Chapter 4

15 1 0
                                    

"SooYoung!"

Napalingon naman kami kay Taehyung.. Si SooYoung naman todo ngiti kay Taehyung at niyakap agad.

"Oh? Paano mo nalaman na andito bahay namin??" Tanong ni Taehyung. 'Namin' kasi parang kanya na rin to dahil lagi siya andito.

"Ayaw mo bang andito ako?" Tanong ni SooYoung at nag pout, umalis ako sa harap nila at umupo sa sala. Pinapasok naman ni Taehyung yung GIRLFRIEND niya.

"Umupo ka muna, kumakain kami ni Jiyeon ng popcorn." Sabi ni Taehyung at nilapag sa kusina yung binili niyang popcorn at tumabi kay SooYoung at inakbayan.

Excuse me? Bahay namin to. Nakikituloy lang sila, pero okay lang kay Taehyung kasi bestfriend ko naman siya eh. Si SooYoung.. Girlfriend niya. Hayssss.

"Taehyung, wag kayong magkalat diyan ah, aakyat lang ako sa kwarto." Sabi ko at dumiretso sa hagdan. Tumingin naman si SooYoung sakin at dinilaan ako. Iniwasan ko nalang ng tingin hays.

Pagpasok ko sa kwarto agad ako humiga.

Sabihin ko kaya kay Taehyung yung sinabi sakin ni SooYoung? Wag na siguro kasi girlfriend na yun at mahal niya si SooYoung. Bahala na nga.

Di ko namalayan, kakaisip sa mga bagay bagay nakatulog na rin ako..

***

Nagising ako dahil sa sikat ng araw.. Hayys anong araw na ba ngayon?

Monday.. wait.. MONDAY?! First day of class!!! Tinignan ko naman yung orasan 12pm na! YARI AKO.

Agad naman ako bumaba at nakita ko si Taehyung na kumakain WTF?!

"Taehyung-ah! Bakit ka andito?!" Sigaw ko at nagmamadaling pumunta sa banyo at nagsipilyo..

"Wae? Goodafternoon!" Sabi niya, di naman ako makasagot kasi nagsisipilyo ako.. Wag niyo sabihing nakalimutan rin niya na may pasok?! Haysss!!

Pagtapos ko magsipilyo agad ako umakyat sa kwarto, rinig ko pang tinawag ako ni Taehyung.

"Jiyeon! Yah! Bat ka ba nagmamadali?" Sabi niya at sumunod sa kwarto..

"Yah! May pasok Monday ngayon! Alis ka muna magbibihis ako." Sabi ko at sinara yung pintuan sa kwarto nakita ko pang nabitawan niya yung sandwich sa lapag jusko.

Agad naman ako nagbihis, pagbukas ko ng pinto nakita ko naman si Taehyung na nasa labas ng kwarto ko at nagmamadaling pumasok.

"Yah! Ano ginagawa mo diyan! Late na tayo oh?!" Sabi ko.

"Wala pa kong uniform! Pahiram ng sayo!" Sigaw niya.

"Dodaeche mwoya?! (What the hell?!) pambabae yun!" Sabi ko at sinilip yung hinahanap niya sa cabinet ko.

"Nongdam! (Joke!) yung uniform ko last year! Eto! Yah! Ano pa iniintay mo diyan? Gusto mo ba ko makita magbihis ha bestfriennddd?" Sabi niya, sinara ko naman agad yung pinto ng kwarto.

Ano bang sinasabi niya? Jusko. Pagbihis niya, agad ko naman siya hinila papunta sa kotse niya dala dala ko na rin yung bag ko.

"Yung susi nakalimutan natin sa bahay!" Sabi niya at tumakbo papunta sa bahay, pagbalik niya binuksan niya na yung kotse sumakay naman ako. Agad niya naman pinaandar yung sasakyan.

***

Andito kami sa labas ng classrooms, hinahanap yung classroom namin buti parehas kami!

Best Friend | cz. Taehyung |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon