Nandito kami ngayon sa kakahuyan hindi kalayuan sa palasyo. Dito ko gaganapin ang pagsubok ni Katsumi saksi ang mga mandirigma.
Hindi ko maiwasan na mapakunot ang noo noong dumating si pangahas.
Babae ba talaga siya? Pang lalaki kasi iyong damit niya tapos ang luwag pa. Para siyang hanger. Tapos iyong buhok niya nakapuyod in a bun style may headband pa siya na katulad ng sa mga ninja. Nakakairita na nga iyong suot at hitsura niya lalo na kapag umimik pa siya,pangahas talaga.
Tingnan ko na lang kung hanggang saan iyong tapang niya.
"Simulan na natin ang pagsubok mo. Haharapin mo ang mga mandirigma ng Jumon."
Nakita ko na napalunok siya kaya napangisi ako.
"Ano sabihin mo kung umuurong ka na madali lang naman akong kausap."
"Walang makakahadlang sa pagiging mandirigma ko ng Jumon kahit ikaw pa emperador Dilan. Siguro naman po ay mayroon kayong isang salita?"taas noong wika niya sa akin.
Her confident irritates me. Balewala ko siyang tiningnan at binalingan na si Nobu.
"Ipaliwanag mo na sa pangahas na ito ang patakaran at ang magiging pagsubok niya.."tumango naman siya sa akin.
"Susubukin namin ang kakayahan mong mag-isip,bilis ng pagkilos,lakas ng katawan at pakiramdam. Apat na pagsubok ang pagdadaanan mo kailangan mong manalo ng tatlong beses kung hindi man ay dalawa pero mas maigi kung mananalo ka sa lahat. Gamitin mo ang kakayahan mo para manalo sa kahit anong paraan. Mula ka sa lahi ng mangkukulam at ang lahi natin ay sadyang tuso kung naiintindihan mo ang ibig kong sabihin.."nakataas ang sulok ng labi na wika ni Nobu kay Katsumi.
"Simulan na ang laro..Akito humanda ka na.."wika ko.
*****
Kakalabanin ko ang mga mandirigma ng Jumon. Kinakabahan ako pero hinding hindi ko ipapakita iyon kay emperador Dilan! Hindi ko siya bibigyan ng kasiyahan na makita na natatakot ako. Magiging mandirigma ako ng Jumon tapos ang usapan.
"Simulan na ang laro..Akito humanda ka na.."
Syempre medyo kinabahan ako kaya saglit na natulos ako sa kinatatayuan ko. Hinayon ko ng tingin si Akito. Nawala ang kaba ko noong ngumiti siya sa akin kaya naman napangiti na din ako. Napansin ko lang ang ganda ng ngipin niya ha.
"Ano magngingitian na lang kayo dyan?Simulan na."inis na wika ni emperador Dilan. Tuluyan ng nawala ang kaba ko napalitan na naman kasi iyon ng inis.
Pumunta sa gitna si Akito at naupo. Eh? Nagkaroon ng upuan at lamesa sa gitna saan nanggaling iyon? Umupo ako doon sa upuan na kaharap ni Akito.
"Maglalaro lang naman tayo madali lang ito. Marunong ka ba maglaro ng baraha?"
Napangisi ako. Marunong ako maglaro ng baraha hilig ko kaya ang larong pang lalaki kaysa sa mga pang babae.
"Oo naman."
"Kung ganoon simulan na natin."nakangiti sa akin si Akito kaya ngumiti din ako.
"Tumatakbo ang oras."wika ni Emperador.
Tss. Ang sama ng tingin niya sinimangutan ko nga.
"Napakamainipin mo Dilan heto na nga.."Akito.
Naglabas si Akito ng baraha sa kamay niya. Lumutang sa harapan ko ang baraha na hilehilera at nagpatong~patong sa isang pitik ng daliri niya. Kinuha ko iyon. Napatingin ako sa isa pang set ng baraha lumapag sa lamesa. Napaangat ang tingin ko noong may kamay na dumampot doon.
"Parang tanga kung kayong dalawa lang ang maglalaro."si Nobu na naglabas ng gintong upuan mula sa portal,siguro ay siya din ang naglabas ng mga upuan namin at lamesa.
BINABASA MO ANG
Muryou:Jumon Emperor
AdventureIsang hamak na mandirigmang mangkukulam na nagmana ng trono bilang emperador ng Emperyo ng Jumon.. The red hair drop dead hot emperor.. ..Emperor Dilan..