Chapter 9

21 1 0
                                    

WTF. NO!

Napatingin naman ako kay Taehyung agad naman siya tumayo sa upuan niya at umakyat sa stage.

"Wow. Mukhang ready na ready si Taehyung oh! Ang birthday girl natin??" Sabi nung epal na MC

Tumingin naman si Taehyung sakin at sumenyas na lumapit na sakin. Tumayo naman ako at sinunod siya. Ewan ko ba! Pero nahyhypnotize niya ko palagi HAYSSS.

Inabot naman nung epal na MC yung Pepero kay Taehyung, inangat niya naman yun, nagsigawan naman yung mga tao. Ano ba tong pinaggagagawa samin (>~<)

Tinignan ko si SooYoung.. Tahimik lang siyang nakatingin samin. Nagalala naman ako bigla.

"Taeh-"

Nagulat ako ng bigla niya kong hilahin at isubo sakin yung pepero na subo subo niya na pala.

Eye contacting.. Yan ang ginagawa namin ngayon pero ngumiti lang siya habang subo niya yung dulo ng Pepero.

Sinimulan niya ng kagatin yung Pepero kaya ginaya ko siya. Hiyawan naman ng hiyawan yung mga tao. Yung puso ko naman kanina pa talon ng talon sa kaba.

Kumagat ulit siya, kinagat ko naman yung isang dulo na subo ko.

Paliit na rin ng paliit yung Pepero.. Hindi ko gagawin. Bumitaw ako sa Pepero habang siya subo niya pa rin.

Kinuha niya na rin yung Pepero sa bibig niya at itinaas ulit. Hiyawan nanaman mga tao. Di pa pala nila alam lahat na may girlfriend na si Taehyung.

"Wow wow wow.. Ang galing naman ng magbestfriend! Sino pang gusto magtry????" Tanong ng MC, lalo naman umingay mga tao..

Si Taehyung naman bumaba na sa stage habang hawak hawak yung Pepero na kinain namin kanina. Ako naman umupo na sa upuan ko.

Phew. Kahit tapos na yung game, ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Bakit ba ko nagkakaganito?

Hindi ko naman siya gusto di'ba?

Hinanap ko naman ang tingin ko kay SooYoung.. Katabi niya pala si Taehyung na...

Nakaakbay sa kanya.

Teka.. Bakit ba ko nalulungkot?

Hindi naman ako nagseselos di'ba?

---

Hayyy kapagod. Nakahiga ako ngayon sa kama ko.. Hindi dumiretso si Taehyung sa bahay namin eh. May pupuntahan daw kasi sila ni SooYoung.

Tsaka kanina..

Tuwing tumitingin ako sa kanila, may nararamdaman akong nakikipagkumpitensya kay SooYoung.

Kahit hindi naman! Kasi girlfriend siya ni Taehyung!

At ako.. Bestfriend niya.

Kung hindi naman ako nagseselos hindi naman ako nasasaktan di'ba?

Pero..

Taehyung's POV

YOW WATSUP YOW! Annyeonghaseyo Taehyung imnidaaa~ first time ko mag POV! YAHOWZxC! Buti nalang wala si RM ngayon at baka sabihan rin akong walang jams tulad kay Jimin hyung.

By the way, Birthday ngayon ni Yeonyeon!

Nagkukwentuhan lang kami ni SooYoung, magkatabi kasi kami. Di kami masyado nanonood kasi puro palaro palang naman.

"Nado sar-" hindi natuloy ni SooYoung yung sinasabi niya nang bigla akong tapatan ng spotlight.

Tumibok naman agad puso ko ng sobrang bilis. Feeling ko kasi nahuli ako ng prof namin na nakikipagdaldalan o kumokopya WAAAHHH.

Napansin kong si Yeonyeon din natapatan ng spotlight at halatang gulat din siya.

"Pepero game daw." Bulong ni SooYoung, tumayo naman ako sa kinauupuan ko at umakyat sa stage.

"Wow. Mukhang ready na ready si Taehyung oh! Ang birthday girl natin??" Sabi nung epal na MC.. May sasabihin na si SooYoung kanina, PANIRA. Grrrrr gigil niyo si akoooooo *insert rectangular smile*

Sumenyas naman ako kay Yeonyeon na tumayo, napasarap yata upo ng bestfriend ko hahaha.

Sinubo ko naman yung dulo ng Pepero na inaabot sakin nung MC, inangat ko rin yung Pepero na hawak ko.

Hinila ko na rin si Yeonyeon na isubo yung kabilang dulo ng Pepero nakatingin kasi sa iba eh.

Nginitian ko lang siya at kinagat yung Pepero. Piece of cake. Lagi kaya namin ito ginagawa ni SooYoung pag wala kami ginagawa. Bonding namin.

Kinagat na rin ni Yeonyeon yung kabilang Pepero, nabibingi ako sa hiyawan ng mga tao pero hinayaan ko lang sila para matapos agad yung game na ito.

Habang paliit ng paliit yung Pepero, bumibilis tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Hinihingal lang siguro ako kasi naglakad ako papuntang stage.

Bumitaw naman si Yeonyeon sa Pepero nung malapit na. Phew. Kinabahan din ako dun ah.

Kinabahan?? Wait. Mali mali, hiningal.. Typo si author.

(Wag kayo maniwala kay Taehyung. HINDI TYPO YUN. - Author)

Nevermind. Tinaas ko naman ulit yung Pepero na natira at bumalik sa pwesto ko at tinabihan si SooYoung.

"Tumibok ba ng mab-"

"Aniyo! (No!)" agad kong sagot sa kanya.

"Gwaenchanha. (Okay.)" sabi niya. Hmmm nagseselos ang girlfriend ko. Ang cute lang. 🐯

"Babyyyy" kulit ko sa kanya. Lumingon naman siya sakin.

"Ano baaa?" Tanong niya na may pagkairita. Girlfriend ko talaga.

"Ocean Park tayo pag tapos ng celebration." Aya ko sa kanya. Yung irita niya napalitan naman agad ng kumikinang na mata.

Lumapit naman siya sakin at bumulong..

"Sure baby" bulong niya, agad naman ako napangiti.

Hayy.. Gusto ko rin kasi siya makabonding.. I miss her kahit lagi kami magkasama. Sobrang miss ko siya, si SooYoung.

Magpapaalam nalang ako kila Yeonyeon mamaya na di ako makakapunta sa bahay nila mamaya.

Excited na ko makabonding siyaaa!!

"Ano nga pala ulit sasabihin mo baby kanina?" Tanong ko nang maalala ko.

"Nan neol neomu sarang. (I love you so much.)" sabi niya at ngumiti..

Napangiti din ako at niyakap siya.

Di ko talaga alam pero kahit nasa tabi ko lang siya, miss na miss ko siya.

Jiyeon's POV

Nasasaktan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best Friend | cz. Taehyung |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon