Dear Mom,
Tinanong kita kani-kanina lang kung bakit hindi ka nakauwi pero ang sabi mo lang may meeting ka sa bagong business partner mo at tuwang-tuwa ka. Lahat ng hinanakit ko biglang nawala kasi ngayon lang ulit kita nakitang ganon kasaya, hindi ko na muna itinanong kung bakit hindi yung meeting namin ang pinuntahan mo.
Ngumiti ka sakin Mom tapos inaya mo akong kumain at ikaw ang magluluto. Iba yung saya mo ngayon kaya nahawa na rin ako at pumayag. Nagluto ka ng paborito kong adobo tapos nag-bake ka pa ng chocolate cake. Namiss ko yung luto mo Mom! Ang sarap sarap kasi. Hindi ko na nga halos matandaan kung kailan yung huli kong kain ng luto mo. Pero ang pagkaka-alala ko, pangalawang beses mo palang akong nilutuan.
Nagtanong ako kung bakit hindi ka nakapunta sa meeting kanina, umasa kasi ako. Pero biglang napalitan ng inis ang mga mata mo pati ang mood mo nagbago. Pabagsak mong binaba yung kutsara at tinidor saka mo sinabi na nawalan ka na ng gana at iniwan mo nalang ako bigla sa harap ng hapag-kainan.
Mom, may halaga ba ako sayo?
-Arianna
![](https://img.wattpad.com/cover/112074807-288-k722315.jpg)
BINABASA MO ANG
The Daughter's Letter (SHORT STORY)
Short StoryA daughter's message to her Mom before she died at the age of 17. Story Started: June 09, 2017. Story Ended: June 11, 2017 at 8:53pm. Highest Rank as of April, 05 2018: #92 in SHORT STORY.