Episode 10: Nguso Para sa Puso

694 35 6
                                    

Nagkukusot ng mata at mabagal na tinatahak ni Edward ang sala mula kusina habang humihigop sa kanyang kape ng may pa-kandirit na Maymay ang sumalubong sa kanya mula pintuan.

"BOOM! PANIS! BOOM BOOM, PANIS PANIS!"

BUG!

Ilang buwan man ang lumipas, tila hindi pa rin matiyempuhan ni Edward ang pagdating ni Maymay. Kadalasan kasi ay hindi naman sila nag-aabot ng gising pa sa gabi dahil sa parehong abala sa trabaho at eskwela. Kung mag-abot man ay parang pusa sa gaan ng paa ang babae kaya't hindi niya natutunugan ang pagdating nito.

Maliban nalang kung may pa-grand entrance ang kasama niya, tulad ngayon.

Sa sobrang pasabog ng pagdating nito ay nagsabog rin ng tapon ang kape sa iba't-ibang bahagi ng sahig, katawan at muka ni Edward. Natulala nalang siya sa pagkagulat.

"Hi, Edward..." nanginginig, na nangingiwi na tila nahihiyang bati ni Maymay habang dahan-dahan na humakbang paatras sa binata.

Sa totoo lang ay hindi mawari ni Edward ang mararamdaman sa tagpong ito. Sa isang banda ay masaya siyang makita ang dalaga sa gising na reyalidad (hindi lang sa panaginip na tila napapadalas), subalit sa isang banda ay napapaisip din siya kung bakit kailangan laging may pagsubok bago ang ligaya. Wala bang short-cut? Yung hindi ganito kadumi at kakalat? Na-o-OC siya eh.

Napatitig nalang si Edward kay Maymay ng mariin, nagkibit-balikat at napabuntong-hininga, "Glad to see you too, Maymay."

Bago pa tuluyang kumunot ang noo ni Edward, mabilis pa sa kidlat ang pagkuha ng tissue ni Maymay at paulit-ulit rin nagpapaulan ng paumanhin sa kasama. Sa ilang buwan na pagkakasama nila ay kilala na rin naman ni Maymay ang mga timpla ni Edward.

"Grabe, sorry talaga, Edward," Ulit ni Maymay habang pinupunasan ang damit, saka ang mukha ni Edward. "Medyo mataas lang energy ngayon."

Bahagyang napatawa ang binata, "Ngayon lang?"

"Grabe naman to! Teka, wag ka malikot."

At napatigil nga si Edward.

Lumapat ng bahagya ang daliri ni Maymay sa labi niya. Tila may kuryenteng dumaloy mula labi hanggang dulo ng mga daliri niya sa paa, lalo na't naka-pokus ang dalaga sa bahagi ng mukha niyang ito na nililinis ng tissue.

Hindi napigilan ni Edward na mapalunok. Ramdam niya na talaga ang pagkauhaw ng sistema niya sa caffeine. Kung anu-ano tuloy nangyayari sa katawan niya ng dapat wala naman dahilan.

Si Maymay lang naman iyon.

Si Maymay lang iyon na kapatid ng kaibigan niyang si Yong.

Si Maymay na tinuturing niyang ate sa kanilag dalawa, kahit kadalasan ay mas bata pa sa kakulitan sa kaniya.

Si Maymay lang naman iyon na gulo-gulo ang buhok tuwing aabutan niya sa almusal, para tuloy si Sadako ang kasama niya sa hapag.

Si Maymay lang naman iyon na nakagiliwan niya ng obserbahan ang pagkisalap ng mata tuwing nagku-kuwento tungkol sa kung anu-ano, at ang magiliw na paggalaw ng kaniyang mga labi sa pagngiti, pagtawa, o kahit pagsimangot kapag inaasar niya ito.

Si Maymay lang nam-----

"Edward, favorite mo si Vice diba?"

---ay mahilig kay Vice Ganda. Nga ba? Pero anong kinalaman nun sa iniisip nya?

"Huh? What?"

"Si Vice Ganda. Paborito mo siya diba?" Diin ng tanong nito sa kaniya. "Wag ka magkaila, walang mintis yang pag-GGV mo tuwing Linggo kaya no-TV ako ng Sunday ng gabi eh! Nagre-replay ka pa diyan sa iWant TV mo. Oh ano?" May pamewang at pag-taas ng kilay na akusa sa kaniya ni Maymay.

Bakit Hindi?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon