Chapter 5

19 1 0
                                    

"Taehyung ah!" Sigaw ko ng makita kong pumasok na sa pinto ng classroom si Taehyung.. Hindi naman siya nagiisa.

"Yeonyeon! Kaklase pala natin si SooYoung!" Tuwang tuwang sabi ni Taehyung with rectangular smile. Hayy.

***

Magkasabay kami ni Taehyung with SooYoung lumabas ng classroom.

"Ahh.. Yeonyeon." Tawag sakin ni Taehyung.

"Wae? (Why?)" tanong ko.

"Ihahatid ko kasi sa bahay si SooYoung, pwede ikaw muna umuwi magisa?" Tanong niya.

Eto ang first time na hindi kami sabay umuwi. Di bale na nga.

"Sige haha. Ingat kayo." Sabi ko, niyakap niya naman agad ako, umirap naman si SooYoung sakin psh. Kumalas na rin sa yakap si Taehyung.

"Ingat ka din bestfriend! Mauna na kami." Sabi ni Taehyung at inakbayan si SooYoung.

"Annyeong!" Sabi ko, di na rin sumagot si Taehyung. Sa ibang direksyon naman ako bumaba.

***

Dumaan naman muna ako sa shop nila mama bago umuwi..

"Ma!" Sigaw ko nang makita ko siya, napalingon naman si mama sakin at lumapit.

"Oh anak? Asan si Taehyung?" Tanong ni mama at chineck kung kasama ko si Taehyung hayys.

"Ay ma, si Taehyung? Naku pumapagibig. Kamusta po kayo dito ma? Di na po tayo madalas nagkikita." Sabi ko.. Pinaupo naman ako ni mama sa isang lamesa dun.

"Pasensya na anak ha. Kailangan ko kasi magipon para may makain tayo, ang papa mo naman di masyado nagpapadala." Sabi ni mama.

"Okay lang ma, wag lang po kayo magpapakapagod ng sobra ha?" Sabi ko at niyakap si mama. Miss na miss ko na talaga siya. Umaga kasi siya umaalis gabing gabi na rin umuwi.

"Salamat nak. Ay eto nga pala yung anak ko oh!" Sabi ni mama sa mga katrabaho niya.

"Wow mare, dalaga na pala anak mo ang ganda pa. Pasalihin mo sa binibining pilipinas." Sabi nung isa.

"Nakuu ikaw Yeonyeon ha, wag ka muna magpapaligaw. Pero.." Tumigil naman sa pagsasalita si mama.

"Bakit ma?" Tanong ko. Bumulong naman si mama sakin.

"Bet ko yung bestfriend mo para sayo." Bulong ni mama.

"Ma!" Sabi ko. Lagi nalang ganyan si mama, lagi kami inaasar tsk pati sila tita eh, yung mama ni Taehyung.

"O siya sige na, back to work na ko. Ikaw? Wala ka bang assignment? First day of class niyo ngayon ah." Sabi ni mama.

"Nalate nga po ako. Pero promise ko ma di na ko malelate bukas haha sige ma mauna na rin po ako gagawa pa po ako assignment." Sabi ko kay mama.

"Loko ka talagang bata ka. O siya sige, ingat ka nak. Annyeong." Sabi ni mama at hinatid ako sa pinto ng shop.

"Thanks ma. Annyeong." Sabi ko naman at dumiretso na umuwi..

Paguwi ko sa bahay, dumiretso naman ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.. Sakto nakareceive naman ako ng text.

Yeonyeon ah! Asan ka? --- Taehyung

Nagreply naman ako.

Sa bahay bestfriendd wae? (Why?) --- Jiyeon

Nagreply naman agad siya.

Gala tayoooo!! Kasama ko si SooYoung, naisipan namin gumala, siya pa nagrequest na sumama ka eh. --- Taehyung

Hays. That name again..

Best Friend | cz. Taehyung |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon