Time Of Death: 8:43pm of June 10, 2017.
~*~
Humahagulgol ang ina ni Arianna matapos maka-tanggap ng tawag galing sa hospital kung saan siya namatay. Nagmamadali siyang sumakay sa kaniyang kotse at pinaharurot ito hanggang sa makarating.
"Room 404, Ma'am." ani ng nurse na kaniyang pinagtanungan. Hindi na halos makamulat ang kaniyang mga mata dahil sa pamamaga nito.
"Anak.." Paulit ulit na sinasambit ng kaniyang ina hanggang siya'y makarating sa harapan ng pintuan.
Sinalubong lamang sya ng doktor at malungkot na tumingin sa kaniya.
" H-hindi..Hindi pwede!" Mas lalong lumakas ang pagtangis ng ginang nang makita niya ang babaeng nakahiga sa kama at tinatakpan na ng kulay puting kumot.
"A-Arianna anak. Gumising ka na. Andito na si Mommy. Ha-halika na magbe-bake pa tayo ng chocolate cake na p-paborito natin diba?" Patuloy lamang ito sa pag-iyak at paghikbi. Hirap na siyang huminga dahil sa pag-iyak pero patuloy na nagsalita pa rin.
"Arianna..." Hinawakan niya ang nanlalamig na mga kamay nito saka ito paulit ulit na hinalikan.
Labis siyang nagsisisi dahil hindi nya man lang naiparamdam sa anak kung gaano niya ito kamahal.
"Anak...patawad."
~*~
Lumipas ang ilang araw at dumating na ang libing ni Arianna. Ilang mga kaibigan at kamag-anak ang dumalo pati na rin ang Doctor nito.
"Ma'am, bago mawala si Arianna ay ipinapa-bigay niya ito." Sabay abot ng doktor sa isang kahon kung saan naglalaman ng mga sulat ni Arianna.
Dumating ang libing at natapos. Umiiyak ang ina ni Arianna sa harapan ng puntod nito habang binabasa ang mga sulat. Labis siyang nagsisisi dahil sa nangyari at ipinakita niya sa kaniyang anak.
" Mommy.. " Bulong ng isang napaka-gandang tinig sa kaniyang tainga kaya't mas lalo siyang napaiyak ng maramdaman ang hangin na yumayakap sa kaniya.
"Arianna.." Mas lalong napa-iyak ang ginang dahil sa pagpapakita ng dalaga sa kaniyang harapan habang nakasuot ng kulay puting bestida.
" Mommy wag ka ng umiyak. Andito lang kami parati... Sa puso mo at hindi kami mawawala. " Nakangiting sabi nito.
" A-anak patawad. "
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad mommy. Dahil wala kang ginawang mali. At mahal na mahal kita kaya hindi ako magtatanim ng kahit anong sama ng loob sayo. Kaya ngumiti ka na mommy. Andito lang ako palagi. "
Sabi nito hanggang sa maglaho kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin.
" Mahal na mahal din kita anak. Mahal na mahal. " Isang totoong ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi at tumingin sa kulay asul na kalangitan, na nagpakita ng larawan ng kaniyang asawa at anak.
-FIN-
BINABASA MO ANG
The Daughter's Letter (SHORT STORY)
Historia CortaA daughter's message to her Mom before she died at the age of 17. Story Started: June 09, 2017. Story Ended: June 11, 2017 at 8:53pm. Highest Rank as of April, 05 2018: #92 in SHORT STORY.