"Limampu ang kay Mantaro at Kaichi na watawat habang ang kay Katsumi ay tatlumpu at lima."anunsyo ni Nobu sa bilang ng watawat na nakuha namin.
"Yey! Iyong tsikas ko ha! Gusto ko na din makakilala ng Lao sa personal!"may pagsuntok pa sa ere na wika ni Mantaro kay emperador Dilan.
"Nasasabik na ako sa gintong kunai na mapapasaakin!"Kaichi.
Talo ako nakakainis naman.
"Paano ba iyan lamang na lamang sa'yo si Kaichi at Mantaro."nakangisi na wika ni emperador Dilan.
"Pangatlong pagsubok.."buti at sumabat na si Nobu masasayang lang kasi ang lakas ko kapag nakipagtalo pa ako kay emperador Dilan."Genzo ano lasing ka na ba?"
Eh~~?
"Syempwee naman pinakamachapang na alak ang chinoma ko.."
"Kung ganoon ay handa ka na.."eh~~?paano naman siya magiging handa kung lasing na siya?
Pumwesto na sa gitna si Genzo habang hinayon naman ako ng tingin ni Nobu."Wala kang kailangang gawin kundi ang patamaan ng isang beses si Genzo sa loob ng tatlumpong minuto at panalo ka na."
"Isang beses lang talaga?"
"Isang beses lang."
Hindi ba at parang ang dali noon? Makahulugan ang ngiti ni Nobu sa akin na tila nababasa niya ang iniisip ko.
Pumunta na din ako sa gitna. Ilang distansya ang layo ko sa kanya. Nanunuod sa amin ang mga kasama namin.
"Neng galingan mo para naman pawisan ako."nakangisi na wika ni Genzo.
"Ate Katsumi kaya mo 'yan!"hiyaw ni Mio na nakapagpangiti sa akin.
"Isang tama lang at panalo ka na neng."napasimangot ako hindi na kaya ako nene ano.
Nagsimula ng kumilos si Genzo o kilos nga bang matatawag yun? Pagewang-gewang lang kasi siya tipikal sa isang lasing. Ikinuyom ko ang kamao ko.
Sumugod ako. Puntirya kong patamaan ng kamao ko ang dibdib niya pero nakailag siya pakaliwa. Bumwelo ako at muling sumuntok pero nakailag ulit siya. Paulit-ulit na ganoon. Dinagdagan ko ang bilis ko. Paulit-ulit na hindi ako tumatama. Nangunot ang noo ko. Habang tumatagal kasi ay pabilis siya ng pabilis na parang nagdodoble ang aking paningin? Parang dumadami na kasi siya sa sobrang bilis.
Alam ko na. Napagtanto ko na ang pag-inom ng alak ang nagpapabilis sa kilos niya kung hindi siya lasing may tyansa na mapatamaan ko siya. Kaya lang ay hindi naman mawawala ang pagkalasing niya sa loob ng tatlumpong minuto nabawasan na nga iyon ng humigit sa limang minuto.
Anong gagawin ko? Naiinis ako at hindi ko siya mapatamaan! Hindi ako pwedeng mainis dahil baka lalo akong matalo kapag hindi ako kumalma. Natalo na ako ng isang beses hindi na ako pwedeng matalo!
Lalong nagpuyos ang loob ko noong mapabaling ang tingin ko kay emperador Dilan nakaharap kasi siya sa direksyon ko. Nakakaloko siyang nakatingin sa akin at abot tenga ang ngisi inirapan ko nga sa inis ko ay nakita ko siyang humalakhak.
Hindi ko siya pwedeng bigyan ng kasiyahan sa aking pagkatalo!
Isip. Isip ng paraan. Huminga ako ng malalim at pumikit. Pagkaano ay nagmulat ako ng mata na nakangisi.
Isa ang tumining sa utak ko...na isa akong mangkukulam.
******
Nasisiguro kong lilipas ang tatlumpong minuto ay hindi matatamaan ni Katsumi si Genzo kaya't tiyak na ang kanyang pagkatalo.
Hanggang ngayon ay hindi pa niya ipinapakita ang kakayahan niya?
Napabaling ang tingin sa akin ni Katsumi. Kitang-kita ko ang pagkainis sa kanyang mukha kaya lalo kong nilawakan ang ngisi ko. Irapan ba naman ako kaya hindi ko naiwasan na mapahalakhak. Pagtingin ko sa paligid ko ay nakatingin sa akin sina Nobu,Akito,Mantaro,Kaichi at Mio na para bang tinubuan ako ng sungay.-__-
BINABASA MO ANG
Muryou:Jumon Emperor
AdventureIsang hamak na mandirigmang mangkukulam na nagmana ng trono bilang emperador ng Emperyo ng Jumon.. The red hair drop dead hot emperor.. ..Emperor Dilan..