Ang sakit ng ulo ko. Hangover. Kailangan kong magpapawis. Isang lugar lang naisip kong puntahan,ang silid sanayan. Masyado pang maaga kaya natitiyak ko na wala pa ang ibang mandirigma doon ng Jumon kaya tamang tama lamang na pumaroon na ako ngayon. Kung mamaya pa ay baka lalo lamang sumakit ang ulo ko sa kanila.
"Magandang umaga po Emperador Dilan.."magalang na bati sa akin ng isang dalagang taga-silbi.
May hitsura iyong dalaga at may malaking dibdib kaya lihim kong nakagat ang aking labi. Gustong-gusto ko sa babae ay iyong malaki ang dibdib iyong malulunod ako. Pero dahil panay paalala sa akin ni Nobu na ako na ang emperador ay kunwari na walang emosyon na lamang akong tumango doon sa dalaga kahit na gustong gusto ko itong kindatan at ngitian katulad ng dati kong ginagawa. Dito sa palasyo ay kagalang-galang ako pero kapag nasa labas ako ay ginagawa ko ang gusto ko. Nagdi-disguise na lang ako para hindi ako gaanong makilala na ang emperador ng emperyo. Kung sa palasyo ay nakakorona ako,lapat na lapat sa anit ang buhok at kagalang galang ang suot sa labas naman ay naka-sumbrero ako o di kaya ay tirik na tirik ang pula kong buhok sa gel,tapos simpleng damit lang ang suot ko katulad ng kapag pumupunta kami nina Hisuke sa bar sa mundo ng mga mortal kung saan mas magaganda talaga ang mga babae. Bakit ko ba papahirapan pa ang sarili ko sa pagbabalatkayo?eh pwede ko nga palang baguhin ang mukha ko. Napangisi ako sa isiping iyon. Iyon ang espesyal kong kakayahan ang mangopya ng mukha at magbago ng hitsura.
Nakaka-miss yung dati kung hindi lang ipinagkatiwala ni Ketsuya sa akin ang trono niya,kung bakit sa akin pa at hindi kay Nobu na di hamak naman na mas responsable kaysa sa akin. Pagkatapos ng dalawang taon ay nagkita kami ni Emperador Ketsuya noong nakaraang buwan lang sa mundo ng mga mortal, sila ni Kimiko na nabigyan pala ng pangalawang buhay ng mga tagapangalaga ng emperyo at dyos ng kabutihan. Sa binyag ng anak ni Yumi at Miyata ay ibinigay na niya ng tuluyan sa akin ang blessing niya kahit na ako na talaga ang natayo na emperador noong panahon na hindi pa siya nabubuhay muli. Sa ngayon ay nasa mundo pa ng mga mortal si Ketsuya at Kimiko. Hindi pa sila bumabalik dito sa Emperyo ng Jumon at lingid sa kaalaman ng mga nasasakupan kong mga mangkukulam na buhay sila sa kagustuhan na din ni Ketsuya. Ako at si Nobu ang naghirap na ibalik kahit paano sa maayos ang emperyo ng Jumon.
Iniwanan ko iyong taga-silbi na siguradong may panghihinayang sa dibdib.
Nandito na ako sa harap ng malaking pintuan na bakal. Sobrang taas nito na limang magkakapatong na tao ang taas higit sa lahat ay may kabigatan. Naglabas ako ng kaunting enerhiya na ginamit ko para mabuksan ang pintuan.
Nandito na ako ngayon sa loob. Nangunot ang noo ko. Ang inakala kong masosolo ko ang silid sanayan ay hindi pala mangyayari.
Teka..
Lalong nagsalubong ang kilay ko noong hindi ko makilala kung sinong mandirigma ang nasa gitna ng arena.
"Sino kang pangahas ka?!"
"Magandang umaga Emperador Dilan..ako po ulit si Katsumi.."tumigil ang babaeng ito na nagpakilalang si Katsumi sa kanyang pag-e-ensayo at magalang na yumukod sa akin na mabilis namang nakalapit sa kanya.
Masakit ang ulo ko at ayoko ng istorbo kaya hindi ko na napigilan na umakyat ang dugo ko.
"Walang maganda sa umaga." Wala nga ba? Sa tingin ko ay mayroon nang mabistahan ko siyang maigi. Ang kanyang mukha. Ang ganda ng maamo niyang mukha na may bilugan na mga mata na may malalantik na pilik,maarko na kilay at ma-pink na labi. Alon-alon ang kanyang buhok. Pero kahit na! isa pa din siyang pangahas!
"Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na pumasok dito sa silid sanayan??"
"Kayo po."
"Ako? Nagpapatawa ka ba? Isa kang hangal."
BINABASA MO ANG
Muryou:Jumon Emperor
AdventureIsang hamak na mandirigmang mangkukulam na nagmana ng trono bilang emperador ng Emperyo ng Jumon.. The red hair drop dead hot emperor.. ..Emperor Dilan..