ⓣⓗⓡⓔⓔ [3]

243 11 4
                                    

[!] Flashbacks/Past Events are intended in this chapter.
______________________________

3rd Person's

Three weeks passed already, at bumalik uli sa dati ang pakikitungo ni Seungcheol kay Jeonghan. After that night, kinaumagahan ay naging masungit uli si Seungcheol kay Jeonghan. At pakiramdam nga ni Jeonghan mas lumala pa, pero hindi niya na lamang ito pinapansin, at least siya hindi nagbabago at magbabago ang pakikitungo niya kay Seungcheol. Ang kaso nga lang syempre, naghihinayang naman siya, siguro nga minsanang experience lang makita ang ganung mood ni Seungcheol.
_________________________________

Alas-tres ng hapon, maaga ang uwian ng mga estudyante dahil may urgent meeting ang mga teachers. Ang basketball team naman nila Seungcheol ay may practice pa rin, dahil papalapit na ang laban nila sa kabilang school.

Sariling practice lang naman ng team nila dahil wala ang coach nila, dahil kasama rin ito sa meeting.

Water break nila, kaya nakaupo lang sila sa bleachers ng mga kateam niya. Nagkekwentuhan lang sila ng iba niyang team mate, lumapit si Chan na pinakabata sa team nila, galing ito sa labas ng gymnasium at kasama nito si Jeonghan.

"Kuya Seungcheol, hinahanap ka po niya." Sabi nito sabay turo kay Jeonghan na nasa may entrance ng gymnasium at kumakaway kay Seungcheol. Umupo naman na si Chan sa tabi ng Soonyoung hyung niya.

Seungcheol sighed at tumalon pababa sa bleachers, nasa may pwestong taas kasi siya.

"Naks oh, papanuorin ata si Seungcheol hyung ng girlfriend niya!" Pangaasar na sigaw ni Junhui.

Seungcheol just raised his middle finger towards the younger at sumigaw din ng "Gago." saka naglakad na siya palapit kay Jeonghan.

Pagkalapit niya dito, tinanong niya agad ito kung anong kailangan.

"Wala naman, manonood lang sana ako ng practice niyo." Nakangiting sabi nito sakanya.

"Hindi naman maayos ang practice namin, wala si coach, wala ka din namang mapapanuod na maayos na laro dito." Sagot nalang ni Seungcheol.

"Kahit pa, wala akong matambayan e"

"Wala ba kayong practice?" Seungcheol asked again.

"Wala rin."

"Sila Seungkwan, nasaan? Ba't hindi ka sumama sa kanila?" Tanong ni Seungcheol

"Eh uuwi na daw sila e, kahit si Seokmin din saka si Jihoon kahit si Jisoo rin. Si Seokmin at Seungkwan daw pala pupunta muna ng mall bago umuwi."

"Ba't hindi ka nalang sumama, pupuntahan nalang kita mamaya."

"Ayoko, tinatamad ako manonood nalang ako dito."

Hindi nalang umimik si Seungcheol at tumango, wala naman na siyang magagawa dahil nandoon na si Jeonghan, hindi niya na ito mapapaalis.

Kinuha naman ni Jeonghan ang panyo niya at lumapit kay Seungcheol saka pinunasan ang noo nito na pawis na pawis.

Natigilan naman si Seungcheol at hinayaan lang si Jeonghan.

"Cheol bakit di ka nagpupunas, wala ka bang towel?" Tanong ni Jeonghan habang pinupunasan parin ang mukha ni Seungcheol.

Hinawakan naman ni Seungcheol ang kamay ni Jeonghan at inalayo sa kanya.

"Okay lang ako, meron akong towel dun." Seungcheol said at saka tinalikuran na si Jeonghan at naglakad na pabalik sa bleachers.

Tiningnan naman siya ni Jeonghan at saka tinago nalang sa bulsa niya ang panyo niya at sumunod kay Seungcheol pero hindi naman na siya sumunod sa kung saan nakaupo ang team nila Seungcheol, pumwesto nalang siya ng upo medyo malayo sa team. Kinalong niya nalang ang bag niya at tahimik na umupo.

When I Was Your Man ु  jeongcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon