Chapter 2

19 1 0
                                    

"Hindi raw siya makakarating" sabi niya, halatang disappoint na disappoint siya pero ayoko naman nun.

"Alam ko na!" Sabi ko at ngumiti.

"Ano naman?" Tanong niya at tumingin sakin.

"Ako nalang kakain nitong pagkain!" Sabi ko at umupo sa kung saan siya nakaupo kanina at kinain yung pagkain, nagugutom na rin ako.

Umupo naman siya sa harap ko..

"Hmmmm!! Ang swerte ko talaga bestfriend kita! Lagi mo talaga ko napapangiti." Sabi niya at ginulo yung buhok ko, ngumiti nalang ako di ako makapagsalita kasi may pagkain sa bibig ko.

"SHOOTING STAR!" Sigaw ni Taehyung nang makakita siya, nagkatinginan naman kami at tumakbo sa telescope, dating gawi namin nung mga bata pa kami.

"Ako muna sisilip!" Sabi ko nang malunok ko na yung kinakain ko at sumilip.

"Ako munaaa." Sabi niya at nagpout.

"Wait hinahanap ko kung saan banda yun eh." Sabi ko at nilingon lingon yung telescope.

"Ako ngaaa ayun ohh." Sabi niya at kinuha yung telescope sakin.

"Nakita mo??" Tanong ko habang nakasilip siya sa telescope.

"Oo ayun ayun!!! Lika dito!" Sabi niya habang nakangiti, lumapit naman ako. Binigay niya sakin yung telescope. Sumilip naman ako dun.

"Woah. Ang ganda." Sabi ko, parang star gazing.

"Buti ka pa andito lagi sa tabi ko, si SooYoung wala." Sabi niya at nalungkot nanaman.

"Ano ka ba! Tignan mo nalang yung mga bituin tignan mo tuloy tuloy, star gazing." Sabi ko at binigay sa kanya yung telescope.

"Ang ganda.. Pero mas maganda kung andito-"

"Ako naman!" Sabi ko at pinutol yung sasabihin niya, ayokong malungkot siya ngayong gabi no.

Habang tumitingin ako sa star gazing, ang galing nga eh. Nang biglang may magpahid sakin sa mukha. Nababa ko naman yung telescope na hawak ko.

"Ice cream?!" Sabi ko at kumuha rin ng ice cream sa lamesa.. Hmmm ganun pala gusto niya ha.

"Eto sayoooo!!" Sabi ko at pinahidan siya ng ice cream sa ilong. Hahaha ang cuteee.

"Ikaw din!" Sabi niya pero tumakbo ako.

"Loko kang babae kaaa halika ritoooo!!" Sabi niya at hinahabol ako, ako naman tawa ng tawa.

"Ikaw naman nauna mamahid ah!" Sabi ko at tumawa.

"Grrrrr" sabi niya at mas binilisan yung takbo, di nagtagal naramdaman kong may yumakap sakin. Si Taehyung.

"Huli ka!" Sabi niya at pinahidan ako sa mukha, hingal na hingal naman kaming dalawa kakatakbo..

Napahiga kami sa damong dalawa at pinagmamasdan yung bituin.

"Ang ganda no?" Sabi niya habang hinahabol yung hininga niya at hinila ako, nakahiga na ako ngayon sa balikat niya.

"Oo nga eh." Sabi ko. Pinahidan niya naman ako ng ice cream sa mukha.

"Ayoko naaa pagod na ko." Sabi ko at di na gumanti sa kanya, tumayo naman siya.

"Halika naaaaa kain na tayo! Lalamig pagkain!" Sabi niya at hinila ako patayo.

Nakaupo naman na kami dito at kumakain.

"Favorite natin to diba?" Sabi ko at kumain. Tumango naman siya at kumain din.. Tahimik kaming kumakain, natural na samin to. Busy sa pagkain.

"Alam mo ba.. Kahapon excited na excited din si SooYoung sa date namin dapat ngayon.." Sabi niya at kumagat ng manok ako naman nakikinig lang at kumakain.

Best Friend | cz. Taehyung |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon