Chapter 1

29 1 0
                                    

"Kim Taehyung!! Ano tong nasa damitan ko?!" Sigaw ko.. May roses kasi sa cabinet, eh siya lang naman nakakapasok sa kwarto ko, si mama at papa nga di nakakapasok dito.

"Mianhaeee!! Bibigay ko yan kay SooYoung mamaya! Remember? Weeksary namin!" Sabi niya mula sa baba, si mama nagtatrabaho sa malapit na shop malapit sa bahay kaya wala siya. Si papa, seaman siya.

"Woah. Ang sweet naman ng bestfriend kooo! Oy oy baka kalimutan mo na ko kasi may girlfriend ka na ah!" Sabi ko habang bumababa ng hagdan papunta sa baba.

"Syempre hindi no! Bestfriend tayo eh!" Sabi niya at umakbay sakin habang ngiting ngiti, yung rectangular smile niya.

"Hay nako, tapos ka na ba kumain? Dali may pupuntahan tayo!" Sabi ko at kinuha yung bag ko.

"Saan??" Tanong niya at sumubo nung kinakain niya kanina.

"Gala tayo! Arcade! Diba lagi tayo dun pumupunta??" Sabi ko at kinuha yung susi ng bahay, nakapagpaalam na rin naman ako kahapon kay mama kasi pinlano ko talaga na gumala kami ngayon.

"Wag na dun! Alam ko na! Isip ka lugar kung saan maganda icelebrate yung weeksary namin ni SooYoung mamaya!" Tuwang tuwa niyang sabi.

Ayaw niya ba ko makabonding? Hays. Nagpout naman ako gusto ko talaga mag arcade kasama siya. Minsan nalang kami magbonding magbestfriend eh.

"Wag ka nga mag pout diyan nanggigigil akoo sayoooo chubby chubby ng face mooo" sabi niya at kinurot yung pisngi ko. Inalis ko naman yung kamay niya.

"Hmmp. Osige na nga, pasalamat ka bestfriend kita naku. Dun kaya sa garden? Yung kung saan tayo nag fafamily picnic?" Suggest ko sa kanya. Ang ganda kaya ng lugar na yun, maraming bulaklak tapos kapag gabi ang daming bituin.

"Galing mo talaga bestfriend!" Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit!

Nang bumitaw na siya, pinakita niya sakin yung dalawang nunal niya sa braso.

"EAAAAHHH!!! Tuwang tuwa yung elephant!!" Sabi niya. Ang kulit kulit talaga nitong bestfriend ko.

"Ang cute nung elephant." Sabi ko, mukha kasi talagang elephant yung nunal niya.

"Kasing cute ko? Hahaha tara na! Para maayos natin yung romantic placeee!" Sabi niya at hinila ko papunta sa kotse niya. May student license naman siya kaya okay lang.

***

"Ang tagal naman nung mga tinawagan mo para sa lamesa at upuan." Sabi niya at nagpunas ng pawis niya.

"Wait mo lang! Parating na rin yun." Sabi ko habang naghihintay kami, nakaupo lang kami sa damuhan.

"Anong oras ba plano mo para icelebrate weeksary niyo ni SooYoung?" Tanong ko.

"Mga 7pm para sabay na rin kami magdinner! Oh diba ang romantic." Sabi niya at nag rectangular smile.

"Ma'am? Sir?" Rinig kong sabi sa entrance ng garden. Napatayo naman kami..

"Ayan na siguro, intayin mo ko dito." Sabi ko at pumunta dun sa entrance.

"Oh.. Salamat.." Sabi ko at kinuha yung lamesa at upuan na pinagrentahan namin para sa date nila Taehyung at SooYoung mamaya.

"Akin na akin na." Sabi ni Taehyung at kinuha sakin yung lamesa.

"Ikaw na dun sa upuan." Sabi ni Taehyung, sinunod ko naman siya. Kinuha ko yung dalawang upuan..

"Saan magandang pwesto?" Sabi ni Taehyung at nilapag yung lamesa sa damuhan. Nilapag ko muna din yung upuan.

"Hmm siguro dito nalang sa gilid, tapos sa gitna yung telescope." Sabi ko.

"Asan na nga pala yung telescope?" Tanong ko, di ko pa kasi nakikita yung telescope dito.

"Na kila Namjoon hyung, nasira niya kasi nung pinakita ko sa kanya, maya maya daw makakarating." Sabi niya.

"Loko talaga yun!" Sabi ko. Inayos ko na rin yung mga upuan sa gilid.

"Uy! Ano pa iniintay mo? Ayusin mo na yung lamesa!" Sabi ko at nagpunas ng pawis ko, maaraw kasi dito, pero mamayang gabi sobrang ganda maglalabasan din yung mga butterflies.

"Yieeee ang bait talaga ng bestfriend ko! Mas excited ka pa yata sakin ehhh!" Sabi niya at kinurot nanaman yung pisngi ko.

"Yieeee ampogi pogi ng bestfriend ko.. Maligo ka bago kayo mag date ah! Ang baho mo na oh!" Sabi ko at kinurot din yung pisngi niya hahaha.

"Ambaho mo na din bestfriend!" Sabi niya at tawa ng tawa.

"Ikaw lalaki ka! Kaliligo ko lang kasi kala ko kasi sa arcade tayoo!" Sabi ko at sinipa siya.

"Next time nalang bestfriend! Weeksary namin ni SooYoung eh." Sabi niya..

Simula nung naging sila di na kami masyado nakakapagbonding mag bestfriend, pero okay lang masaya naman si Taehyung eh, kasama si SooYoung.

"Oh? Bat tumahimik ka diyan?" Sabi niya at inakbayan ako. Di naman ako nagsalita.

"Nagseselos ka ba??" Tanong niya at nag killer aegyo.

"Di mo ko madadaan sa ganyan mo" sabi ko.

"Sa tingin mo? Magugustuhan kaya to ni SooYoung?" Tanong niya at tinignan yung inayos namin..

"Oo naman! Ang ganda kaya dito!" Sabi ko at tinignan din yung ginawa namin..

"TAEHYUNG-AH!" Sigaw ni Namjoon at tumakbo ng dire-diretso samin hawak hawak yung telescope.

"Oh andito ka na pala! Naayos mo?" Tanong ni Taehyung at kinuha yung telescope.

"Oo! Annyeong Jiyeon!" Sabi ni Namjoon hyung, kasama siya ni Taehyung sa boyband na sinalihan nila last month. Sabi ko nga kay Taehyung wag muna siya sumali at mag focus sa studies kaso ayaw niya talaga. Hays.

"Annyeong." Sabi ko naman.

"Sige alis na ko! May pupuntahan din kami ng girlfriend ko." Sabi ni Namjoon at tumakbo paatras.

"Annyeonggg!!" Sigaw niya habang winawagayway yung kamay at tumatakbo paatras.

"Jiyeon! Dito natin lalagay no??" Tanong ni Taehyung, tumango naman ako.

"Ayos na yan!" Sabi ko.

"Hmmmm answeet ng bestfriend ko. Labyu bestfrieeend." Sabi ni Taehyung at tumakbo palapit sakin at niyakap, niyakap ko naman siya pabalik.

"Hmmm ambaho talaga ng bestfriend ko! Labyu too bestfrieeend!" Sabi ko.

"Maliligo na nga ko! Daliii!!" Sabi niya at tumakbo papuntang kotse, sinundan ko naman siya.. Hayy, Taehyung talaga.

***

7:30pm..

Andito ako sa halamanan nagtatago, si Taehyung naman nakaupo na, si SooYoung wala pa. Hawak hawak naman ni Taehyung yung roses na nasa cabinet ko kanina.

Ang gwapo talaga ng bestfriend ko, nakapangformal na damit pa. Nakaupo lang ako dito sa halamanan, pinapanood kung anong mangyayari, pero aalis na rin ako pag dumating si SooYoung.

7:45pm na rin, nang biglang may tumawag sa phone ni Taehyung. Ako naman nakatingin lang sa kanya. Ang lungkot niya, bakit kaya?

Binaba niya na rin yung tawag at sumenyas na lumabas ako.

"Bakit??" Tanong ko at tumayo.

"Hindi raw siya makakarating."

Best Friend | cz. Taehyung |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon