"Katsumi,anong gusto mong maging?"
"Gusto kong maging katulad mo kuya ko,isang matapang at makisig na mangkukulam!"
"Hahaha,tama na iyong matapang pero hindi iyong makisig. Babae ka kapatid ko,isang magandang babae."naaaliw na ginulo ni kuya ang buhok kong gulo naman talaga dahil tamad akong magsuklay.
Napalabi ako. Gusto kong maging katulad niya. Idolo ko siya. Siya na ang tumayong nanay at tatay namin ni Kanari.
Nang biglang may malaking palaka ang lumitaw sa likod ni kuya higit pa ang laki kaysa sa amin. Nanlaki ang mata ko sa takot. Sa lahat ng hayop ang pinaka-ayaw ko ay ang palaka,may takot kasi ako doon. Noong bata kasi ako ay nagpunta ako sa gubat kakatapos lamang umulan noon lingid sa akin na madaming palaka sa lugar na iyon. May isang palaka na tumalon sa akin kaya napaupo ako sa damuhan na maputik na din mula sa ulan hanggang sa dumami na ang palaka na tumalon sa akin na napahiga na ako. Panay ang hiyaw at iyak ko na nawalan na ako ng malay. Maliliit lang iyong palaka tapos heto ngayon at may higanteng palaka sa harapan namin ngayon. Inilabas noong palaka ang mahaba niyang dila.
"K~uya.."
Sinaklop ng dila ng palaka si kuya. Pumulupot sa katawan ni kuya ang dila ng palaka at iniangat siya sa ere.
"Kuya!!"
"Katsumi!"hiyaw ni kuya ang huli kong nadinig bago siya nilamon ng higanteng palaka.
"Katsumi!!"
Teka bakit parang may natawag sa akin eh nilamon na nga ng palaka si kuya? Nagsasalita ba iyong palaka?
"Katsumi!!!"
Pero hindi naman bumubuka ang bibig nito maliban sa nakakatakot nitong kokak.
"Hoy pangahas hahalikan na kita kapag hindi ka pa gumising dyan!"
Pangahas? Hahalikan?
Biglang nanayo ang balahibo ko at tila nawala ang imahe ng higanteng palaka sa harapan ko at napalitan ng imahe ng isang mayabang na nilalang..
Napabalikwas ako ng bangon.
"Aw! Ang sakit noon ha!"
"Damn you woman! Hit anything but my handsome face!!"
Sabay naming bulalas ni Emperador Dilan habang parehas kaming nakahawak sa noo namin.
Ang sakit ng pagkakaumpugan namin ha!
Saka ano ba iyong sinabi niya? Isa ba iyong salamangka sa isang lumang libro? Hindi ko kasi maintindihan.
"Bakit basta ka na lang bumabangon ng walang pasabi! Magkakabukol pa ako sa'yo! Tang ina madudungisan ang kagwapuhan ko noon!"
"Ang yabang nyo po talaga ano? Bakit po ba kasi pasok kayo ng pasok basta dito sa kwarto ko?!"hindi ko na napigilan na mainis. Masakit nga din kasi talaga sa noo.
"Itinatanong mo ba sa akin iyan?? Ako ang emperador,akin itong palasyo,kaya lahat din ng silid dito ay sa akin!"
"Ganoon? Sana hindi ka na lang naging emperador.."bulong na iyong huli kong sinabi.
"Anong sabi mo?!"
"Wala po,ang sabi ko bakit po ba kayo nandito?"
"Hinihintay ko kung may balak ka pang gumising,eh parang wala kaya ipinasya ko ng gisingin ka."
Bigla kong naalala ang nangyari.
"Ang laban namin ni Mio!"namilog ang mata ko.
"Natalo ka. Nawalan ka ng malay matapos mong sugatan ang sarili mo. Hindi mo ba naaalala?"
BINABASA MO ANG
Muryou:Jumon Emperor
AdventureIsang hamak na mandirigmang mangkukulam na nagmana ng trono bilang emperador ng Emperyo ng Jumon.. The red hair drop dead hot emperor.. ..Emperor Dilan..