Episode 9: How to Use

674 36 7
                                    

"Edwaaaaaaaaaaaard!!! Edwaaaaaaaaaaaard!"

Halos mabanlian si Edward ng mainit na tubig na sinasalin niya sa thermos ng marinig niya ang matinis na sigaw ni Maymay mula banyo.

Dulot na rin siguro ng pagiging kumportable sa isa't-isa, kadalasan ay nakakalimutan na ng kasama ang bilin ni Edward na ayaw niya ng maingay sa bahay, o sa katagalan, nasanay nalang siya talaga.

Si Maymay naman yun eh.

Bago pa siya maglipat ng gamit ay naabisuhan na siya ni Yong tungkol sa kapatid. Tungkol sa kasungitan at pagiging makalat nito, o ang pagiging pala-hampas, pala-tawa, pala-sigaw, at pala-kuwento nitong ugali kapag kumportable na siya sa isang tao.

At iyon naman ang Maymay na kasama niya na ngayon.

Ilang malalaking hakbang lang ang kinailangan ni Edward para marating agad ang banyo.

"What is it!?" pasigaw na tanong ni Edward kay Maymay na nakapamaywang lang sa harap ng lababo ng banyo at may hawak na bote, "I thought you flushed yourself in the toilet or something!"

Sinimangutan siya ni Maymay at kinaltukan pa ng mahina, "OA mo ha. Hindi, tignan mo kasi to."

Iniabot ni Maymay ang maliit na itim na boteng hawak niya kay Edward. Kasama ito sa isang set ng bath and skin care products na pinadala ng ate niya mula Germany para kay Maymay ng malaman nito na may babae siyang kasama sa bahay.

Alam ni Edward na malamang iba na ang konklusyon ng ate niya sa kanila ni Maymay, subalit hindi niya nalang ito pinansin. Dumami naman ang padala dahil dito, bakit kailangan itama ang hindi naman mali? Magkasama naman talaga sila sa bahay, pero ang detalye ng ginagawa nila sa loob, sa kanila nalang iyon.

"It's liquid soap, Maymay." pagka-klaro niya dito.

"Alam ko..." naiinis na depensa ni Maymay na may buntong-hininga, "Basahin mo lang yung nakasulat sa gilid!" natatawang utos nito na halos idutdot sa mukha ni Edward ang bote.

Napatingin siya kay Maymay ng mabilis, sa bote, kay Maymay, sa bote, at pabalik-balik

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Napatingin siya kay Maymay ng mabilis, sa bote, kay Maymay, sa bote, at pabalik-balik. Saka niya naramdaman ang mabilis na pag-akyat ng dugo para kulayan ang kanyang mga pisngi at tenga. Halos hindi siya makatingin kay sa babae dahil alam niyang pagtatawanan lang siya lalo nito kapag nakita siyang namumula.

Bakit ba kasi ito pinakita ni Maymay? May gusto ba siyang ipahiwatig? Sinadya ba ng kapatid niya na ito ay bilin para lang maisakatuparan ang tagpong ito?

Iniisip palang ni Edward ang gigil ng ate niya sa pagiging-Kupido ay sumasakit na ang ulo niya.

"Uh..." lang ang nasambit niya at napalunok.

Hinampas siya ni Maymay kaya napatingin siya dito.

"Ouch!"

"Huy! Bakit ka namumula? Ikaw ha!"

Mukhang kabisado niya na nga si Maymay. Pero gaano nga ba siya ka-kabisado nito?

Napalitan ng ngisi ang simangot ni Edward.

"So...you called me here because...you want me to demonstrate how to use this?" tanong niya na binasa pa ang labi kahit pinipigilan ang sariling matawa.

Dahan-dahan inabot ni Edward ang kamay ni Maymay ng hindi pinapakawalan ang titig nito. Saksi siya sa paglunok ng dalaga, at unti-unting pamumula ng mga pisngi nito.

Pero ilang segundo pa ay nararamdaman niya na rin ang panunuyo ng bibibig niya, lalo na't napapasulyap siya sa mga labi ni Maymay na kinakagat ang ilalim nito kapag kabado sa isang bagay. Mamumula nanaman ito at mas lalong magmumukhang malambot.

Nararandaman niya nanaman ang paginit ng tenga niya.

Naputol ang pag-iisip ni Edward ng bawiin ni Maymay ang tingin para hablutin ang bote mula sa kanya at ibinalik ito sa may shower rack.

Mabilis na nilihis niya rin ang tingin sa ibang bagay sa banyo para mawala ang pagkailang.

Bakit parang umasa siyang may mangyayari?

Karma. Mabilis lang siguro ang karma.

Gumagalaw sila pero parang walang gustong magsalita, kaya kinabig nalang ni Edward ang sitwasyon sa isang biro, "I really like you too, Maymay, as a friend of course, so I trust you can figure the bottle out on your own, yeah?"

"Oo naman, friend!" pasigaw na sabi ni Maymay na may American accent pa kaya't pareho silang natawa. "Bakit ka kasi dun ka nag-concentrate? Ikaw talaga! Dun ka na nga! Panira ka ng joke." at tinulak siya nito palabas ng banyo.

Ilang sandali pa siyang nakatitig sa saradong pinto at binalikan ang nangyari.

Ano yun?

Malalim na buntong-hininga nalang ang napakawalan ni Edward dahil hindi niya rin naman mawari kung ano bang kahulugan ng nangyari.

Baka naman kasi wala lang iyon talaga.

Baka gutom lang.

"Baka kailangan ko lang ng kape..." bulong niya sa sarili.

Baka nga.

Bakit Hindi?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon