si Luke?

I tried to call him twice but he's out of coverage. I'm getting nervous baka napano na si Luke. I stay calm. Naghihintay na kami sa next prof namin ng dumating si Althea.

"Oh andito pala tong feelingerang to. Ang akala mo naman seryoso sayo si Luke but you're wrong." Sarcastic nyang sabi

"Ano bang problema mo Althea? Wala kana naman bang magawang matino sa buhay mo ha? Gusto mo bang matikman tong sampung kilong braso ko?"

Tinaas ko pa yung braso ko. Nakita kong namutla sya. Nagtawanan yung mga kaklase namin. Di nako magpapatalo this time no.

"You bitch! Pinagpustahan ka lang nila Luke! Ng barkada nya para sa 50 thousand! Papaibigin ka ni Luke at dapat within 1 week nahulog kana sa kanya. E wala pa nga atang 1 week hulog na hulog kana e!" At tinapon nya pa sa sahig yung ginawa kong breakfast para kay Luke.

I felt my tears began to trace down my face. Totoo ba? Ang sakit.

"Zak, ako na ang magpapaliwanag" biglang dumating si Lee.

So totoo nga talaga na pinagpustahan lang nila ako?

"Na ano na pinagpustahan nyo ako ng barkada mo? Ang sama nyo! Ang sama-sama nyo! Wala kayong puso!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko bumuhos ang masaganang luha sa mukha ko. I heard sympathies from my classmates. Naawa ata sila saken. Damn, I dont need that.

Lakad takbo ang ginawa ko. Halos di ko na makita ang daan kase medyo blurry na yung paningin ko.

Nang may biglang bumangga saken.

"Sorry, sorry talaga di kita napansin nagmamadali kase ako e" sa laki kong to di nya ko napansin? Tsk

"Okay lang sige"

"Hey, umiiyak ka ba?"

"No. Napuwing lang"

"Haha don't me umiiyak ka e. Ano bang nangyari girl? By the way, I'm Samantha Lucero. You can call me Sam" at nilahad nya yung kamay nya saken.

"Zaki." At di ko na napigilan ang sarili ko bigla ko nalang syang niyakap. I don't care kung ngayon ko lang sya nakilala, I need a friend to calm me down.

Kinwento ko sa kanya ang mga nangyari. Puro mura ang sinabi nya.

"Girl masyado ka kaseng mabait e! Dapat matuto kang lumaban!" Tahimik lang ako. Namamaga pa ata yung mata ko kakaiyak.

Andito kami ngayon sa isang coffee shop malayong malayo sa school ko. I need to breathe out.

"One more thing, you should do something about yourself" at naka smile pa yung gaga ano kaya iniisip neto....

Fat ZakiWhere stories live. Discover now