ⓣⓗⓡⓔⓔ [5]

365 13 3
                                    

[!] Flashbacks/Past Events are intended in this chapter.
____________________________

Just tell me,
Say anything,
Anything hurts less than the quiet.
The Quiet - Troye Sivan

°°°
Italics - moments Jeonghan and Seungcheol are remembering

Normal - current events

3rd Person's

It's Seungcheol and Jeonghan's 6th Anniversary, maagang umuwi si Jeonghan para magprepare ng surprise para kay Seungcheol, hindi naman siya nakapagprepare ng ganun ka enggrande, dahil kinapos siya sa oras. Ang tanging nagawa niya lang ay ang gumawa ng paboritong Bungeo-ppang ni Seungcheol, nagbake din siya ng cupcakes na inihingi pa niya ng tulong kila Seokmin at sa girlfriend nito, dahil hindi naman siya marunong, pero ayun nga he still did it, naglagay siya ng designs na words sa cupcakes na 'HAPPY 6TH ANNIVERSARY CHEOLLIE! I love you so much! ♡' at itriny niya na ding magluto ng pagkain para sa dinner nila. Gusto niyang isurprise ngayon si Seungcheol dahil palagi nalang ito ang gumagawa ng espesyal para sakanya everytime na magcecelebrate sila ng anniversary.

He's at their dining table, kaharap ang mga prinepare niyang pagkain, kanina pa siya kakatingin sa relo niya para tingnan ang oras, It's already 9 PM, at eto sana ang inaasahan niyang oras ng pagdating ni Seungcheol pero wala pa ito.

Time passed at ilang minuto nalang mag te ten o'clock na. Kinuha ni Jeonghan ang cellphone niya sa bulsa niya at naisipan sanang itext si Seungcheol.

He opened his messages at nakita pumunta siya sa conversations nila ni Seungcheol.

There are no new and current messages.

Walang kahit anong text sakanya si Seungcheol simula kaninang umaga, ni greetings para sa anniversary nila wala. And Jeonghan will lie kung sasabihin niyang hindi siya naninibago.

Nakakabinging katahimikan, iyan ang ilang linggo nang nararamdaman ni Jeonghan sa pagitan nilang dalawa ni Seungcheol; literally and romantically.

Ilang linggo na ba siyang nagigising sa umaga na siya nalang ang mag-isang nasa kama? At ang tanging nadadatnan niya nalang ay isang note na nagsasabing, maagang umalis si Seungcheol.

Ilang linggo na bang, umuuwi si Seungcheol na tulog na siya, kung minsan hihintayin niya ito, pero nakakatulog na rin siya, at kung magising man siya, tulog na si Seungcheol sa tabi niya.

Ilang linggo na bang hindi na halos siya makausap ni Seungcheol?

Ilang linggo na bang halos wala na silang skin-ship at intimacy?

Ilang linggo na bang halos wala na rin siyang naririnig na 'i love you' galing kay Seungcheol?

Ilang linggo na bang nararamdaman ni Jeonghan ang pagbabago sa relasyon nilang dalawa?

Pero binabalewala lamang ito ni Jeonghan dahil ang iniisip niya nalang ay baka may mga bagay lang talagang mas kailangan munang paglaanan ng oras ni Seungcheol. (kahit half of him is saying and convincing him na may kakaiba na talaga sa kanilang dalawa).

He typed a message for Seungcheol.

Cheol ♥️

9:49 pm

Cheol? Pauwi ka na ba? Ingat ka ha? 😘 I LOVE YOU! 💙

When I Was Your Man ु  jeongcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon