"Hindi po namin makita ang emperador."wika ng isang kawal.
"Hanapin nyo! Wag kayong babalik dito ng hindi nyo nakikita ang emperador kundi ay malilintikan kayo sa akin!"wika ng pinuno ng mga kawal ko na nakapagpangisi sa akin habang nananatiling nakapikit.
Bakit kaya hinahanap ako ng mga kawal ko? Baka mamaya ay dahil lamang sa may nag-a-apply na tagasilbi ng palasyo sila ang malilintikan sa akin mayroon naman kasi akong tagapangasiwa para doon.
Nandito ako ngayon sa itaas ng puno at balak matulog malamig kasi dito presko. Dinadalaw na ako ng antok at sa tingin ko ay mahuhulog na sa mahimbing na pagtulog..
"Dilan!"
"Nak ng Nobu naman!"napamulat ako ng mata sa gulat tapat na tapat kasi ng tenga ko at may kalakasan noong tawagin ako ni Nobu. Napatawa naman si kalbo habang ako ay nakasimangot may pagkabaliw din talaga ito minsan. Ulo lang ni Nobu ang nakalitaw at ang katawan niya ay nasa loob ng portal.
"Tinaguan mo na naman ang mga kawal mo.."
Sasagot sana ako nang may madinig kaming boses..
"Nakakainis talaga ang emperador na iyon! Akala mo kung sinong malakas mukha namang mahina! Tinanggap na nga niya ako tapos parang gusto pang bawiin ipapakita ko sa kanya kung gaano ako kalakas leche siya!"sinipa pa ni Katsumi ang bato na para bang ako iyong sinipa niya.
"Hindi ako nagkamali na baliw talaga ang pangahas na iyon."naiinis kong bulong. Hindi naman ako ganito sa babae kaya hindi ko alam kung bakit naiinis ako kay Katsumi.
Nadinig ko ang pigil na pagtawa ni Nobu sinamaan ko nga siya ng tingin.
"Tawa pa."inis kong wika.
Masama ang tingin na hinabol ko ng tingin si Katsumi na palayo sa amin.
"Ano ang plano mo kay Katsumi?"
"Pahihirapan muna katulad ng ibang mandirigma na tinanggap ko sa palasyo."
"Ibig sabihin tinatanggap mo na siya?"nakangisi sa akin si Nobu at tila nanunukso iningusan ko nga siya.
"Tss,bakit ka ba nandito inabala mo pa ang pagtulog ko."
"May mga bisita tayo."
"Sino naman?"wala naman akong inaasahan na bisita namin.
"Hulaan mo."nakangisi si Nobu ano kaya ang nakain nito at mukhang trip ako ngayon.
"Tss,sabihin mo na!"
"Ang mga salamangkero ng Libre si Ken,Shin at Shugen."
Ano naman kaya ang pakay ng mga salamangkero?
"Nasaan sila?"
"Nasa bulwagan."
"Tayo na doon kung ganoon."
Pumasok ako sa portal ni Nobu at sa isang iglap ay nasa may bulwagan na kami.
"Kamusta mga salamangkero."bati ko sa kanila.
"Yow Dilan! Ikaw ba talaga iyan? Lapat na lapat ang buhok ah parang tanga lang,hahaha."bati ni Ken na natatawa.
"Ang pangit mo dyan sa damit ng emperador,ang bakla mo sa korona mo,hahaha."pinagtatawanan din ako ni Shugen.
Ngayon lang kasi nila ako nakitang nakasuot ng damit pang emperador.
"Pumunta ba kayo dito para lang asarin ako?"inis kong wika.
Nakakapagtaka na tahimik lang si Shin isa pa din naman iyong gago.
"Anong kailangan nyo sa akin?"
BINABASA MO ANG
Muryou:Jumon Emperor
AdventureIsang hamak na mandirigmang mangkukulam na nagmana ng trono bilang emperador ng Emperyo ng Jumon.. The red hair drop dead hot emperor.. ..Emperor Dilan..