Perhaps, pain was too loyal to me. I thought that was my happiest moment in life but then anger and pain followed.
3rd day.
It was our third day of being in relationship. No words can express how happy I am knowing that Lucas "Luke" Trinidad is mine. Nung time na sinagot ko sya nilibre ko sya ng dinner sa isang famous na restaurant near Manila. Ang awkward kase yung mga nagdi-date dun ay mga perfect couples. Magaganda, sexy, gwapo, hot couples. Except us, kami lang ata ang naiiba dun. Luke was very handsome in his highschool uniform. Di sya mukhang highschool mukha na syang college seriously. But me? Mukha nakong nanay na may sampung anak. Hays.
I can feel his uneasiness. Siguro ay di pa sya sanay sa "aming" relationship. Baka nga nag aadjust pa ang baby ko. Hihihi
Di ko nalang pinansin yung mga taong tumitingin sa gawi namin. All that matters now ay kami ni Luke. Gagawin ko ang lahat para sumaya sya sa akin.
"I should go home, may importante pakong gagawin, bayaran mo na yung pagkain"
"Ah ganun ba, osige tara na. Teka andami pang pagkain oh sayang naman kung di natin uubusin. Teka ipapa take-out ko nalang" lalantakan ko nalang to mamaya Hahaha
"Maam, 5 thousand po lahat" the waiter handed me the bill. I was kind of shocked knowing that ang laki pala ng nagastos namin sa pagkain. Pero okay lang atleast masaya yung lalaking mahal ko :)
Nung 2nd day ng "relationship" namin ay nag bake ako ng cookies na may nakasulat na "I LOVE YOU LUKE" sa kada isang cookies. Medyo napuyat pako nun, gustong gusto ko talagang pasayahin sya kahit sa mga simpleng paraan lang. Nagpatulong pa ako kay Manang Loleng at pati sya napuyat din hahaha damay damay nato lol
Kinabukasan binigay ko sa kanya yung cookies sa gymnasium may practice ata silang basketball.
"Luke! Here oh, I have something for you" :)
"Ano yan? Lagay mo dun sa bench may practice pa kami e. Wag mo na akong hintayin umuwi kana"
Nagkantyawan yung mga barkada ni Luke. Iling lang ginawa nyang tugon. Ang cute niya talaga.
Umuwi nako samin. Nag commute nalang ako kase maaga pa naman. When I reached my home naisipan kong gumawa ng tula para sa kanya.
Mahal kong Luke, noong ako'y iyong inaLUKE,
Puso ko ay ayaw nang matulog,
Ang isip ko ay dala-dala mo na san ka man magpunta,
Ba't ganto ang nararamdaman ko?
Sadyang mahal lang talaga kita at iyon ay totoo.
Wag mo sanang pagdudahan ang pag-ibig ko, sapagkat ito ay busilak at hindi kailanman magbabago.
Katulad ng katawan ko, malaki din ang puso ko kaya kitang ipaglaban sa kahit na kanino,
Basta ang tanging akin lamang, ay hayaan mo akong mahalin ka't alagaan.Binasa ko ulit ang ginawa kong tula, parang ang sagwa. Pero huli na kase biglang kong napindot sa gulat!
"Ay pekpek mong mabaho!"
"Anong mahabo? Kaninong pekpek ang mabaho? Akin ba?" Si Manang Loleng biglang pumasok sa kwarto ko
"Manang naman e! Nakakagulat po kayo"
"Hehe pinahatid kase ng mommy mo tong snack mo alam kong magugustuhan mo to" tumawa pa si Manang
"Mango-Cheese pancake! Omg I love you na talaga Manang" kiniss ko pa si Manang sa cheeks. She never fails to make me happy.
8 hours had passed pero wala akong reply na natanggap. Baka busy lang si Luke babyloves ko o kaya baka tulog na. Bukas nalang tatanungin ko sya kung nagustuhan nya ba yung ginawa kong tula.
Bago ako natulog ay tinext ko ulit sya.
"Goodnight Luke. Mahal kita."
YOU ARE READING
Fat Zaki
RomanceWhats wrong with our bodies anyway? "Is fat really the worst thing a human being can be? Is fat worse than vindictive, jealous, shallow, vain, boring, evil, or cruel? NOT TO ME." - J.K ROWLING