"Bakit ayan??"
Anong masama sa pinili ko? Maganda naman ha?
"Ayok--"
"Ok na 'yan. Maganda naman, ikaw talaga... hanggang sa huli ba naman salungat pa 'rin kayo?"
Mabuti nga na may kakampi ako. Hohoho. Tumingin ako kay Jacob, nag-belat ako. Nag-smirk lang 'sya. Aishht. Ang gwapo!! > 3<)
Change of View: Jacob Williams
"Ayok--"
Hindi ko pa nga natatapos ang pag-ayaw ko, pinutol na agad.
Pero maganda nga naman talaga, ayaw ko lang 'nung tela. Maka mukhang mainit kasi sa katawan. Maiinitan 'sya, ayoko mangyari 'yon. At tsaka, baka mamaya nakaka-rushes pala ang tela na 'yon, mahirap na.
Tumingin 'sya sa 'kin, dinilaan ako sa ere. Ang ganda talaga, napa-smirk na lang tuloy ako sa kanya.
"Sige na, ayan na nga. Pero once na nagka-rushes ka dahil sa tela, ipapakulong ko sila."
Tumingin ako 'dun sa babae na sumasama samin at tsaka ko tinignan ng nakakatakot na tingin. Napa-atras naman 'sya. Natakot ata?
*PAAAAAAAK*
"Aray ko naman?"
Hinihimas-himas ko 'yung braso ko na tumingin kay Candice. "Nagbibiro lang naman ako. Baka kasi 'kung ano mangyari sa balat mo... sa balat ng babay ko."
Nakita ko na nag-blush 'sya, "Ang ganda talaga ng baby ko mag-blush. Haha. Sa Linggo na!" pinisil ko 'yung cheeks 'nya.
"Hijo, Linggo ngayon."
Ang epal ni Mommy. "Ibig ko sabihin, sana Linggo na ulit."
Tama kayo ng nabasa, si Mommy nga. Kasama namin 'sya ngayon na namimili. Siya kasi ang napili ni Candice. Para daw may kakampi 'sya.
=______________=
Change of View: Candice Corpuz
Mabuti na lang talaga isinama ko Mommy ni Jacob. 'kung hindi aabutin nanaman kami ng siyam-siyam bago kami matapos mamili ng mga gamit. Biglaan kasi-- biglaan sa 'kin, sila handa.
Isang taon naging kami ni Jacob. Pasalamat na lang kami na natagalan namin ang isa't isa kahit na napakarami nami'ng salungat. Pero dahil sa kanya, nakaranas ako ng mga bagay na akala ko 'nung una, hindi masaya.
Katulad ng pagturo sa 'kin ni Jacob na mag-paint, natutunan ko 'rin na ma-paint-an ng magagandang memories ang buhay ko.
Matapos ko 'sya makasama ng isang taon, naramdaman at na-realize ko na din sa sarili ko na napaka-boring pala ng buhay ko noon.
Akala ko, napaka-bongga at magara na ng buhay ko. Akala ko, perfect na ang buhay ko at lover na lang ang kulang. Akala ko, contented na ako sa buhay ko despite na lover na lang ang kulan sa buhay ko.
Ayun pala, ang boring.
'yung mga bagay na ipina-try 'nya sa 'kin na inakala ko na walang kwenta at hindi naman masayang gawin, natutunan ko na kabaliktaran naman pala 'non ang mararamdaman ko. Biglang naging challenging ang buhay ko at colorful nang makilala ko 'sya.
I learn to strive for more. Natutunan ko na humangad pa ng 'mas marami at 'mas nakaka-excite na bagay sa buhay ko.
"Hijo, Linggo ngayon."
Narinig ko na lang mula sa pagkaka-blush ko na sinasabi ng Mommy 'nya na Linggo rin ngayon.
"Ibig ko sabihin, sana Linggo na ulit."
BINABASA MO ANG
Lady Match Maker [ʜɪаτυѕ ♕ ɢ]
Non-FictionA true to life story of a gorgeous girl named Alexie (FictionName) Roendi. How sad knowing na sa dami na ng happy ending na naisulat mo, sarili mo'ng happy ending wala ka magawa?