Chapter 7

13 1 0
                                    

"P-papa?"

"Ano po ginagawa niyo dito?" Tanong ko kaagad.

"Pasensya na anak, hindi talaga ako nagaabroad. Wag na wag mo sasabihin sa mama mo ha." Sabi ni papa.

"Pero pa, saan ka naman tumutuloy?" Tanong ko, may lumapit naman kay papa na sales lady.

"Honey." Tawag nung babae sa kanya.

Kahit hindi sumagot si papa, alam ko na ang sagot. Umalis ako, sumunod naman si SooYoung sakin. Hindi ko mapigilang lumuha sa nakita ko.

"Yeon, okay ka lang? Gusto mo sa susunod nalang tayo bumili?" Tanong ni SooYoung pero humindi ako at ngumiti sa harap niya, pero di pa rin mapigil tumulo yung luha ko.

"Hindi, hindi. Bili na tayo, andito na tayo eh." Sabi ko, nagaalinlangan naman siya kasi bigla ako umiyak.

"Wag ka na magalala sakin naku. Lika na." Sabi ko at hinila siya sa mga tindahan ng damit.

---

Hayy kapagod. Nakakapagod, masaya na malungkot. Naalala ko nanaman si papa.

"Yeonyeonnnn!!!" Bungad sakin ni Taehyung sa bahay. Andito nanaman pala siya... Pati si.. Mama.

"Annyeong. Oh ma, aga niyo naman po umuwi ngayon." Sabi ko at nagmano.

"Maaga kami pinauwi nak eh, naikwento rin sakin ni V na muse ka daw? Ganda ganda talaga ng anak ko, mana sa nanay." Sabi ni mama.

"Yieeee syempre ma. Mana mana lang yan di'ba?" Sabi ko, sumilip naman si mama sa likod ko, kasama ko pala si SooYoung.

"Ay ma si S-"

"Girlfriend ko po tita." Proud na sabi ni Taehyung at inakbayan si SooYoung. Huuuu atmosphere.

"Oh. Congrats, alam na ba ng parents niyo yan?" Tanong ni mama.

"Alam na po ni mama, tita. Pinakilala ko na po si SooYoung sa kanila. Ikaw baby?" Tanong ni Taehyung kay SooYoung. Di naman sumagot si SooYoung.

"Nako iha, dapat alam yan ng parents mo baka yan pa makasira ng pinagsasamahan niyong yan ni V." Sabi ni Mama.

"O siya sige, aakyat muna ko sa taas para makapagayos at makapagpahinga." Sabi ni mama at umakyat sa taas.

Silence.

"Baby, pakilala mo na ko sa parents mo." Sabi ni Taehyung.

"Alam mo naman baby na bawal pa ko di'ba? Buti nga sinagot pa kita eh." Sabi ni SooYoung. Parang iba ang dating sakin nung sinabi niya.

"Mianhae (sorry) baby. Sige sa susunod nalang." Sabi ni Taehyung, ako naman nakaharap lang sa kanila. Pinapanood yung kacheesyhan nila hahaha.

"Mianhae (sorry) Yeonyeon ah. Ganito talaga kami ng baby SooYoung ko." Sabi ni Taehyung at nagsmile. Huuuu cute.

"Tama na nga kacheesyhan niyo, nakakabitter." Sabi ko at kumuha ng cookies sa ref na gawa ko nung bored ako. Di ko nga alam kung pwede pa ba to o hindi na.

"Ay kamo kanina baby, yang bestfriend mo kanina sa mall-" napatigil si SooYoung nang magsalita ako.

"Dami ko kaya napamili. Binilhan nga pala kita." Sabi ko at binigay sa kanya yung pinamili ko sa kanya, para naman siyang excited na bata.

"Kamsahamnida (thank you)!!!!" Sabi ni Taehyung at binuksan yung paper bag na binigay ko.

Halata namang shock na shock siya sa nakikita niya. Kami naman ni SooYoung natatawa hahahaha

"B-brief?" Gulat na sabi niya.

"Ne. (Yes) kasya naman siguro-"

"Dapat kay Kookie to!" Sabi ni Taehyung habang tinititigan yung brief na may nakaprint na BTS, name ng boyband nila Namjoon hyung.

"Butas yung brief niya eh. Sa kanya nalang!" Sabi ni Taehyung.

"Ginamit yun ni Yoongi di'ba?" Sabi ko. Si SooYoung naman nakatingin lang samin. Sila Yoongi at Jungkook or Kookie, kasama rin sila sa boyband nila Taehyung na BTS.

"Oh baby? Wag ka magalala papakilala rin kita next time sa boyband ko" sabi ni Taehyung at nagrectangular smile.

"May boyband ka pala?" Tanong ni SooYoung.. Wag niya sabihing di niya alam-

"Ne. (Yes)" sabi ni Taehyung.

"Bat hindi ko alam?" Tanong ni SooYoung. Woah woah woah.

"Di ka naman nagtatanong." Sabi ni Taehyung. Now burn baby burn? Joke lang.

"Ako ang girlfriend mo, dapat di'ba alam ko yung mga ganung bagay?" Sabi ni SooYoung. Umalis na rin ako sa harapan nila at kumuha pa ng cookies sa ref.

"Yeah yeah, whatever."

Nabuga ko naman yung kinakain kong cookies.

"Yah!" Sigaw ko.

"Wae? (Why?)" tanong ni Taehyung.

"YEAH YEAH, WHATEVER." Gaya ko sa kanya.

"Nga pala bestfriend." Sabi ni Taehyung, napatingin naman ako sa kanya, habang inaayos ko yung nabuga kong cookies kanina.

"Bat namumula yang mata mo?" Tanong niya at lumapit sakin at tinignan yung mata ko.

"W-wala yan" sabi ko. Lumapit naman si SooYoung samin at hinila si Taehyung palayo sakin.

"Sigurado ka? Kanina ko pa napapansin yan eh." Sabi ni Taehyung at lalapit sana sakin pero agad lumapit si SooYoung sakin at tinignan yung mata ko.

"Yan.. Bat ka kasi umi-" di natuloy sinasabi ni SooYoung nang magsalita si Taehyung.

"Huh?! Bat ka umiyak yeonyeon?? Sino nagpaiyak sayo?!" Nagaalalang tanong ni Taehyung sakin at lumapit.

"Wala nga, teka aayusin ko lang pinamili ko." Sabi ko at kinuha yung mga pinamili ko nang matapon ko na yung cookies na nililinis ko kanina.

Habang nagtitingin kami ni SooYoung, nakatingin lang si Taehyung sakin. Problema nito?

"Taehyung ah! Kanina ka pa." Sabi ko nang mahuli ko siyang nakatingin sakin.

"Wae? (Why?)" tanong niya.

"Tss, kanina mo pa kami tinitignan. Gusto mo rin ba tong ladybug fairy dress?" Tanong ko, susuotin ko kasi to sa talent portion ng contest.

"Ne! (Yes!)" tuwang tuwa na sabi niya, huuuu di na ko magtataka lagi ring game tong bestfriend ko eh. Kinuha niya na rin yung damit.

"Seryoso ba siya?" Bulong ni SooYoung habang nagsusuot ng damit si Taehyung sa banyo.

"Ne. (Yes.) tignan nalang natin" sabi ko at tumawa.

"Tsaraaaaannnn!!!!" Sigaw ni Taehyung nang makalabas siya. Agad naman kaming tumawa ng pagkalakas lakas ni SooYoung dito nang makita namin siya.

"Huuuuu!!! Mas bagay pa sayo Taehyung ah!" Sabi ko at pumalakpak hahaha.

"Ganda ng baby ko ah" sabi naman ni SooYoung at tumawa.

"Ting ting ting ting!" Sigaw ni Taehyung habang may hawak na wand.

"Shhh wag kayo masyadong maingay may nagpapahinga." Sabi ni mama mula sa taas at sumilip samin.

"Kinabog mo pa ko V." Sabi ni mama at bumalik sa pagtulog, napatawa naman kami. Totoo naman, mapababae o lalaki ang bestfriend ko maganda o gwapo pa rin siya. Mas mukha pa siyang babae sakin huhu.

Naalala ko nanaman si papa. Sasabihin ko ba kay mama?

May part sakin na pumapayag na sabihin ko kay mama, pero may part rin sakin na hindi dahil baka masaktan si mama.

Pero sana kahit malaman ni mama ang katotohanan, walang magbabago.

Sana siya pa rin yung mama ko na masayahin.

Best Friend | cz. Taehyung |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon