Episode 7: Kalamares Heart

596 43 5
                                    

"Huy, dahan dahan bai. Madami pa 'to oh."

"Nah, it's too good to go slow on this."

"Mabulunan ka sana."

"Maubusan ka sana."

"Ako bumili niyan ah."

"Ako nagluto niyan ah."

"Grabe siya oh."

"Thank you phowz."

Masarap naman talaga magpakasasa sa biyaya, lalo na't ang biyaya ay nag-anyong pagkain--masarap na pagkain--pero hindi naman siguro absuwelto ang pagiging masiba sa masarap na pagkain.

Walang nagawa si Maymay kundi irapan ang lalakeng ayaw papigil sa pagngasab sa kalamares. Siguro nga ay adventurous ang panlasa ni Edward kaya't kahit anong pagkaing Pinoy ang iuwi niya, kinikilala niya ito ng buong sigla.

Natatawa pa rin siya tuwing naaalala ang alamat ng nawawalang espasol, pati na rin ang ubos na laing at kinilaw.

Imbes na maimbyerna sa kasama, itinutok nalang ni Maymay ang atensiyon sa telebisyon na laging nakabukas tuwing kakain sila. Mas masarap kasing kumain sa sala na may TV.

"MATANGLAWIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIN!!!" sabay nilang kanta ng ipakita ang logo ng palabas.

Wala man tunog ang mga tawanan ay may nag-talsikan parin ang mga piraso ng kanin dahil sa nakabuka nilang bibig, kaya mas lalong napahampas sa tawa ang dalawa.

"Para tayong mga buang!" sigaw ni Maymay ng nahabol ang hininga, nakahawak sa tiyan na sumasakit na.

"Your fault! It was your rice!" depensa ni Edward na nililinis ang mga butil ng kanin na natapon sa aksidenteng pagkakasagi niya habang tumatawa.

Naawat lang ang hagikgikan ni Edward at Maymay ng marining ang boses ni Kuya Kim sa palabas.

"Alam niyo ba na ang pugita o octopus ay may higit sa isang puso? Ilan ang hula niyo? Hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi, tatlo! Oo, mga kaibigan, tatlo. May siyam na utak rin ito at ang kulay ng dugo nila ay asul."

"Wow."

Tila may pumitik sa kanyang mukha kaya namalayan ni Maymay na nakatulala na pala siya sa TV. Pagbaling sa harap niya, si Edward din pala. Mukhang parehong napukaw ng trivia ni Kuya Kim ang atensiyon nila.

Napatigil ng pagkain si Edward, tumingin sa mga pagkain, kinuha ang isa sa apat na natitirang piraso ng kalamares at inusog ang plato palapit kay Maymay.

"Wow. Nagtira ka pa, bai. Ano yan, I love you?" biro ni Maymay.

Napangisi ang binata, "No, I need you."

Lumaki ang mata ni Maymay at gulat na napatingin kay Edward.

At gaya ng dati, natatawa lang siya tuwing nagagawa niya ito sa dalaga dahil sa mga hirit nya.

"Chill, May. What I meant was, I need you to answer me a question."

Napahawak si Maymay sa dibdib niya at napabuntong-hininga, "About what?"

"About puso."

"Ay bushak, usapang puso. Umabot na tayo diyan, bai? Shot na ba?" tanong ni Maymay na may pagsenyales ng pag-inom ng basong may alak habang nakataas ang paa sa upuan.

Natawa lalo si Edward. "Chill, Moymoy! No, I mean, you remember what Kuya Kim said about the octopus? Pugita?"

"Oo. Pugita."

"That it has three hearts?"

At dito nagliwanag ang mata ni Maymay. Kaya naman pala usapang puso. Kala niya tuloy magha-heart-to-heart na sila ng binata. Gusto niya pa naman ng chismis ngayon.

Bakit Hindi?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon