Nagmulat ako ng mata. I look at my wall clock na galing din sa mundo ng mga mortal. Umaga na,alas sais ng umaga. I look around. Ang huli kong naaalala ay nandito sa kwarto ko si Katsumi ng alas syete ng gabi,ang haba ng itinulog ko. Nakita ko ang kopya ng mga patakaran ng palasyo na maayos na nakapatong sa drawer ko. Hindi ako makapaniwala na may nakasama akong babae sa isang silid na walang nangyari sa amin,sabagay kasi naman ay hindi mukhang babae si Katsumi kung gumayak.
Nakahiga pa din ako dito sa sahig pero napansin kong nakakumot ako. Napangiti ako. Mabait naman pala ang babaeng iyon kinumutan pa ako,nakakatuwa naman siya siguro kung kaya niya akong buhatin sa kama ay inilipat na niya ako doon.
Nagsuot ako ng casual na damit,ordinaryong damit ng isang mangkukulam. Pupunta kami ngayon sa Yuhan at ayokong humarap kay Jin na suot ang makating damit ng emperador. Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko.
"Nakaalis na ba papuntang Shinobi si Akito?"tanong ko sa pinuno ng mga kawal na nakasalubong ko.
"Err~~n-akaalis na po si Akito emperador.."sagot sa akin noong pinuno ng mga kawal. Hindi ko maintindihan ang hitsura ng mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Natatae ka ba? Tumae ka muna."sabi ko sa kanya mukha kasi siyang natatae.
"E-h~~ sige po.."mukhang masakit talaga ang tyan ng isang iyon nagmamadaling makapunta sa banyo.
Nagpatuloy ako sa paglakad. Nakasalubong ko naman ang isang babaeng tagasilbi.
"M-agandang umaga emperador Dilan.."tumango naman ako. Titig na titig siya sa mukha ko na parang ayaw na niyang alisin ang tingin niya sa akin. Gwapong-gwapo sa akin hindi naman ako nagtataka pa. Nilagpasan ko na siya. Pupuntahan ko si Mantaro sa silid niya baka hindi pa iyon gumagayak tapos ay pupuntahan ko din si Katsumi.
Halos lahat ng mga nakasalubong ko ay parang mga nagtatae,ano kaya ang nakain ng mga iyon mabuti na lang at hindi ko nakain ang kinain nila.
Nakarating din ako sa silid ni Mantaro. Kumatok ako.
"Emperador~~HAHAHAHA! BWAHAHAHA!!"pagbukas na pagbukas ng pintuan ay utas na tawa ni Mantaro ang sumalubong sa akin. Nangunot naman ang noo ko. Kung iyong iba ay mukhang natatae itong si Taro mukhang nababaliw.
"Anong nakakatawa?"
"HAHAHAHA! H--ikaw..! Hahahaha!"may pagturo pa siya sa akin.
"Alam kong sobrang gwapo ko Mantaro pero sobra naman yata iyang saya mo na makita ang kagwapuhan ko. Nababakla ka na ba sa akin?"nagdududa ang tingin ko sa kanya.
"Nababakla?! Aba naman sa dami na din ng babaeng naiyot ko!"tumigil siya sa pagtawa at masama ang tingin sa akin pagkaano ay mukhang naaaliw na naman."Hindi ka ba humarap sa salamin bago lumabas ng silid mo?"nakataas ang sulok ng labi na wika niya.
Salamin?
Walang sabi-sabi na pumasok ako sa silid niya at inilang hakbang ang salamin niya.
"TANG INA! PANGAHAS TALAGA ANG BABAENG IYON!"i hissed.
Paanong hindi ako magagalit? Nakaharap ako ngayon sa mukha ko na puro sulat! May bilog ang isa kong mata na maitim na maitim na parang panda tapos ay may guhit ako sa pisngi na parang pusa tapos may nakasulat pa sa noo na Chinese character na ang ibig sabihin ay "Pangit ako". Ako pangit?! Ang gwapo ko ano!
Hindi naman pala parang natatae ang mga nakasalubong ko kundi natatawa! Pinipigilan nila ang pagtawa nila! Pinahiya ako ng Katsumi na iyon sa mga tao dito sa palasyo!
"Anong oras tayo aalis?"habol na tanong sa akin ni Mantaro paglabas ko ng silid niya."Hindi mo ba buburahin iyang~~"
"Basta magbihis ka!"bulyaw ko at martsang umalis.
BINABASA MO ANG
Muryou:Jumon Emperor
AdventureIsang hamak na mandirigmang mangkukulam na nagmana ng trono bilang emperador ng Emperyo ng Jumon.. The red hair drop dead hot emperor.. ..Emperor Dilan..