Episode 3: The Lovely Bones

770 43 12
                                    


Hindi magkandarapa si Maymay sa kung ano ang uunahin mga sumusunod:

1. Ang pagubos ng bahing dahil sa alikabok na matagal niya ng allergy

2. Ang pagtakbo sa kuwarto para kunin ang inhaler dahil hinihika na siya kaka-bahing

3. Ang pagasikaso sa isang Edward na nakahandusay sa sahig


Sa mga sumunod na araw na wala ang kapatid na si Yong at ang kaibigan na si Kisses, naging maayos naman ang pagiging pagsasama ni Edward at Maymay. Bagama't hindi gaano naguusap tulad noon na may tulay pa ni Yong, walang nakikitang kamalian si Maymay sa binata upang sungitan ito tulad ng hula kapatid na iaasal niya sa kasama sa bahay.

Bagama't lalake at matalik na kaibigan ng kanilang bunso, nalaman ni Maymay na masinop pala si Edward sa gamit at organisado sa oras at mga gawain. Matapos ang naging pagpupulong nila tungkol sa arrangement sa bahay, napaisip pa si Maymay kung sino ang may-ari at sino ang nakikitira lang. Subalit wala naman siyang maireklamo dahil sa totoo lang, pinapagaan pa ng binata ang buhay niya.

Hindi tulad ng nakababatang kapatid na kailangan niyang paalalahanan sa mga responsibilidad sa bahay, may kusa si Edward at magalang pa.

Kaya naman hindi niya inasahan ang naging pangyayari.

Linggo noon, ang napagkasunduan na araw ng paglilinis. Naging abala sila pareho sa mga lumipas na araw kaya kumakapal na rin ang alikabok sa bahay. Paghuhugas ng pinggan ang kadalasang gawaing-bahay ni Maymay, subalit dahil nahihiya pa sa binata, hindi siya nakatanggi ng iminungkahi nito na siya nalang ang magpunas ng mga kasangkapan, samantalang si Edward naman sa mga aparador at bintana.

Naging payapa naman ang paglilinis ng araw na iyon. Nakikinig pa nga sila ng musika sa radyo, nang may marinig si Maymay na malakas na kalabog sa sahig matapos magtanong si Edward kung nasaan ang air freshener.

"Ano yun...HALA!"

Sa pagkagulat ni Maymay, napatakip siya ng bibig habang hawak pa rin ang basahin na ginamit na pamunas ng mga kasangkapan. Dahil dito, nagsunud-sunod ang pagbahing ni Maymay dahil sa direktang paglanghap sa alikabok. Naluluha na siya, sinisipon, at bahagyang nahirapn huminga.

Nang makabawi ang katawan, tinapik-tapik na sa mukha ni Maymay si Edward para gisingin pero hindi ito gumagalaw. Matapos ang ilan pang bahing muli, naalala rin ni Maymay na may amonia pa silang nakatago matapos himatayin din ang kaibigang si Kisses dahil sa pagkakita sa dugo mula sa sugat noon.


"Huy Edward...ano ba kasi nangyari sa'yo? Gising na..."

Matapos ang ilang segundo, nagkamalay na rin ang binata.

"What...what the hell...? Ate May?"

"Juskolord kinabahan ako sa'yo!"

Ikinurap-kurap pa ni Edward ang mata niya para mas malinaw na makita ang paligid ng manlaki ang mata nito na tila may naalala. Mabilis na nabaling ang tingin nito sa mukha ni Maymay at sa braso nito. Nagpabalik-balik ang tingin niya mula sa dalawang bahagi ng katawan ni Maymay.

"Are you alright?"

"Anong 'are you alright'? Diba dapat ikaw tinatanong ko dyan? Bigla-bigla ka nalang hinimatay, uy! Papatayin mo ako sa nerbiyos, bushak."

"Ner bi yos? Like, nerves?"

"Yeah, you know, like you're gonna killing me with nerves." Natatawang sagot ni Maymay sa binata na bahagya na ring nangingiti.

"Ah, I think I get it." Napatawa na ito ng tuluyan, lalo na ng makita si Maymay na magkakasunod na bumabahing na laging bushak ang nasasambit sa dulo.

"Ano nga?! Dahil sa'yo muntik ko na malunok yung basahan, ayan tuloy in-allergy na ako." Naiinis na sabi ni Maymay habang pinupunasan ang ilong.

"Sorry about that, Ate May. It's just that, I saw the creepiest thing ever."

"Ano yun?"

"Well, I went up to you to ask where the air freshener is. Then you pointed to the left, but your bones became dislocated!" sagot ni Edward na nanlalaki pa rin ang mata at napaupo na dahil sa pagku-kuwento.

Napaisip si Maymay sandali at inalala ang sinabi ng binata. Natawa nalang siya ng malakas, at halos gumugulong na sa sahig ng mapagtanto niya ang ibig sabihin nito.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHH! Eto ba?"

At binali ni Maymay ang parehong buto ng braso sa ere upang ipakita sa binata.

BLAGAG!

At balik sa kawalang malay ang kawawang si Edward.

"Ahhh...eto nga."

Napakamot nalang ng ulo si Maymay.




---

Weee update. :)

Bakit Hindi?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon