Episode 8: RESBAK!

446 34 8
                                    


"Maymay!!! Maymay!!!"

Muntik maipit ang kamay ni Maymay sa pinto ng ref ng mabaldog niya ito pasara para lingunin ang humahangos na kaibigan papunta sa kaniya.

Nakakunot ang noo ni Edward na parang may kinakatakutan at medyo hinihingal pa, "Res...Resbak..."

"Resbak? Kelangan mo ng resbak?!" tanong ni Maymay ng may pag-aalala.

Napaisip siya kung sino ang maaring manakit kay Edward para humingi ito ng tulong para gumanti. Hindi ito mabilis magalit, at alam niyang kaibigan siya ng lahat sa building nila. Mas gusto pa nga ng mga kapitbahay si Edward kaysa sa kaniya dahil ito ay pala-bati, guwapo, at matulungin. Di tulad niya na minsan isnabera, masungit, at hindi kagandahan.

Pero kung kinakailangan nga nito ng tulong sa resbak, ay payag naman siya.

"San re-resbakan natin?!" galit na tanong ni Maymay na may paghawak pa sa magkabilang braso ni Edward.

Gulat ang mukha nito sa ekspresiyon niya, pero unti-unti rin ngumisi.

Natatawa ba ito sa mukha niya?

"Natatawa ka ba sa mukha ko? San nga re-resbakan natin?" pag-uulit ni Maymay na may kaunting inis na. Heto siyang nagmamadali ng sumugod, babagal-bagal naman yung nagyaya.

Tumuro si Edward sa direksiyon ng sofa sa sala, "Doon." Ngumiti, "Doon ako mag REST kasi ang sakit ng BACK ko!" saka ito natawa na napa-saludsod pa ang mukha sa balikat ni Maymay.

Pakiramdam ni Maymay ay nawala lahat ng lakas niya.

Pati na rin amor para sa binata.

Humahalakhak pa rin si Edward at halos naiiyak pa, "You get it, Maymay? RESBAK!!!" pinunsaan nito ang namuong luha niya. "Oh gosh, that one is gold!" at tuloy pa rin ito sa pagtawa at napayakap pa sa kaniya.

Umikot na ang mata ni Maymay na akala mo ay nasasapian ng bruha. Nawala ang itim ng mata niya at nanlalaki ang mga butas ng ilong, "Gusto mo mag-resbak...?"

Dali-daling napahiwalay si Edward sa pagkakayakap kay Maymay ng marinig ang malalim na boses nito, "Oh, no..."

Mukhang alam niya na ang susunod.

Itinaas ni Maymay ang braso niya.

Napahakbang paatras si Edward na nanlalaki ang mata, "No, Maymay. I'm sorry!"

"Resbak pala ha? O sige, you REST your BACK na, for real!"

"NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!"

"Bye..." At saka binali ni Maymay ang kaniyang braso.

BLAGAG!

Isang malakas na kalabog na akala mo ay may natumbang estante ang umalingawngaw sa loob ng apartment ng himatayin ang kawawang si Edward.

Tinitigan lang ni Maymay ang walang malay na katawan ni Edward sa kaniyang paanan, saka niya itinuloy ang pagkuha ng tubig sa ref at humakbang sa katawan patungo sa "resbak" area dapat ni Edward.

"Resbak mo mukha mo!" inis na sambit ni Maymay habang naglalakad palayo.





---

Sorry, Edward! Haha!

Bakit Hindi?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon