"Anong balita Nobu? Nakakalap ka na ba ng dalawa pa na may kakayahan na maging sunod na mandirigma ng Jumon?"
"Hindi pa Dilan..."wika ng mongheng mangkukulam na si Nobu isa sa nangangahas na tumawag ng Dilan sa emperador kahit na ba ayos lamang dito na huwag tawagin sa titulo.
Pito na kasi sila kasama si Emperador Dilan at si Nobu sa mandirigma ng Jumon kaya kulang pa sila ng dalawa na lang.
"Mas maigi kung makakahanap pa tayo ng dalawa pa sa ibang mga araw~~"
Natigil si Emperador Dilan sa pagsasalita nang may umagaw ng atensyon nila. Isang babaeng nagwawala.
"Ano ba bitawan nyo nga ako! Sasamain kayo sa akin!"
Napatingin si Emperador Dilan at ang ngayon ay kanang kamay niya na si Nobu sa bulwagan ng silid ng trono ng emperador.
Sa magkabilang braso ay hawak ng dalawang kawal ang isang babae na may kulay abong buhok. Nakasuot siya ng baluti na para sa isang mandirigma lamang.
"Hindi po taga palasyo ang babaeng ito Emperador Dilan.."
"Napakakulit ho ng lahi ng mangkukulam na ito nag-aambisyon ho siyang maging mandirigma ng palasyo eh mukha naman hong lampa."
"Hindi ako lampa! Baka gusto nyong hindi na magisnan ang bukas!"iwinaksi noong babae ang dalawang kawal,nagawa naman niyang makawala sa mga ito.
"Ano ang pangalan mo Binibini?"wika ni Emperador Dilan na nakapagpabaling sa lahat ng mga ito sa emperador.
Lumuhod ang babae ng tila sa isang kabalyero.
"Katsumi mahal na emperador.."yumukod pa ang babae.
"Katsumi...Katsumi...a victorious beauty.."
Nangunot ang noo ng binibini sa sinabi ng emperador na tila hindi ito naintindihan. Pati iyong pagbanggit nito sa pangalan niya ay wari niya ba ay tila ninanamnam nito.
Ngisi naman ang isinagot ni Emperador Dilan dito.
"Mula ngayon ay isa ka na sa mga mandirigma ng palasyo ng Jumon Katsumi..."
BINABASA MO ANG
Muryou:Jumon Emperor
AdventureIsang hamak na mandirigmang mangkukulam na nagmana ng trono bilang emperador ng Emperyo ng Jumon.. The red hair drop dead hot emperor.. ..Emperor Dilan..